Parang nabigyan na ako ng Diyos ng tamang tao ngunit nasa maling sitwasyon naman kaming dalawa. Para bang kung sabihin nila ay gustong-gusto mo yung tao, pero ayaw mo sa sitwasyon.

Ilang taon ko na siyang kilala, pero bakit pakiramdam ko ito na yung huling beses na makikita ko siya?

Inangat ko ang aking tingin at nakita ko ang hacienda ng mga Soriano, wala pa rin tigil ang pagluha ko kaya naman kinakabahan ako na baka mapag-alala ko pa ang mga Soriano. Kung nung mga nagdaang araw ay kinakaya ko pa ang bigat ng dibdib ko, pero ngayon parang hindi ko na kaya.

Lumabas siya mula sa pintuan at seryoso ang kanyang mukha nang dumapo ang kanyang tingin sa akin, magkatitigan lamang kaming dalawa at siya naman ay binuksan ang kanyang bisig na parang hinihintay lamang ako.

"Primo." Binagsak ko ang aking payong at agad ay yumakap sa kanya at umiyak sa kanyang dibdib. "Primo."

"Gusto ko ito na yung huling beses na iiyak ka, Sanya." Hinaplos niya ang aking buhok habang walang tigil ang aking pag-iyak. "Laging bukas yung bisig ko para sayo Sanya, pero ayokong laging umiiyak ka sa tuwing yayakap ka sa akin."

"Sobrang bigat, Primo." Hindi naman ganito kasakit pero bakit nung naklaro ang lahat at naging malinaw bakit ganito na kahirap!

"I don't really know what's your problem, I don't know what to say but I just want you to know that there's always a person who never wants to see you cry, a person who always want to see you smile, and a person who always pray to God for you to be always happy because maybe you're unaware of how your smile can just brighten the whole world."

Nanlabo na ang paningin ko siguro dahil sa pagod at antok na nararamdaman ko.

"May tahanan ka, Sanya. May taong laging handang maging tahanan para sayo."

Hindi klaro ang kanyang salita mga binitawan kaya pinagwalang bahala ko na lamang iyon at nakatulog na ako sa kanyang dibdib.

Nagising na lamang ako dahil sa sinag ng araw, agad kong tinakpan ang sarili ko ng unan. Nanghihina ako ngayon pakiramdam ko ay wala akong lakas na kumilos manlang.

Sa pagbangon ko ay may kumatok sa pinto kaya agad ko naman itong binuksan at bumungad si Primo na mukhang pupunta sa kanilang kompanya. Kumunot ang kanyang noo sa akin kabod ay in-angat niya ang kanyang kamay at dinampi ito sa aking noo.

"Ang init mo." Hinawakan ko ang aking leeg at tama nga siya.

"Anya, you're also pregnant you should be careful." Kumunot ang noo ko nang luwagan niya ang kanyang necktie at lumapit siya sa kama ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Hindi ako aalis, babantayan kita." Natingin siya sa labas dahil sa ingay, inaayos ng mga tauhan nila ang labas dahil sa utos ni Don Hacinto na dapat ay laging naka-ayos at magandang tingnan ang mga halaman dito. Hindi naman sapat ang kakaunting tao upang ayusin lang 'yon sa sobrang lawak ng lupain sa bandang bahay nito. "Tara sa kwarto ko."

"Ha?" Tumingin siya sa akin na parang nagtataka sa reaksyon ko.

"Sa kwarto ko?"

"Ayos lang naman ako dito."

"Maingay, hindi ka makakapagpahinga tsaka para madali na rin kita na mabantayan."

Ominous MelodyWhere stories live. Discover now