"Mag model? Buntis kaya ako."

"Bakit pagmo-model lang ba yung nahahadlangan ng pamilya mo na marating mo?" Napatingin siya sa akin. "Yoon lang ba yung pinipigilan mo yung sarili mong maabot para lang may mapatunayan sa pamilya mo?"

Ngumiti siya ng malapad sa akin at bigla ay tumayo siya sa kanyang kina-uupuan. Agad siyang yumakap sa akin.

"Salamat, salamat, Sanya." Kinuha niya ang bag niya at para siyang nagmamadali sa pag-alis, para bang may nais siyang puntahan na kinakasabik niya matapos naming mag-usap.

Napatingin ako sa phone ko, agad ko 'yon na binuksan at nakita ko agad ang pinaka bagong text sa akin ni Dominique, tatlong oras na ito simula nang masend niya.

Gusto niyang magkita ulit kami sa dati naming tagpuan, maghihintay siya kahit anong oras ang abutin niya doon. Napatingin agad ako sa labas at nakita ko ang sobrang lakas na ulan.

Wala akong ibang nagawa, pinagmasdan ko siya mula dito habang naglalakad ako na may hawak na payong. Kitang-kita ko na basang-basa na siya ngunit hindi siya natitilag sa lakas ng ulan.

"Dominique." Napatingin agad siya sa akin at nagliwanag ang kanyang mukha. Magkasalo kami sa payong na hawak ko at parang hindi pa siya makapaniwala.

"Sanya." Ngumiti lamang ako sa kanya at pinunasan ang kanyang mukha na basa.

"Hindi naman na ata ulan 'to eh, luha na ata. Ayos ka lang ba?"

"Ayos na ako, andito ka na eh." Ngumiti lamang muli ako ng tipid sa kanya. "Sanya I know that you're already expecting me to say this but I want to say sorry."

"Ayos na yon-"

"Let me finish first." Tumango na lamang ako sa kanya at parang sobrang lungkot ng kanyang mata. "Sanya, God knows how much i'm still hoping for you to come back in my arms but even though how much I want things to happen according to what I want, it can't."

Hinawi niyanang aking buhok at pinagdikit ang aming noo habang siya ay nakapikit.

"Hindi ko kasi magagawang umalis hangga't alam ko na naghihintay ka. Sanya, I have to leave San Soriano to be a soldier."

"B-Bagay sayo, ikaw yung pinaka matapang na tao na kilala ko eh." Bahagya kong niyuko ang aking ulo at kinagat ang aking labi upang pigilan ang aking sarili.

"Promise me one thing." Inangat niya ang aking mukha at ngumiti siya ng tipid. "Magiging guro ka, magtuturo ka sa mga paaralan."

"Pangako ko na sa sarili ko yan, pero sige pinapangako ko na magiging guro ako habang ikaw naman magiging sundalo ka."

"Pangako, magiging sundalo ako para sayo at para sa bansa." Ngumiti siya. "Pano? Una na ako."

"Dominique-"

"Sanya, please don't." Pinahid niya ang luha na tumutulo sa kanyang mata. "Don't call my name and don't turn around while i'm walking away. Kasi alam ko sa sarili ko na tatakbo ako pabalik sayo."

Kaya kahit minsan sa buhay ko ay gusto kong maging makasarili ay pinilit ko ang sarili ko na huwag siyang lingunin. Hindi ko alam kung naka-alis na ba siya, hindi ko alam kung andito pa siya, sa totoo lang ay hindi ko na rin alam kung gaano katagal na akong nakatayo dito habang hawak ang aking payong.

Ominous MelodyWhere stories live. Discover now