Chapter 8

3.8K 161 16
                                    

Samantha

"Class be ready my recitation ako tomorrow"

Ayun lang at umalis na si Sir nag ayos na lahat ng gamit para pumunta sa cafeteria at kumain. Pupunta kaya yung James na yun sa cafeteria? Punyeta naman

"Garden tayo kakain Sky sumama kayo samin sabay sabay na" seryoso kong sabi sa kanila nag taka sila pero tumango na din

"pero bili muna tayong foods sa cafeteria" sumang ayon kami kay Trish at dumaretso na sa canteen biglang nahawi ang mga estudyante sa daan at pinauna kaming mag lakad

Nakarating kami sa canteen at hindi na namin kailangan pang pumila dahil sila na mismo ang nag pauna samin habang nag oorder sila may lumapit samin

"Hi sa inyo hi Elyse pede na kitang mayaya mag lunch?" kumamot pa sa batok ang panget na James nung tinatanong nya si Sky. Nung makita kong parang gusto sumama si Sky ako na nag salita

"She's not available sabay kaming kakain" seryoso ko ulit sabi tumingin pa sakin si Sky na nakakunot ang noo

"ahh ganun ba sige next time nalang?"

"No sige sabay na tayo mag lunch"

What the fuck Sky? Are you for real going with this dude?! Tiningnan ko sya ng masama at nung aalis na sya hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya

"samin ka sasabay"

"Ano ba Ica kanina ka pa. Bitawan mo nga ako...Eli at Stacey sabay nalang kayo mamaya kita nalang tayo sa room"

Umalis na sya kasama yung lalaking yun at iniwan kami. Lahat ng kaibigan ko ay nakatingin sakin at hindi naimik

"Samantha a-anong gusto mo kainin?" parang natatakot pang tanong sakin Marga

Pero di ako maka sagot nakatingin lang ako sa pinto hanggang sa makalabas sina Sky. Nagagalit ako hindi ko alam kung bakit dahil na first time ko ma reject? Parang gusto ko nalang sumugod sa table nila

"Samant--"

Naramdaman ko na may sumagi sakin buti nalang hindi natapon sakin yung pagkain pero dahil parang sa kanya ko nailagay ang galit ko

"TANGA KA BA?! BAKIT KA PAHARA HARA?! TANGINA KITA MO NAMANG ANDITO AKO DITO KA DADAAN!!!" hinawakan ko ang kwelyo nya at sinigawan sya kaya na patingin na naman sakin ang lahat ng tao

"s-sorry p-po d-d-diko po sin-nasadya" sabi nya pero galit ako punyeta

"Samantha that's enough Bitawan mo sya hindi ka naman natapunan at nag sorry na sya" pakinig kong sabi ni Ash. Pabato kong binitawan sya at tumakbo syang palabas ng cafeteria

"Anong tinitingin nyo?! Gusto nyo bang matanggal sa school?! Sabihin nyo lang para bukas wala na kayo!!!!" sigaw ko sa kanila at nag lakad na ako palabas ng cafeteria pakinig ko pa ang mga kaibigan ko na tinatawag ako pero hindi ko na sila nilingon

Dumaretso akong parking lot para umalis na sumakay ako sa kotse ko at na patingin sa steering wheel. What's wrong with you Samantha?! Tangina anong nangyayare?! Bat ako nagagalit?!

Pinaandar ko na ang sasakyan paalis sa school hindi na ako aattend sa klase siguro sa bahay nalang ako or sa company ni Dad? Sa bahay nalang nga


Elyse

Habang kumakain kami ni James dito sa may court nag kwekwento lang sya sakin. OMG tunay ba to? Kasabay ko kumain si James! Matagal ko na talaga syang crush i think last year? Pero hindi ako nag papakilala dahil hindi ko pa naman sya ganun ka gusto para mag first move

"Hey Elyse i know masyadong mabilis but can i court you?" tanong nya sakin at di ko maiwasan kiligin

"sure"

Ngumiti sya ng malapad at nag thank you sakin. Nag pa tuloy na kami sa pagkain bigla kong naisip yung ginawa si Ica kanina. What's her problem kaya? Kanina pa sya nang gugulo sakin tapos ayaw pa ako pasamahin kay James kakainis talaga sya

"Elyse? Hey are you okay?"

"Ahh yeah may naisip lang" tsk focus Elyse baka ma turn off sya sayo

Nung matapos kami kumain nag lakad na kami at ihahatid nya daw ako sa room dahil mag kaiba kami ng section ngayon isang beses lang yata kami may mag kasamang sub

"Pede ba kitang maihatid mamaya?"

"I'm sorry kasabay ko sina Eli later"

"it's okay bye Elyse" sabi nya at inantay akong pumasok sa loob ng room Ngumiti nalang din ako sa kanya at pumasok na

Pag pasok ko napansin kong mag kakatabi yung grupo ni Ica pati yung akin parang nag bubulungan pero bakit parang wala si Ica? Magkakasama sila kanina nung iniwan ko sa Cafeteria ahh

"Hey guys anong meron?" napatingin sila sakin at umayos na sila ng upo kaya nag taka ako

"where's Samantha?" tanong ko pa sa kanila at tumingin muna sila sa isat isa bago sumagot

"Wala sya dito friend umalis kanina sa cafeteria pagkatapos sigawan yung lalaki siguro umuwi na yun" kwento sakin ni Stacey

"What Happened?" takang sabi ko sa kanila

"Si Samantha kasi may nakabangga sa kanya tapos ayun nagalit sya sinigawan nya. Nagulat nga din kami dahil hindi naman yun palaaway kung si Ash pa baka nasapak na nya yung lalaki"

Kwento agad ni Trevor sakin at parang wala namang pake si Ashley sa sinabi ni Trev. Nag cutting sya? May next class kami pagkatapos nito ahh pasaway talaga ang isang yun

"Guys i have good news!!" masayang sabi ko sa kanila well ang saya ko kasi

"what's that?" tanong nila sakin

"Nililigawan na ako ni James!!" nakangiti kong sabi sa kanila

"ANO?!/HA?! WHAT THE FUCK?! FOR REAL?! PATAY NA" sabay sabay nilang sabi at gulat na nakatingin sakin na parang takot? What's wrong with them?

"ahmm yes? Why? Hindi na kayo masaya dun? Eli, Stacey diba matagal nyo nang alam na crush ko yun"

"oo nga pero kasi ano" sabi ni Eli sakin at tumingin ulit sila sa isat isa

"Sigurado ka ba dyan mareng Elyse? Crush mo palang naman diba?" ano bang nangyayare sa kanila?

"i know kaya nga nililigawan palang diba? What's wrong with that?"

"wala wala congrats!" sabi nina Vince sakin kaya hinayaan ko nalang sila. They're so weird

The Queen and The Brat (gxg) Where stories live. Discover now