Tahimik ang buong bahay, pero ang isip ko'y maingay.
Nakaupo ako sa sulok ng kwarto, hawak ang aking mga medalya. Ginto. Isa na namang patunay na "magaling" ako. Isa na namang dahilan para sabihing, "Ang galing talaga ng anak naming si Margarette."
Tuwang tuwa na naman ang pamilya ko nito. Mas tataas pa lalo ang expectations nila. Bagay na ayaw kong mangyari pero wala naman akong magawa. Napagtanto kong sa pag dami ng napagtagumpayan, sa pagbigat ng presyur na pasan.
Ngunit sa likod ng bawat palakpak, may luha. Sa likod ng bawat ngiti, may sigaw na hindi ko masabi.
Lagi nilang sinasabi, "Panganay ka kasi."
Na para bang sapat na 'yon para unawain kung bakit kailangan kong magpakatatag.
Na para bang may obligasyon akong buuin ang sarili ko habang binubuhat ang bigat ng lahat.
Bilang panganay, kailangang magparaya.
Kailangang umintindi.
Kailangang maging matatag, kahit wasak na.
Isang bagay na hindi ko maunawaan. Gulong gulo ako, na paanong nag karoon ako ng responsibilidad sa murang edad? Isang bagay na hindi ko naman ginusto. Bagay na pilit ipinapaintindi sa paslit na kagaya ko?
Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ako dapat magpanggap na kaya ko kahit ako'y mag-isa? Hanggang kailan ako dapat magparaya at umintindi sa iba?
Hindi alam ng mundo kung gaano kasakit ang ngumiting paulit-ulit para lang matawag na "mabuting anak."
Hindi din ba alam ng mundo na napapagod na ako? Na ang gusto ko lang naman ay may makaintindi din sa akin kagaya ng pag-intindi ko sa kanila?
Hindi rin alam ng mga magulang ko na matagal na akong hindi buo. Ang kanilang "perpektong panganay" ay hindi masaya. At hindi ko rin alam kung kaya ko pa pero pilit lumalaban kasi ako lang daw ang aasahan.
Ito ang kwento ng isang panganay na napagod, hindi dininig, at pinagpaliwanag.
Na nagsimulang magtanong:
"Kailan naman ako?"
"Pwede bang ako muna?"
YOU ARE READING
Hidden Sorrows
General FictionWhat does it really mean to be the eldest? The "leader," the one who always follows the rules. Dependable. Responsible. Mature enough to handle everything alone. People think it's easy-that all it takes is looking after your younger siblings and set...
