Kaagad naman akong tumango. "Of course, Sir" I stepped aside and slightly pulled the mat to the right side to give him space.

"How are you, Ryle?" baling ko kay Ryle na nasa gilid lang rin. "Parang anytime, mas matangkad ka na sa'kin, ah?"

He's wearing a gray shirt tucked inside his maong pants, and a pair of white shoes. Nakaligtas siya sa stray bullet accident na nangyari sa kanya kasabay noong araw na ma-hit-and-run si Yohan. Buti naman at naging mabilis rin ang recovery ni Ryle.

"I'm fine naman, Kuya. How about you? I hope everything's okay" he gave me a smile.

"I'm really okay" sabi ko, doon natapos ang usapan naming dalawa. Pinagmamasdan niya ang Papa niya habang ako naman ay nakatingin lang sa damuhan.

"Happy birthday, Ry" bati ni Sir Randy habang nakatingin sa lapida. "Kung nasaan ka man ngayon, alam kong masaya ka. Anak, alam mo" huminga siya malalim bago magpatuloy sa pagsasalita.

"Walang araw na hindi ako humihingi ng tawad sa pagkawala mo..... wala rin gabing hindi kita naiisip. Miss na miss na kita, anak, miss na miss ka na namin" he get his handkerchief from his pocket and started wiping his tears.

I shook my head to prevent my tears from falling. Naiiyak ako dahil nararamdaman ko rin kung gaano siyang nasasaktan at kung gaano kasakit sa kanya ang nangyari.

"I'm sorry, I should've understand you at the first place, I'm sorry kung mas pinairal ko ang emosyon ko kesa pang-unawa, I'm really sorry. Paulit-ulit akong hihingi ng tawad.... anak."

Lumapit si Ryle sa Papa niya't kaagad na hinagod ang likod nito. Patuloy lang sa pag-iyak ang Papa niya. Nakatungo lang ako habang pinupusan ang mga luhang kong isa-isa na ring pumapatak. Hindi ko na namalayan.

"Happy birthday ulit, anak, mahal na mahal kita" those was his last words before he turned his back and took steps towards me.

"Gusto ko ring humingi ng tawad sa'yo, Grix. I'm sorry if at the first place, I didn't see that Ry is happy when he's with you, I'm sorry if I put the blame on him being with you that night" he said, pertaining to the accidents that happened years ago.

I gave him a smile. "Matagal ko na po kayong pinatawad, Sir, tsaka huwag niyo na pong isisi sa sarili niyo ang pagkawala ni Ry, dahil aksidente po ang lahat ng nangyari" sabi ko. "Sigurado po akong ganoon rin ang gusto ni Ry na gawin niyo, he wants you to forgive yourself."

Hindi ko inaasahang yayakapin niya ako. "Thank you for loving my son, thank you for making him happy" he said. I hugged him back in response and started on tapping his back.

Nang humiwalay siya sa pagkakayakap ay nagpaalam na rin silang aalis na. "Una na kami, Kuya" paalam ni Ryle tsaka sinundan ang Papa niyang nagpaunang maglakad.

Tumango lang ako sa kanya, pinagmasdan ko pa silang makasakay ng kotse. Hinila ko na ang mat sa dating position nito, humiga na ulit ako't nagsimulang pagmasdan ang mga ulap.

Even though I stayed in that position for a couple of hours, I still didn't get bored. I miss visiting him, I miss being on his side.... I just miss him that much.

How I wish that he's still with me, he's still here, celebrating every achievements with me.... with us, reaching our dreams together, and doing the plans that we've made.

How I wish he's still alive.

Despite of that thoughts, Ry teach me a very important thing, and that thing.... is to keep going in life, keep on aiming your dreams, and reaching the goals that we've set in ourlives.

I will keep on going because of him, for my self, for my family, and for my future.

Hindi lang para sa kanya kaya ko 'to ginagawa, para na rin sa sarili at pamilya ko. Hindi niya 'ko tinuruang maging madamot pagdating sa pag-abot ng mga pangarap ko.

"Don't do it because that's what I've told you, instead, do it because that's what you want."

"Magandang hapon po, Kuya" kaagad akong napatayo at lumingon sa nagsalita. Isang batang lalaki ang bumungad sa'kin. Nakasuot siya ng green na t-shirt, jersey shorts na blue, at ang pares ng tsinelas. May dala rin siyang ilang piraso ng bulaklak. "Kaano-ano niyo po siya?" tanong niya sa'kin, tukoy niya kay Ry.

"Boyfriend ko" nakangiting sagot ko. Tumango muna siya bago naglakad papalapit sa puntod ni Ry. Pinatong niya ang bulaklak sa lapida tsaka umupo sa damuhan. Hindi ko siya kilala. Magtatanong sana ako pero hindi ko na tinuloy ng hawakan niya ang lapida't nagsalita.

"Hello, Kuya, pasensya na sa dala kong bulaklak, nahuli kasi ako nung kapitbahay naming pumipitas ng rose noong huli kitang dinalaw kaya hindi na ako nakaulit" kwento niya. That put a smile on my face in an instant.

"Salamat po, ha? Kasi binigyan niyo ako ng second chance para mabuhay, habang buhay ko pong tatanawin na utang na loob ang ginawa niyo sa'kin, Kuya" napamaang ako sa sinabi niya.

"Hindi na rin po ako magtatagal, Kuya. Ang totoo po kasi, nagpaalam po ako sa Tatay kong bibili lang ako ng patis, baka nga hinahanap na 'ko, eh" he scratched his head. "Sa susunod na lang po ulit, Kuya" tumayo na siya't pinagpagan ang shorts.

Mas lalo akong natigilan ng makita ko ang kwintas na nakasabit sa leeg niya. It looks.... familiar, the color, and the pendant, everything's familiar. Hinahabol ko 'yon ng tingin.

The necklace that I gave him on our first anniversary.

The kid suddenly stopped walking, he looked at me. "Oo nga pala, Kuya, my name is Allen, nakalimutan ko pong magpakilala sa inyo, eh" he said. "Ako po yung batang linigtas ni Kuya Yohan sa aksidente. Sobrang bait po at napakabuting tao ng boyfriend niyo."

I'm just staring at him, still don't know what to say nor to react. For the past years, ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito. Yohan saved his life. Linipat ko naman ang paningin ko sa kwintas na suot niya.

"Ah, wait lang po, ah?" sabi niya sa'kin. Hinawakan niya ang kwintas at dahan dahan tinanggal mula sa leeg niya. Napabalik ako sa wisyo ng hawakan niya ang kanang kamay ko't ilinagay doon ang kwintas. "Eto po, isuot niyo po yan, ah? Para kasama niyo na po siya lagi kahit saan kayo pumunta" he smiled.

I nodded and gave him a smile. "Thank you" I said before ruffling his hair. "Mag-iingat ka pauwi" bilin ko sa kanya.

"Opo, Kuya, kayo rin po. Una na po ako" he waved his hand and started on walking away. Pinanuod ko siyang makaalis tsaka ko pinagmasdan ang kwintas na nasa palad ko.

This necklace brings so much nostalgia, and it continues filling me up. My journey with Yohan is one of a kind. Destiny gave us a short period of time, but the love that I gave him, isn't.

I wore the necklace and looked up to the orange sky. I hold the pendant of the necklace as I closed my eyes and said; "Hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita, Yohan."

At sa bawat panaginip ko, siya pa rin ang pipiliin kong makita.

                        ~The End~

Nostalgic You (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon