I started unbuttoning his long sleeves while he's busy kissing my neck. Bahagya niya akong tinutulak hanggang sa mapansandal na ako sa pinto ng shotgun seat, nasa magkabilang gilid ng hita ko ang mga kamay niya, obviously cornering me.

When I finally unbuttoned his long sleeves, tumambad na sa akin ang katawan niya. Hindi masyadong malaki ang katawan niya, yung tama lang, I can say that he has a slimly built body, a defined chest at ang nagmumura niyang abs. It's still attractive.

RING!  RING!  RING!

That was my phone! Kinuha ko 'yon at tiningnan kung sino ang pa-epal na tumawag, a disturbance! It was Eric calling, sinagot ko naman' yon.

[Oh ano? Nasaan ka na? Akala ko papunta ka na? Nandito na kami lods] bungad niya.

"On the way na a-ako pumasok na k-kayo sa l-loob" I'm trying my best to sound normal! Hindi pinansin ni Grix ang tawag at patuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

[Ayos ka lang? Paputol-putol ka, Ry.]

"I'm okay.... I'm driving.... Sige na, see you!" binaba ko na ang tawag.

"You're driving, huh?" tinigil niya ang ginagawa at tumingin sa'kin. "Or I'm the one who's driving? Driving you crazy" matunog siyang ngumisi.

Hindi ko naman mai-tatanggi 'yon dahil totoo naman! Bahagya kong pinitik ang tenga niya, ayokong mag-react sa sinabi niya, aasarin niya lang ako panigurado kapag umamin ako.

"Napakaharot mo talaga" sabi ko habang ibinubutones ang long sleeves niya. "Nandoon na daw sila, kaya mag-drive ka na."

"Okay, babe" malambing niyang sabi perp may bahid pa rin ng pang-aasar. "We can continue it, after the—"

"Subukan mong ituloy, gagawin kong busina 'yang bibig mo, sinasabi ko sayo, Grix Kyle" I cut him off.

"Sungit" inirapan niya ako at itinuon na ang pansin sa pagmamaneho. Hindi pa nga umiinom, tumikim na agad siya ng pulutan, letse! Ako rin naman.

Naging mabilis ang byahe namin papunta sa club, salamat dahil hindi kami naabutan ng traffic. Nakailang tawag na rin si Eric, tumigil lang siya ng sabihin kong nasa labas na ako ng club.

Masyadong atat.

"Let's go inside" aya ko kay Grix at sumunod naman siya. Hila-hila ko ang palapulsuhan ni Grix habang nakikipagsiksikan kami sa mga tao dito sa loob.

"Yohan! Here!" umalingaw-ngaw ang boses ni Sabine, she's jumping while waving her hands in the air. Pumunta kami sa gawi nila. Kung kailan last minute, tsaka naman ako kinabahan, I don't know how to start!

Nakipag-batian pa muna ako sa kanila, I miss being with them, ilang buwam rin kaming hindi nagkita. Umupo na sila sa couch, sinadya kong maiwang nakatayo. "May kasama nga pala ako" panimula ko.

"Sino? Ipakilala mo naman!" may bahid ng panunuksong sabi ni Sharnie.

"Nangangamoy jowa, ah? Sana pala nagdala rin ako" si Eric.

"Edi wala kang dadalhin? May jowa ka ba?" pambabara ni Sabine.

"Nakalimutan 'atang single siya" gatong ni Kevin. "Nahihibang na."

"Coming from the two of you? Single rin kayo, damay damay na 'to mga pare!" tumawa pa si Eric.

Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil kuhang-kuha na nila ang idea. Malayo-layo sa gawi namin si Grix, hihilahin ko nalang siya kapag ipapakilala ko na, 'yon ang napag-usapan namin sa kotse niya kanina.

"Alam niyo, mga sapaw talaga kayo" puna ni Sharnie doon sa tatlo. "Nasaan ba siya? Ipakilala mo na" nginitan ako ni Sharnie.

"Wait a minute" huminga ako ng malalim ng talikuran ko sila. Pumunta na ako sa bar island kung saan nakaupo si Grix at naghihintay.

Nostalgic You (BL) Where stories live. Discover now