Enigma XV

1.7K 66 0
                                    


Enigma XV:

Kenzie's POV

"What the hell are you thinking?! Hindi kayo nag dala ng bodyguards?! At naisip niyo pa maglakad?!" Galit na sambit ni tita Satina... Briesha's mom...  at talagang bumyahe pa sila dito sa Agency kasama si Papa at ma'am Minerva ng nalaman nila ang nangyare!

"Mom, malapit lang naman kase ang mall--"

"Kahit na!" Halos mapatalon pa si Brie sa kina-uupuan ng sumigaw ang mommy niya "Briesha, ayaw na ayaw ko nang mauulit ito, if you want to shopping mayroon sa Enigma!"

Nalukot ang mukha ni Brie "Wala tayo sa Enigma, Mom--"

"My God Brie!" Napahilamos nalang sa mukha ang mommy ni Brie na parang hirap ito sa katigasan ng ulo nang anak.

"Cassandra" natigil kaming lahat sa sariling ginagawa at pakikinig sa nag tatalong mag-ina nang tinawag ako ni Papa sa isang malamig at malalim na boses.

Halos manigas pa nga ang mga Class A na nandito sa loob ng opisina dahil sakanya

Parang kinilabutan pa ako doon dahil sa lamig, this time alam kong seryoso si Papa.

"Pa" sagot ko naman sakanya.

"Follow me" utos nito saka dumeretso sa elevator na nakabukas na dahil nang galing mula doon si Cali na kakadating dito sa opisina, inasikaso ata yung case ni Mr. Frank na ngayon ay na resolba na.

Agad din naman akong tumayo sa pag kakaupo at sinundan si Papa sa loob ng elevator, nag katinginan pa kami ni Cali panandalian pero nag iwas nalang ako ng tingin sakanya

Nang makapasok ako sa elevator at nagsara ito ay ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin ni Papa.

"What's wrong with you, Cassandra?" Panimula ni Papa kaya nilingon ko siya

"What?" Kumunot pa ang noo ko.

Papa sighed at hindi niya ako pinansin nang nag bukas ang elevator at sumalubong saamin ang 30th floor.

Binati kami ng mga Enigma na nasa front desk at hinatid pa kami sa tapat ng isang pinto, binuksan iyon ni Papa at pumasok sa loob kaya sumunod ako sakanya.

Nang makapasok sa loob ay isinarado ko ang pinto sa aking likod at nanatili doon.

I watched papa as he placed his coat in his coat rack, pagkatapos ay dumeretso ito sa swivel chair na nasa likod ng office table. I glanced at the name plate na naka lapag sa lamesa at kita ko doon ang naka-ukit na pangalan ni Papa.

He had office here?

"What happened to you? Daughter? Kailan ka pa gumatos  para lang sa shopping?" Tanong nito habang seryoso akong pinapanood, naka patong pa sa lamesa ang mag-kasalikop na mga kamay niya "Well, I don't care kung saan mo gagastusin ang pera mo, it's your money after all. Pero hindi ka man kailanman gumastos sa ganito"

Umirap ako "Sinasamahan ko lang si Brie dahil hindi siya masamahan ng ibang class A, besides hindi ako gumagastos dahil nanlilibre siya" kumunot ang noo ni Papa sa sinabi ko.

"At sumama ka dahil nanlilibre siya?"

"Of course not!" Sinamaan ko siya ng tingin "She is my friend that's why sinasamahan ko siya"

"And because of that friendship muntik na kayong mapahamak!" Galit na sabi ni Papa kaya lito ako sakanya.

"Look Pa, hindi naman namin alam na may haharang saamin, saka isa pa we can protect ourselves! We trained for God's sake!" Inis na pag papaliwanag ko sakanya

Umiling nalang naman saakin si Papa bago nag buntong hininga saka itinuro saakin ang sofa sa harap ko para sabihin na maupo ako

Wow? Ngayon niya lang naisip iyon?

Enigma AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon