Enigma XVIII

1.5K 73 1
                                    

Enigma XVIII:

Kendra's POV

In my way to cafeteria, I almost got jumped because of shocked when Yuan appeared in my side.

Parang kabute lang

"Cafeteria ka, dude?" Tanong nito saakin.

Yuan, a childhood bestfriend and a crush of mine is here in my side. Namamanhid para sa nararamdaman ko.

Isa lang masasabi ko--

--ang tanga niya.

O 'di kaya'y hindi ko talaga naipaparamdam? Kase kung naipaparamdam ko iyon, dapat pati na din ang mga Class A ay alam na iyon, but they're not asking yet.

"Yes" I answered.

I wonder if sa pagiging tahimik ko ito at sa pagiging hindi ako gaano ka-active kaya hindi niya napapansin ang nararamdaman ko, kay Kiomi ko nga lang nailalabas ang other side ko, e.

Besides hindi na rin kami gaano nag kausap nang mahiwalay kami ng classroom. Sa dami ba naman kase naming mga class B ay kinakailangan namin ng maraming classroom, hindi katulad ng mga class A na sampo lang sila at magkakaklase pa.

Nagkausap nga lang ulit kami nang pareho kaming naging assistant, ako kay Brie at siya naman kay Xenn.

"Sabay na tayo!" Ani Yuan saka ako hinila patungo sa cafeteria.

Nang makarating kami doon, ay nalingunan pa namin ang upuan ng mga class A na ngayon ay siyang kinaroroonan nila. Pansin kong tahimik sila at parang walang nagsasalita.

Kami naman ni Yuan ay dumeretso na sa table namin kung nasaan ang mga kapuwa pa namin assistant, naging magkakasama kami simula nang mapalapit kami sa mga Class A.

"Oy! Kendrakula! Dito ka!" Sigaw ni Kike at tinapik pa ang upuan sa tabi niya, hindi naman ako umangal dahil baka hindi ako makapag pigil ay masapak ko pa siya.

Habang si Yuan naman ay naupo sa tabi ni Esther, Vivi's assistant.

"Ano kakainin mo, Yuan?" Malambing na tanong ni Esther at nginitian naman siya ni Yuan.

"Kahit ano"

"Pssh, humaharot nanaman" nilingon ko si Kiomi nang marinig siyang bumulong.

Inirapan ko nalang siya saka umorder na din nang makakain, nang makabalik sa upuan ay natigil pa ako nang makita na nagtatawanan si Esther at Yuan, napawi din ang ngiti niya nang makita akong naka tingin sakanila.

Nginitian ko nalang siya ng tipid saka umupo ulit sa tabi ni Kiomi na may tinitignan.

Sinundan ko naman ang line of vision niya at nakita iyong kapatid ni Hera na papalapit sa mesa namin. Nakita na din ito ni Hera kaya tumayo siya.

"Kuya Lucas" bati nito at nginitian naman siya ng kapatid.

Muli kong nilingon si Kiomi at kita ang titig sa dalawa.

"Hindi nakapag tataka na napagkamalan ni Zek ang dalawang iyan na mag jowa, kung hindi ko lang alam na magkapatid sila, iisipin ko din na may relasyon sila" Sabi nito.

"O? Tapos?" Tanong ko.

Tinignan naman ako ni Kiomi saka umiling "Wala"

Sa sinabing iyon ay kumain nalang kami pero natigil din ng nag salita si Amanda "You know what, Agatha. I think may ibang gusto si Lavi" sabi nito habang naka-nguso.

Natigil naman ako sa pag subo ng pagkain at pinanood lang sila.

Inirapan siya ni Agatha "You're giving up? Ang hina mo naman. Hindi mo ako tuladin malayang nakakaupo sa higaan ni Cali, sometimes humihiga pa ako" ngising sabi nito saka tinignan kung saan naka puwesto sila Cali, tinignan din namin iyon ni Kiomi.

Enigma Academyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें