Paakyat na ako sa kwarto ko nang biglang mag ring cellphone ko. Si Sir James tumatawag.


"Sir James."


"Kath, hinuli na nila si Eriberto." Panimula niya.


"Alam ko po. Nasa bahay nila ako kanina." Sagot ko.


"I was saying, ako na bahala sa abogado at sa lahat lahat. I want you to be ready sa mangyayaring ito. Kath, you need to be emotional and physical stable."


"Okay po. Salamat po talaga."


"Kath. Siguro sa mga susunod na linggo or this week na magkaka-hearing kasi may malakas na evidence tayo. Alam mo naman siguro na hanggang isa lang na hearing ito kasi mayroon na tayong sapat na evidence laban kay Eriberto."


Napahinga ako ng malalim. This is it. Wala ng atrasan.


"I want you to come sa hearing kasi kailangan ka don, okay?"


"Opo."


"Sa pagkaka-alam ko sasama ang buong pamilya ni Eriberto sa hearing niya."


Shit! Lalo ata akong kinabahan. Baka magalit sila Mama at Cheeny sa akin.


"Sige na Kath. I will update you sa mangyayari."


"Salamat pi talaga ng marami Sir James. Ikaw na po ang humawak sa kaso ng Tatay ko mula pa sa una kayalaking pasasalamat ko po sa inyo."


"Don't mention it Kath. Bukal sa loob namin ang tumulong lalo na ang Boss ko na kasama nang Tatay mo sa aksidente, gustong gusto niyang tulungan ka."


"Pakisabi po sa Boss niyo, maraming maraming salamat po ng marami."


"Sige," Tumawa siya sa kabilang linya, "Bye na." Binaba na niya ang tawag.


It's been a week nung huling contact sa akin ni Sir James. Nasa Maynila ako kasi may inaayos din akong kaso, napapasarap ata ako masyado sa Alaminos.


"Angel!" Tawag ko sa sekretarya ko.


"Yes Ma'am?"


"Bili mo ako mango graham shake, please." Pagmamaka-awa ko na ata.


Natawa ito. "Sure Ma'am. No need to please naman."


Kumuha ako ng pera para sa dalawang shake para sa kanya din at umalis na ito.


Sumubsob ako sa table ko. "Sakit na nang ulo ko." Sabi ko sa sarili ko.


Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako na nasa tabi ko na ang mango graham shake na may note.


‘Di na po kita ginising kasi nahilik na po kayo. Baka pagod na pagod po kayo'


Napangiti ako nang mabasa ko ito. Kinuha ko ang cellphone ko ng bigla itong tumunog. Si Sir James natawag, yes after a week.


"Hello?"


"Kath need ka na dito by tomorrow. Tomorrow na yung hearing at need na nandito ka kasi ikaw ang nagsampa."


This is it.


"Okay po. Salamat po talaga."


"Ang sabi sa akin mga alas tres daw magsisimula ang hearing dapat nandoon na tayo by two-thirty. San Pablo daw gaganapin."


San Pablo pa pala.


"Noted po."


Narinig kong huminga ito ng malalim. "This is it Kath."


ALS1: Tears In Hidden ValleyWhere stories live. Discover now