Ikalabindalawang Biyahe

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakaganti ka na ah?" nakangisi kong sabi sa kanya. Nakahiga kami sa kama niya at matutulog na.

"Ewan ko sayo. Matulog ka na," sagot naman niya, sabay baling ng ulo nito sa kabilang side. Bale, nakatalikod siya sa akin.

Napapikit na lang ako noon nang masaya.

Kinaumagahan naman, pinilit kong bumangon nang maaga para maghanda ng almusal. Gumawa na rin ako ng plan menu para 'di na ako nahihirapan sa pagluluto ng kakainin namin. Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala siya.

"Bakit 'di na lang culinary arts ang kinuha mo?" tanong niya sa akin. Naupo na rin ito sa tapat ko.

"Libangan lang naman ito e. Mas gusto ko pa rin ang Civil Engineering," nakangiti kong sagot. Ewan, pero ang ganda ng mood ko ngayon.

Tumango naman ito, saka nagpaalam na maliligo na. Ako nama'y nagsimula nang magluto. Lugaw na lang ang iluluto ko, since malamig din ang panahon. Tamang-tama na siguro iyon.

NAKABIHIS na siya no'ng natapos ko ang pagluluto. Agad ko siyang hinainan para makakain na siya. Lunes pa naman ngayon kaya 'di dapat magpa-late.

"Ang sarap nito ah?" kumento niya sa luto ko. Napangiti naman ako. Mabuti naman at nagustuhan niya.

Nagpaalam na rin siya matapos kumain. Susunduin daw siya ni Kuya Patrick sa main road. Ako naman ay nagsimula nang maglinis. Plano ko ring maglaba ngayon. Mas mainam na ito. Wala ako sa mood gumala e. Masakit pa rin hanggang ngayon.

***

Andrew's point of view:

"Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Patrick. Sinundo niya kasi ako. Hindi ko lang alam kung bakit. Ayaw ko na ring mag-usisa pa. At least, hindi na ako gagastos para sa pamasahe.

"Ah, oo. Ang sarap magluto ni Alex kaya napapakain na rin ako," sagot ko habang nakatingin sa harap. Buti at hindi trapik.

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang 'yun pero parang napailing siya? Ugh, umagang-umaga, pero kung anu-ano nang pinapairal ko. Malay ko naman kung sa sinabi ko 'yun.

"Mukha nga. Tumataba ka e." Saka siya tumawa ng mahina.

"Last mo na 'yan." At nakitawa na lang din ako.

Nakarating kami sa opisina by 7:50 AM. Agad akong nag-log in at pumunta sa workplace ko. Nakasalubong ko pa si Lenard, na mukhang papunta na sa Montenegro Group.

"Hi, AJ," bati niya sa akin. Tinanguan ko lang siya.

"Papunta ka na ba do'n?" tanong ko sa kanya.

"Yep. Una na pala ako," paalam niya sa akin.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon