Tinanggal ko ang sapatos ko na may heels at nakitang may paltos nga. Namumula pa.


Marahan akong tumayo at pumasok ng kwarto para magbihis ng komportableng damit pantulog.


Ano bang pumasok sa ulo ni Ranz at naisipang ipakilala ako sa parents niya.


Iniisip ko pa ang kaso ni Tatay. Kumusta na kaya? Nalaman na kaya si Sir James ang totoong may sala?


Nabigla ako nanag tumunog ang cellphone ko. May text si Ranz.


Ranz:

Goodnight. See you tomorrow afternoon.


Kath:

Goodnight. Bahala na kung anong mangyayari tom. Night.


Binaba ko na ang cellphone ko at natulog.


Nagising ako na mag a-alas-nuebe na. Ginawa ko na ang aking morning routine bago gumayak.


Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may text pala sa akin si Ranz.


Ranz:

Pick you up at 1 pm. See you later sunshine.


Tumingin ako sa orasan na mag e-eleven o'clock na pala. Tumingin ako sa buong condo at malinis naman. Nagawa ko na ang mga gimagawa ko tuwing umaga.


Kinuha ko ang under garments ko at pumasok na sa banyo para maligo. Tumagal din ako ng trenta minutos bago ako matapos.


"What should I wear?" Tanong ko sa sarili ko.


Binuksan ko ang closet ko at nagsimulang tumingin. Dress kaya? Or pants? I think dress kasi ipapakilala di ba?


Kinuha ko ang dress na pink na may mangas na hanggang siko. Actually maganda siya. Pinaresan ko ito ng doll shoes na may three inches na heels.


Inayos ko na ang buhok ko para mag mukha tayong presentable sa lahat.


Umikot ikot ako sa buong salamin para damahin ang kagandahan ko today.


Ang taray!


Napatingin ako sa pinto dahil may nag door bell. Binuksan ko ito at nakita ko si Ranz na may malawak na ngiti.


"Hi." Nahihiyang ani ko.


Nagtaka ako kasi nakatingin lang siya sa akin at di nagsasalita. Winagayway ko ang kamay ko sa mukha at doon ata siya natauhan.


"Bakit? Ayos ba?" Tanong ko.


Umikit ikot ako sa harapan niya para ipakita ang suot ko. Proud ako eh, bakit ba?


"You look," Tiningnan niya muna ako saglit, "Perfect."


"Thanks." Nilagay ko ang nalalaglag na buhok ko sa likod ng tenga ko.


"You look perfect for me."


Namula ako sa sinabi niya. Kinikilig ata ako doon. Napayuko ako at natawa.


"Let's go?" Yaya niya.


"Sige, tara na."


Mahaba haba ang byahe pero di naman ganon katagal. Sta. Rosa kasi ang pupuntahan namin at nasa Maynila kami. Malapit lapit lang naman.


"Gutom ka na ba? Pwede muna tayo dumaan sa drive thru if you want." Sabi niya.


Umiling ako. "No, wag na. Sa bahay niyo na lang. Tutal mmdoon naman tayo kakain ng Meryenda at saka kumain ako bago ako naligo kanina."


ALS1: Tears In Hidden ValleyWhere stories live. Discover now