Kapag wala naman siya ay mag te-text o di kaya tatawag siya para paalalahanan ako, minsan nga ay video call para para makita talaga niya na iniinom ko ang gamot at vitamins ko.


Pati nga ata cycle ng menstruation ko ay alam niya eh, bigla-bigla na lang siya maghahanda ng tea kapag may cramps ako kahit pa hindi ko sabihin sa kanya, he would also prepare hot compress para sa akin.

One of the most noticeable improvement of Freyr is that he doesn't stutter that much anymore, kapag nag uusap kami ay hindi na din siya umiiwas ng tingin, nagagawa na niyang salubungin ang mga tingin ko.

Kung minsan nga ay ako pa ang umiiwas ng tingin dahil nakakatunaw ang mga titig niya.


After eating inaya ko siyang manuod ng movie sa balcony, malamig ang hangin doon at tanaw na tanaw pa ang buwan.

Swerte talaga ang spot ng unit ko dahil bukod sa malapit sa mall at school, maganda pa ang tanawin.

Nagpaalam si Freyr na maliligo lang daw siya, actually nandito na nga ata ang kalahati ng gamit ni Freyr. Sa guestroom siya natutulog at doon na rin nakalagay ang mga gamit niya.

Kulang na nga lang ay dito na siya tumira.

Sabi ko sa kanya okay lang naman na dito na siya, pero gusto daw niyang subukang rentahan ang katabing unit ng akin. Bakante na iyon dahil kaka alis lang ng dating may ari. Ang alam ko nga ay for sale iyon.

Dahil nakaligo na ako I only did my night care routine, matapos nito ay naghanda ako ng snacks at drinks para sa amin. Gusto ko sana ng wine pero hindi umiinom si Freyr kaya milk na lang ang nilagay ko sa wine glass.

Saktong pagkatapos kong mai-set up ang laptop ay tapos nang maligo si Freyr, his hair is damped. Naka grey jogging pants siya at black t shirt. Suot din niya ang specs niya na nakadagdag sa kagwapuhan niya.

He looks edible.

Sino ba namang magsasawa kung ito lagi ang view na lagi mong makikita araw araw diba?

Umusod ako para tumabi siya sa akin, may nakalatag na sapin sa inuupuan namin at mga unan sa paligid. Nakapatong naman ang laptop sa maliit na upuan ko.

Pero imbis na sa tabi ko maupo ay sa likod ko siya umupo, nasa gitna ako ng kanyang mga hita at kinulong niya ako sa kanyang mga braso.

Parang tumigil ang puso ko sa pagtibok dahil sa ginawa niya. Natuod ako sa aking kinauupuan at hindi alam ang gagawin. Gumalaw lamang ako ng inilapit niya ako sa kanya para isandal sa kanyang dibdib.

Damn. Is this really Freyr?

"It's cold here, are you not cold? Hmm?" Bulong niya sa tainga ko. Nagsitaasan ang balahibo ko at pakiramdam ko ay uminit ang magkabilang pisnge ko.

I cleared my throat before answering, "it's cold, I wear your jacket kaya." Saad ko sabay pakita sa jacket niya na suot ko.

"You should wear jacket too." Saad ko dahil napansin kong malamig nga talaga ang simoy ng hangin sa balcony.


"Wala na akong jacket, nasa closet mo na ata lahat." He chuckled.

Kahit pa hindi naman maingay ay bumubulong pa din siya sa tainga ko, it became his habit. I'm not gonna lie.. that's kinda hot.

Idagdag pa ang mga bisig niyang nakayakap sa akin, at ang init ang kanyang katawan.

Hindi ko mapigilang makapag isip ng kung ano ano.

I imagined myself above him..with his arms around my waist.

I imagined him kissing my neck down to my clavicle.

Mariin akong napapikit, I shaked my head to remove those dirty thoughts.

Takte self! Umayos ka!

"But I think hindi ako lalamigin, basta kayakap ka." He whispered using his husky voice.

Natawa siya ng pinalo ko ang kanyang braso.

"Stop it! Eto talaga natuto nang lumandi!" Gigil na saad ko habang patuloy na pinapalo ang braso niya.

Kunware ka pa self! Gusto mo lang madama yung biceps eh.

"Okay let's focus on the movie now." Pagsuko niya.

Mas hinila niya ako papalapit sa kanya para mas masandal sa kanyang katawan.

Tahimik kaming nanonood ng movie, may mga eksenang nakaka thrill, at may mga scene din na nakakainis ang bida. Kaya minsan ay talagang napapa-comment ako.

"Ano ba 'yan! Tatakas na lang ang dami pang drama!" Inis na saad ko, natatawang hinaplos lang ni Freyr ang buhok ko, tila ba pinapakalma ang inis ko.

"Palitan mo na ang direktor." Tumatawang saad niya.

Halos lumuwa naman ang mata ko nang dumating na sa eksenang hindi ko inaasahan.

There's this intimate scene, hindi ko alam ang aking gagawin. Sobrang awkward dahil ang tahimik naming dalawa. The sound of the kissing scene echoes.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Freyr sa akin mula sa likod. Hindi ko mapigilang lingunin siya.

I was about to ask him what's wrong pero nagulat ako nang makitang titig na titig siya sa akin.

Bumaba ang kanyang tingin mula sa aking mata pababa sa aking labi.

"What are we Kayla?" Tanong niya na nagpagising sa akin.

Sa ilang buwan naming magkasama ay hindi ko naisip kung ano kami. Nakuntento ako sa magkasama kaming dalawa palagi.

I told him that I don't want commitment, I told him that I don't want label.

I was about to answer him when he cut me off.

"Never mind." Nakangiti man ay may pait doon.

I wanna answer his question but I'm not even sure.

I don't want to make a move if I'm not sure. I'm afraid that in the end, hindi ko masuklian ang pagka gusto niya sa akin.

"Let's just keep our relationship this way, at least we're both happy right?." I can't help but to agree with him, I can't take the risk yet...

"For now let's enjoy each other's company." Saad niya.

I nodded in agreement, while still looking at him, wondering what's going on his mind. Matagal din siyang tumingin sa akin, bago ngumiti.


I smiled back at him, I can't help but to cares his face.

Habang ginagawa iyon ay unti unting lumapit ang kanyang mukha sa akin, hindi man sigurado sa kanyang gagawin ay ipinikit ko na lamang ang aking mata at nagpaubaya.

I was expecting him to kiss me on my lips, but then his lips landed on my forehead.

Kung sa dating mga nakakarelasyon ko sa labi nila ako madalas halikan, and I would gladly kiss them back thinking it's the sweetest thing a boy could have ever done, ngayon ay iba.

Freyr, kissing me in my forehead under the moonlight, is the most memorable kiss I have ever received.

It makes me feel special, and it makes me feel respected.

I can't help but to tear up remembering the person who used to kiss me in my forehead..

Nang magdilat ako ng mata ay isang takas na luha ang umalpas sa aking mata.

Agad niya itong pinunasan at muli akong napapikit ng halikan niya ang aking mga mata, ilang ulit niya iyong ginawa bago ako muling halikan sa noo.

The feeling is just too much to handle.
Memories and realization.. my heart can't just handle too many emotions.

Isinandal niya ang kanyang noo sa akin, habang nakakulong ang aking mukha sa kanyang palad.

"I will wait Kayla, I will wait."














Behind the Engineer's Glasses (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя