Prologue

108 3 0
                                    


DISCLAIMER: 


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Start


Bumangon ako dahil tumunog na ang alarm ng cellphone ko bago inayos 'yung kutson na hinihigaan ko at tinignan si Yael sa kabilang kama. Saktong alas siyete nakababa ako para makapagluto ng agahan dahil nahihiya na akong tumanggap ng pagkain kila Ate Lot sa store. May itlog pa naman dito at natirang kanin mula kagabi. 


"Yaree, paglabas mo, ibalik mo na 'tong mga bote kay Aling Ghai, may deposito pa 'ko sa kanya kamo mamaya na niya iabot.. pang yosi ko," Ani Papa na kagigising lang at amoy alak pa. 


"Uminom na naman kayo?" Kunot-noo kong tanong dahil sa ilang bote ng red horse na nasa sahig. 


Sa halip na sagutin, tinalikuran lang ako ni Papa para buksan ang TV sa sala. Marahas akong nagbuga ng hininga bago tumungo sa kusina para magluto. Dadalhin ko si Yael mamaya kina Trent dahil ayaw kong naiiwan siya rito sa bahay sa tuwing nagtatrabaho ako sa store tsaka sa coffee shop. 


Nang makatapos ako sa pagluluto, nakita kong dahan-dahang lumalabas si Yael sa kwarto. Kinakapa niya ang bawat pader para makaupo siya rito sa hapag. Narinig niya siguro na nag-sasangag ako ng kanin kaya agad din siyang nagsalita. 


"Good morning, Ate! Ganda mo ngayon, ah?" Napangiti ako. 


Kahit na hindi nakakakita ang kapatid ko, araw-araw niya 'yang sinasabi kaya araw-araw din niya 'kong napapangiti. 


"Ako pa?" Pag-yayabang ko bago inayos ang kakainan niya. 


Sanay na sanay na si Yael sa pagkain mag-isa pero syempre kailangan ko pa ring hiwain ang mga ulam niya bago 'yon iabot. 


"Ate, uwian mo ulit ako nung frappe mamaya. Nag-promise ako kay Trina kagabi na dadalhan ko ulit sila nila tita Tracey, e.." Aniya. 


Mabait ang pamilya ng best friend ko, si Trent. Siya ang nag-offer sa akin na dalhin ko na lang ro'n si Yael araw-araw para mas mabantayan tutal gustong gusto naman ng mommy niya na mag-alaga. Nakakahiya nga dahil mas madalas, ginagastusan nila si Yael. 


"Oo, sige. Maaga rin akong uuwi mamaya eh. Good boy ka ulit do'n, ah?" Tanong ko. 

Exquisite Destruction (Prime Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon