"Got back my mind, she's right. I deserve someone better at hindi ikaw 'yon. Alam kong marami kang babae, you don't even know my name right? Kahiya ang sarili ko pero that's ok. Hope you a nice life Anthon. Ayusin mo na sarili mo, coz' I think you found your right match. Bye for now."- sabi nito tsaka ako hinalikan sa pisnge habang ako ay nanatiling nakanganga. What did she do? Did she really convince this girl?Did she? Shit! What a powerful mouth she have?!

Naiwan ako sa parking lot ng mag-isa. Napapailing ako at napangisi tsaka sumakay sa aking kotse. Sino ang babaeng 'yon at kung bakit nahihiwagaan ako sa kanya. I need to find her. She'll be mine. Napangisi ako saking naisip.

Nagmaneho ako papunta sa isang coffee shop malapit lang sa mall. May ka meet up ako ngayon, hindi sana ako sisipot kaso lang sayang naman.

Pumasok kaagad ako matapos kong iparada ang aking kotse. I was holding my phone when it beep kaya tiningnan ko ito habang naglalakad.

"AYY P*TA!"- sigaw ng babaeng nakabangga ko. Hindi ako nakakilos. My phone dropped. Habang ang coffee na dala niya ay natapon sa CELLPHONE KO. Basag ito habang natanggal ang ibang parte. Maging ang aking pantalon ay natapunan.

"Ohh My God, I'm so sorry. I'm sorry. Shit!"- sabi nito habang pinupunasan ako tsaka ang cellphone na ngayon ay hawak niya. Hindi ko makita ang kanyang mukha sapagkat nakalugay ang kanyang magandang buhok dahilan upang matakpan ang kanyang mukha.

"Can you please stop. You make me hard."- nakangisi kong sabi. Kasi naman pinupunasan ako malapit sa alaga ko tsk.

"Wha-what?! Manyak!"- sigaw niya at dali daling tumayo tsaka ako hinampas gamit ang kanyang kamay. Nanlaki ang aking mga mata nang makilala ko siya. She is the girl at the parking lot.

"IKAW!"- napatigil siya at napasigaw. Napangisi ako, ang swerte ko ata.

"Yes? May problema ba?"-tanong ko. Napalunok siya at umiwas ng tingin.

"Ahh hehehehe sorry about dito pero patanga tanga ka rin naman eh. Dika tumingin sa dinadaanan mo natapon tuloy coffee ko."- sabi nito.

"Wow. Just wow, ikaw na nga may kasalanan may gana kapang manisi sa akin pa talaga? Alam mo ba kung gaano ka mahal yan?"- nakangisi kong sabi. C'on lady try me. May lalapit na sanang incharge kaso suminyas ako na wag muna.

"Tsk, mahal tapos masisira ng ganon lang? Magkano ba, babayaran ko?"-pairap niyang sabi.

"40 thousand."- sagot ko na ikinalaki ng mata niya habang napapalunok.

"B-bat ang mahal naman ata?"- sabi niya. " Paano ko 'yan babayaran, jusmeyooo."- bulong nito pero rinig ko naman.

"That's ok, just be my girl."-nakangisi kong sabi na ikinalaki ng kanyang mata.

"Nagbibiro ka ba? Para yan lang?  Ano ako tanga? Tsk!"

"Do I look like I'm joking babe? And aren't you attracted to me? I mean all of them want me."-inosente kong sabi. I was enjoying her presence and what worst is that I want it to happened all the time.

"Ha! Ang kapal ng mukha nito. Pwes, ibahin mo ako hindi ako attracted sa iyo at kahit kailan hindi ako papatol sa isang tulad mo!"- sigaw niya ngunit hindi parin nakatingin sakin. Definitely, all eyes are on us kaya nilapitan na kami ng manager ata.

"Excuse me sir and ma'am, I am the manager here. With all due respect, nakakaabala na kasi kayo sa mga customers ehh tsaka nakaharang kayo sa daan. Can you please talk it outside, kung ano mang pinag-awayan niyo?"-magalang nitong sabi.

"We're very sorry for the trouble sir, may konting hindi lang pagkakaintindihan but maayos naman."-paumanhin ko habang umirap lang ang babaeng to.

"Sumama ka sakin sa labas."- seryoso kong sabi tsaka ko dinampot ang phone ko at isinilid sa bulsa. Hinablot ko ang kanyang kamay tsaka siya hinila palabas. Cool, her hands are so smooth.

"Sandali lang naman! Makahila ka wagas ahh? Bitawan mo nga kamay ko! Pagnabalian ako ipapasalvage kita!"- impit niyang sigaw kaya palihim akong natawa. Like it.

Nang makalabas kami ay binitawan ko siya.

"Ano na, payag kaba? Ayaw mo non, magiging girlfriend kita tapos hindi kana magbabayad. Pabor 'yon sayo."- nakangiti kong sabi habang siya ay tiningnan ako ng hindi makapaniwala.

"Anong pabor sakin? Sabihin mo malas ko. Hindi ako papayag. Hinding hindi."- determinado niyang sabi.

"Well, I guess tatawag ako ng police?"- nakangisi kong sabi ngunit ngumisi rin siya. What the f*ck, hindi takot?

"Sige, tawagan mo nga?"- nakangisi niyang sagot kaya nagtaka ako hanggang sa maalala ko na basag pala ang phone ko pero napangisi ulit ako.
Kinuha ko ang isang phone ko sa bulsa ng aking jacket . I have a spare phone in case my ganito. I must thank Gab for the idea.

"What the hell! Hindi naman sadya 'yon at tsaka kaya ko yan bayaran noh, hindi nga lang buo."-pairap nitong sabi. Hindi talaga to napapagod umirap ehh kanina pa siya.

"Be my girl so you don't need to pay for it. That's easy."-nakangisi ko paring sabi. Alam kong hindi siya papayag, napa ka tiger naman nito.

"Gagu ka ba? Kanina nga lang may kahalikan ka tapos ngayon gagawin mo rin akong babae mo? Namarn, lakas mo ah?!"- hindi makapaniwalang sabi niya. I expected her to say it, what a feisty woman.

"Fine, what's your name then?"- suko ko. Hindi ito papayag basta basta alam ko.

"Bakit gusto mo malaman? Erereport mo 'ko? Magbabayad nga ako, hindi nga lang buo wala akong pera ok?"- nakasimangot niyang sabi.

"I don't care about that fucking phone though, I can buy a new one if I want to."-seryoso kong sabi. Nakakachallenge ang isang to, hindi tinatablan ng karisma ko. Tskk.

"Ayon naman pala eh-"

"Your name?"- seryoso ko nang sabi. Napalunok siya bago bumuka ang kanyang bibig.

"A-Angela."- lihim akong napangiti. An angel that has a demonic side. Damn!

"Hey Love! What are you doing.. here? At sino yang pangit na babae na 'yan?!"- ahhh shit! Bad timing. Makapangit tong isang to, kala mo maganda eh mas maganda pa nga tong Angela nato.

"Wow nanglait kapa. Salamat ah, ang ganda mo naman."- pairap nitong sabi.Tsaka ako hinarap. Tsaka ngumiti ng napakaganda. Walang halong kaplastikan.

"I'm sorry for what happened, hindi ko sinasadya. Nice to meet you Mr.Dela Rosa."-sabi niya bago umalis habang ako ay naiwang nakanganga. How did she knew my name? Nagtanong tanong ba siya? Stalker? Ngunit lumingon siya ni hindi pa nakakalayo.

"Wag kang assuming, nasa name plate mo. Tsk."- sabi nito tsaka nagsimulang maglakad ulit ngunit huminto siya at nilingon kami. What the hell!

"Boyfriend mo? Good luck ahhh, ang dami niyo kasi."-nakangisi niyang sabi bago tuluyang umalis. Damn.

To be continued,

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now