Marami din Pilipino sa daan so parang nasa Manila lang din ang vibe.
Bumaba kami sa isang Arabic restaurant. Tumango lang si Raj sa driver. Mangha mangha pa din ako sa nakikita. Dumaan pa kami sa mosque kung saan nagdadaos ngaun ng dasal ang ibang mga muslim.
"Paratha and Mutton Biryani." Sagot ni Raj sa waiter. Hindi naman siya gaano nag arabic dahil pilipino din naman ang nag assist sa amin.
"Why dito? Bakit hindi sa Pilipino restaurant?" Tanong ko sabay inom ng tubig. Masyado pang mainit sa labas.
Natawa ng bahagya si Raj."We are here to experience what is here. Kung Pilipino dishes pala gusto mo sana nagbaon nalang tayo ng adobo." Pumangalumbaba si Raj sa harap ko sabay taas ng kilay.
Lumunok ako at nag iwas ng tingin. Naramdaman ko kasi ang pag iinit ng pisngi ko. Tapos ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Even if he has bruises on his face. I still find him so handsome and perfect.
"Bala ka jan!" Umirap nalang ako para isalba ang sarili sa kahihiyan na kinatawa niya. Nang dumating ang pagkain ay nagsimula na kami ni Raj. Pinapanuod ko siya how to eat proper with this dishes. Dalawa lang naman inorder niya pero ang daming side dishes na dumating.
Kumurot siya ng puting bread na kubos daw ang tawag and dipped into some sauces.
Ginaya ko siya. Ngumiwi ako ng bahagya kasi hindi ko gusto ang lasa. Their spices explodes to my mouth, sa dami nito ay hindi ko mapangalanan. I looked at Raj who seems enjoying the food.
Kumuha siya ng biryani rice at binuhusan ng yogurt. Kumurot din siya ng karne at mabilis na ngumuya. I did the same thing. Nang sinubo ko ang karne ay natigilan ako. Lumobo ang bibig ko at hindi ko mapigilan ibuga ito.
"Why? You don't like?" Tanong niya. Hilaw ako ngumiti at tumango. Nakakahiya! Mukhang nag eenjoy pa naman siya sa pagkain.
"We'll go Mc do later for you." He said. Umiling ako at dinampot ang cheese paratha na order niya. Nakahinga ako ng maayos beacause it's actually taste good.
"You like that?" He asked.
"Yup, it's actually delicious," sagot ko.
Lumabas kami ng Mandi's na busog na busog. Ang bigat pala sa tummy nung kinain ko.
Napatingin ako sa tren sa itaas at nagtatayugan building sa labas.
"That's Metro. You wanna try?" Tanong niya. Tumango ako at napapalakpak. Hindi ko inaakala na mararamdaman ko yung ganitong saya.
"Nasaaan pala tayo?" Tanong ko.
"Sheik Zayed Road." Sagot niya. Pumasok kami sa loob ng station ng Metro. "I'll just buy nol card for us." Sagot niya. Tumango ako sa kanya.
Tuwang tuwa ako sa loob ng metro. Medyo natatawa pa si Raj dahil nagtatakip ako ng ilong.
Madami kaming buildings na dinaanan. Dalawang station lang at bumaba kami sa Burj Khalifa / Dubai mall na station. I was so amazed to see the top of Burj Khalifa the tallest building in the world from where we stand.
"Wow," sabi ko ng makalabas kami ng metro. Nagkibit balikat si Raj at ngumiti sa akin. Para siyang tourist guide. Kabisadong kabisado niya ang lugar.
May way na connected sa metro train papunta sa mall. This is absurd! Super laki ng mall and super high end ang mga botiques.
Hindi ko mapigilan ilibot ang mata ko sa bawat botiques. Nakita ko si Raj na huminto sa isang souvenire shop. I was staring at him when he get a crystal made Burj Khalifa image. He went to the counter and paid for it.
YOU ARE READING
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."
OS-Kabanata 9
Start from the beginning
