Simula

33 2 0
                                    

Nicole pov ;

"We need to go." Utas ni Gray sabay hawak sa kamay ko.

Umiling lang ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Pinahid ko ang natuyong luha sa pisngi ko. Matiim kong tinitigan ang nakangiting larawan ni Mitch. Hindi ko na siya makikita pa. Hindi ko na siya makakausap. Hindi ko na rin masisilayan ang matamis niyang ngiti.

"Malapit ng dumilim. Kailangan na nating umalis."

Napatingin ako sa mukha ni Gray. May lungkot rin akong nakikita sa mga mata niya. Naging kaibigan rin niya si Mitch.

"I need the CCTV footage Gray." Mahina kung ani.

"Susubukan kung hingin sa HM ng school, but for now, we need to go. You need to rest."

Tumango ako, ngunit bago ko tinalikuran ang libingan ni Mitch ay nagbitiw ako ng isang pangako. Isang pangako na tutuparin ko.

Nang makarating kami ni Gray sa Mondragon mansion ay akala ko aalis na rin siya. Iiwan niya na ako kaya nagulat ako ng nanatili siya.

"3 days lang ako dito. Aalis din ako kapag dumating na si Zeus." Aniya, sabay tingin ng matiim sakin.

"I can take care of myself Gray." Sabay upo ko sa sofa.

"I know, but I insist." Sabay lapag ng bag pack niya sa mahogany table.

Seryoso siya kaya wala na akong sinabi pa.

"Go to your room. Change and rest. Tatawagan ko lang si Zeus."

Mahina akong tumango. Sa totoo lang ay pagod na pagod ang buo kung katawan. Nang malaman ko ang nangyari kay Mitch ay gumuho ang mundo ko. Sinisi ko ang sarili ko. Hindi ko kayang tanggapin na nagpakamatay siya. Hindi niya yon magagawa. Malakas ang hinala ko na may pumatay sa kanya.

Pagbaba ko ay naabutan ko si Gray sa harap ng computer niya. Seryoso ang mukha habang may pinapanuod. Bagong ligo na rin siya. Nang mapansin niya ako ay agad niyang itinabi ang computer. Tumayo siya at nilapitan ako.

"Dinner is ready. Let's go." Sabay hawak niya sa kamay ko.

Habang kumakain ay tahimik lang kaming dalawa. Panay ang sulyap niya sakin pero hindi ko siya tiningnan.

"You need to eat a lot." Basag niya sa katahimikan namin.

"I want to see the CCTV footage." Sabay tingin ko sa kanya.

"Let me handle everything princess."

Umiling lang ako. "Gawan mo ng paraan Gray, kailangan kung makita ang kuha ng CCTV ng gabing yon." Sabay tayo ko.

Babalik na sana ako sa room ko ng napatingin ako sa computer niya. Humakbang ako palapit doon. Bubuksan ko na sana pero bigla siyang nagsalita.

"May password yan."

Napatingin naman ako sa kanya.

"I know." Sabay lagpas ko sa kanya.

Umakyat na lang ako sa taas. I need to rest. Marami pa akong gagawin bukas. Hahanapan ko pa ng sagot ang lahat ng katanungan na nasa utak ko.

"Good night princess." Aniya.

Hindi ko na siya nilingun pa. Nagpatuloy na lang ako sa pag akyat.

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Pagkatapos kung maligo at magbihis ay bumaba na agad ako. Naabutan ko si Gray na nakaharap na naman sa computer niya. Kagaya kagabi ay napakaseryoso pa rin ng mukha niya habang may pinapanuod. Maingat akong lumapit sa kanya, pero napansin niya pa rin ako.

"Ano yang pinapanood mo?"

"Kuha ng CCTV ng gabing yon." Sabay harap niya sakin.

Agad naman akong lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya. Sa una ay wala akong halos makita dahil medyo madilim. Nang may liwanag na ay napahawak ako sa braso ni Gray. Nang may nakita akong anino sa screen ay napahigpit ang hawak ko sa kanya. Patungo ang anino sa mismong room namin ni Mitch.

"Hindi malinaw ang kuha ng CCTV." Aniya.

Napatayo naman ako. Bigla akong nakaramdam ng galit. Tama ang hinala ko. May pumatay sa kaibigan ko.

"Yes, pero hindi ako bulag Gray. May nahagip na anino ang CCTV." Pigil ang galit ko ng harapin ko siya.

"Not enough evidence princess." Sabay iling niya.

Sa sobrang galit ko ay agad kung nadampot ang glass vase na nasa tabi ko. Malakas ko yung binato sa marmol na sahig. Lumikha iyon ng ingay. Naglabasan pati ang mga katiwala namin.

"Calm down." Sabay lapit ni Gray sakin.

"May problema ba Gray?" Sabay lapit na rin ni manang Rita samin.

"Wala po manang. Ako na ang bahala sa kanya." Sabay yakap ni Gray sakin.

Sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon ay napaiyak na lang ako. I'm so helpless. Wala akong magawa para sa kaibigan ko.

"Hush! Ako na ang bahala sa may ari ng aninong yon." Pag'aalo niya sakin.

Napakagat labi naman ako. Hindi ko iaasa kay Gray ang lahat. Gusto kung sakin magbayad ang taong yon.

"Gagawin ko ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mitchell."

"Walang hustisyang mangyayari Gray dahil malinis ang pagkagawa ng taong yon. Iniisip ng marami na nagpakamatay lang siya."

Mahina niyang hinaplos ang buhok ko. Humigpit rin ang yakap niya sakin.

"Kung hindi natin makuha sa legal na paraan ay daanin natin sa illegal."

Nag angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Matiim niya akong tinitigan.

"Gagamitin ko ang connection ko para mahanap ang may ari ng aninong  yon."

"Kapag dumating si Zeus ay yon ang una ko ring ipapagawa sa kanya." Sabay layo ko.

Buhay ang kinuha. Buhay rin dapat ang kapalit. Walang sinuman satin ang may karapatang tapusin ang buhay ng iba. Kung sino man siya ay hindi ko siya kaaawaan. Ipapadanas ko sa kanya ang sakit na naramdaman ko ng makita ko ang walang buhay kong kaibigan. Ihahatid ko siya sa impyerno. Sa lugar kung saan siya nararapat.

"Let Zeus rest first."

Tumango naman ako. Malaki ang tiwala ko sa kakayahan ni Zeus. Alam kung hindi niya ako bibiguin. Mapaparusahan ang taong yon.

Bloody Thirteen ( Book 1) ( Steinfield High )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon