Kabanata 13

10.9K 383 19
                                    

Kabanata 13:
Anak

Mamayang hapon pa ang klase ko para ngayong araw kaya pagkatapos ko sa trabaho ay dumiretso na ako sa bayan para kuhanin iyong pinadala ni Papa.

Nagulat pa ako nang matanggap na ang ballot box at ang pera. Gulat ako sa malaking halaga na pinadala ni Papa. Its sixty thousand pesos. Sobra sobra pa sa dating pinapadala ni Papa. Noong mga nakaraan ay twenty thousand lang ang pinapadala niya sa isang buwan.

Hindi ako nagrereklamo roon dahil alam ko ang hirap ni Papa sa pagtratrabaho sa ibang bansa. I know he's struggling there and I don't have the right to even question the money he's giving us here.

Hindi nga rin ako ang humahawak ng pera kapag ganoon. Sila Kuya lagi. Ngayon ay nababahala pa ako na ibigay kila Kuya ang ganitong kalaking pera dahil alam ko namang mapupunta lang ito sa bisyo nilang dalawa.

Ako ang makokonsensiya kapag napunta lang sa wala ang pinaghirapang pera ni Papa. Alam kong hindi madaling kitain ang ganitong kalaking pera sa trabaho niya tapos kapag napunta sa kamay ni Kuya masasayang lang. I sigh heavily.

Kahit noong umpisa hanggang noong huling beses na magpadala si Papa hinayaan ko lang sila Kuya sa gusto nila. I feel that I can't stick my nose on where they're using the money. Even I know they're just using it for buying liquors and useless things.

Ngayon hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Kung dapat bang ibigay ko ito sa kanilang lahat.

Bahagyang malaki ang ballot box na naroon. Wala akong ideya kung anong laman noon dahil hindi naman sinabi ni Papa. Nagtataka nga ako kung ano ang laman dahil hindi naman kami umaasa na magpapadala pa siya ng mga gamit.

May isang paraan akong naisip para kung ibibigay ko man kila Kuya itong pera ay hindi iyon masasayang. Iniwan ko muna iyong ballot box sa lugar na pinagkuhanan ko at sinabihan ko na lang iyong babae roon na babalikan ko.

I went in the grocery store. I think I should buy stocks and essentials for the house. Dahil alam kong wala nang ganoon ngayon roon dahil sa mga pinag-gagawa nila Kuya. Para hindi na rin masayang ang perang pinaghirapan ni Papa. Kahit papaano, magiging panatag ako na naayos naman sa tama ang pera.

I get a cart and I slowly push it inside the store. Inuna ko na iyong nga canned foods. Wala na ako roon kaya wala na ring nagluluto. So they needed these. Kumuha ako ng iilan roon. Tinignan iyong natatandaan kong gusto nila.

I add breads, milk, oats and any foods that can filled the reef. Doon pa lang bumigat na ang cart na tinutulak ko. Lahat ng kinuha ko iyong kailangan nila Kuya. I must buy stocks for them. Kahit sa tingin ko ay hindi aabot ito ng pang dalawang linggo. Hindi ko naman kaya kung sobrang dami ng bibilhin.

Inisip ko iyong sa bed space. Kakaunti na nga lang pala iyong mga de lata kong pagkain roon. Pati na iyong tinapay at palaman. Siguro ay bibili na lang rin ako kasabay nito at ibabayad ko na lang iyong sarili kong pera.

Kumuha na rin ako ng para sa akin. Mahal kasi kung lagi akong bibili ng pagkain sa bed space. Naisip ko nga na bumili ng rice cooker para hindi na ako panay bili ng kanin sa karinderya sa labas dahil mapapamahal ako.

Kapag bumili ako ng bigas at nagsaing ay mas makakatipid ako. Makakain rin sila Quincy at Remi kasabay ko. Makakatipid kaming lahat. I need to be practical but I don't have enough money to buy it for now. Dumaan nga ako sa section na iyon at nakita kong ang pinakababang rice cooker ay iyong dalawang libo.

Maliit lang pero siguro sapat na iyon sa aming tatlo. Kaso wala pa akong pera sa ngayon.

I sigh heavily. Malungkot kong tinignan iyong rice cooker.

Dancing in the Burning Sand (Isla Vagues Series #3) (COMPLETED)Where stories live. Discover now