PROLOGUE

107K 2.2K 95
                                    

Hating The Skater Boy

By: Ace Domingo

He was a boy. She was a girl. Can I make it anymore obvious? He was a punk. She did ballet. What more can I say?

"Bumaba ka na nga diyan!" sigaw ko habang pinipilit si August na bumaba mula sa puno ng mangga na inakyatan niya. Niyuko lamang niya ako at nagpatuloy sa pagkain ng apple.

"Kuya August!" sigaw ko ulit. Binato niya sa akin ang apple at agad akong nasapol sa ulo. Napanguso ako at tumili na lamang. Nakakabanas talaga itong lalaking ito.

"Kuya ka diyan. Halikan kita eh."  Biglaan niyang sabi. Ramdam ko agad ang pagragasa ng mga tubi tubi at naghakot ng dugo at dinala iyon sa pisngi ko.

"Bumaba ka na nga kasi. Akong papagalitan ni Kuya Stan eh." Pagmamakaawa ko. Kung bakit naman kasi ako yung napagdiskitahan ni Ate Toryang para kunin itong abnormal na ito. Bwisit talaga. Hindi ko tuloy napanood si Greg kumanta. Badtrip talaga.

'He was a skater boy, she said, "See ya later boy"

He was not good enough for her, she had a pretty face

But her head was up in space

She needed to come back down to earth'

Napanganga ako noong biglaan siyang kumanta habang nasa puno. Maging ang mga tubi tubi ay nanahimik at nakinig sa boses niyang ibang iba kay Greg. Greg's good. He is really good.

Pero si August?

Napahampas ako sa pisngi ko sa naisip. How dare I? Hindi ko dapat kinukumpara si Greg my love sa halimaw na nagkatawang tao na yan!

"Isa August! Bumaba na kasi eh." Pumadyak na ako at naiiyak ng nakatingin sa kanya. Yumuko lang siya bago muling nanuod ng mga ulap mula sa taas ng puno.

'He was a skater boy, she said "See ya later boy"

He wasn't good enough for her, now he's a superstar

Slamming on his guitar

Does your pretty face see what he's worth?'

"AUGUST! AAKYAT NA AKO!" sigaw ko at walang paalam na umakyat sa puno para lamang sunduin itong abnormal na ito. Noong naabot ko na siya ay ngumisi lamang siya.

"Walang hiya ka talaga! Bwisit ka!" sigaw ko habang pinapagpagan ang mga dumi sa daliri ko. Inayos ko ang buhok ko bago ko inamoy ang damit kong napawisan na.

"Nakakahiya kay Greg. Ang baho ko na." maktol ko. Nilingon lang ako ni August at muling sumandal sa puno.

"Edi maligo ka. Samahan pa kita kung gusto mo." Masungit niyang sabi. Napasinghap na lamang ako at bahagyang lumayo sa sanga na kinauupuan niya.

"Abnormal ka talaga." Nag-iwas ako ng tingin para itago ang pamumula ng pisngi ko. Ang mga tubi tubi sa tiyan ko ay nagsisimula ng magrally noong lumitaw ang dimple ni August noong ngumiti siya.

'He was a skater boy, she said, "See ya later boy"

He was not good enough for her, she had a pretty face

But her head was up in space

She needed to come back down to earth'

"Bumaba ka na." mahina kong sabi. Tiningnan lang niya ako bago niya ibinaba ang legs niya sa sanga. Ang akala kong pagbaba niya ay tinalon lamang niya. Napasigaw pa ako noong nahulog siya. Perpekto ang pagbagsak niya habang ako naman ay hindi makahinga sa pag-aalala.

"Come on Princess. May rehersals pa kami. Papagalitan ka ni Stanley kapag na late ako." Nakangisi niyang sabi bago ako tinalikuran.

Agad akong naalarma. "H-hoy! Tulungan mo akong bumaba!" sigaw ko. Tinaas lamang niya ang kamay niya bago niya kinuha ang skateboard niya.

"Mag-isa kang umakyat. Mag-isa ka ring bumaba Prinsesa." Nakangisi niyang sabi at sinakyan na ang skateboard niya.

'He was a skater boy, she said, "See ya later boy"
He was not good enough for her, she had a pretty face
But her head was up in space
She needed to come back down to earth'

Iniwan niya ako? Abnormal talaga! Bwisit!

--------------------------

Song Used:

Avril Lavigne - Skater Boy

*pen<310

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon