Nakita ni Maxi ang naging reaksyon ng mga kaibigan. Nagkatinginan muna silang lahat dahil sa namuong katahamikan sa hapag, hanggang sa hindi na napigilan ni Maxi ang namumuong tawa sa kaniyang labi na siyang sinundan naman ng ilan dahilan upang mapuno ng halakhak ang buong silid.

Kinuha na lamang ni Rica ang natitirang piraso at inilagay iyon sa kaniyang pinggan "Ako na kakainin nito para walang gulo, okay?" natatawang si Rica. 

Malungkot namang napabaling sina Aleah, Dheo, at Reggie sa pinggan ni Rica. She just sighed.

" Huwag kayong mag-alala magluluto ako ulit nito mamaya" she assured, dahilan upang mapasuntok pa si Dheo at Reggie sa ere samantlang napapalakpak naman si Aleah sa sinabi ni Rica.

"That's great! I can't wait for our dinner!" masiglang tugon ni Aleah. " How I wish I could eat more pa 'non" sabay talim niya ng tingin kay Dheo na nagkibit balikat lamang.

"Heto Aly, sa'yo na lang 'to" Suhestiyon pa ni Niño sabay lagay ng kaniyang dalawang natitirang piraso ng bulalo sa pinggan ni Aleah. Aleah's eyes twinkled in delight looking on Niño's bowl sabay baling sa nagbigay na panay ang iwas ng tingin sa kaniya.

"Really... ahm we could share naman" suhestiyon pa ni Aleah, nahihiya dahil wala nang natira kay Niño sapagkat lahat ay ibinigay na nito sa kaniya.

" S-share? Susubuan mo 'ko? G-ganon?" Niño stuttered with flustered cheeks just thinking about it.

"Kalmahan mo lang boi. Share lang. chansing mo naman" sabat pa ni Dheo, dahilan para mairita si Niño sa sinabi nito. Tinapunan na lamang niya si Dheo ng isang butil ng kanin para tumahimik ito.

"Sabing tumigil na" si Maxi in a authorative tone, dahilan para tumigil ang dalawa.

"Hay nako... naalala ko pa, ganito rin tayo noong mga bata pa tayo. Parang kailan lang ano?" Natatawa pagbabaliktanaw ni Maxi. It feels nostalgic seeing everyone fighting over a piece of food in the table. Those were one of their memories together na siyang di niya malilimutan. Those were the times na kung saan sama-sama pa silang kumakain at nagkukulitan. Kung nandito lang siguro si mamu, sigurado siyang mapapamasahe na lang din 'yun sa kaniyang sintido at baka pagpipingutin pa nito ang mga tenga nila.

"Nagmamaktol pa nga yan si Dheo dati kasi walang smiley face ang sunnyside up niya. Naalala niyo 'yon? Tapos binigay nalang ni Kiel yung sa kaniya para umaayos itong si Dheo" si Reggie.

"Right! Tinago niyo kasi ang ketchup" natatawang si Ezekiel habang inaalala ang nangyari nang araw na iyon.

Habang tumatawa ang lahat as they tease Dheo on that memory, bigla namang napatahimik si Ezekiel ng marinig ang sinabi. The smile began to fade on his face, together with the memories he wants to forget. He can't believe that he even laughed with them with that memory. He shoudn't be.

Iniyuko na lamang niya ang kaniyang ulo at dahan-dahang ibinaba ang pianggamitang kutsara at tinidor. He gritted his teeth as his hands are forming into a fist. Those were one of their memories together. One of their happiest moments. But remembering their childhood would only make his blood boil, so he would rather remove those thoughts and continue burying them in the past.

"Magkaibigan na pala talaga kayo simula noong mga bata pa kayo?" kyuryosong tanong ni Rica sa mga bisita habang napapainom ng tubig upang mahimasmasan sa kakatawa. Natigilan naman ang lahat sa naging tanong ni Rica at napabaling ang lahat sa kaniya.

"Yes. They were my childhood friends" sagot ni Aleah na may ngiti sa kaniyang mga labi.

"Ah... kaya pala. Close niyo kasing lahat, eh! nakakainggit naman" sambit ni Rica na nangingiting tinignan ang mga bisita. Ezekiel on the other hand, scoffed without humor and immediately excused himself from their narrative.

"Kiel" Pagtawag sana ni Reggie sa kaibigan.

"hala, may sinabi ba akong mali?" nababahalang tanong ni Rica sa mga naiwan sa mesa.

"Pasesnsya ka na, Rica. Sabi ko nga sa'yo diba? Suplado talaga 'yon" tugon ni Reggie na napabuntong hininga na lamang sa inasal ni Ezekiel.

Napatayo naman si Dheo at magaambang sundan si Ezekiel kaso bigla siyang pinigilan ni Niño na ngayon ay nakatayo na sa kaniyang tabi at iniling na lamang ang ulo bilang di pagtulot.

" Huwag na, ako na lang ang susunod sa kaniya, baka magsuntukan pa kayo sa labas at madamay pa ako" si Niño bago nagpaalam sa lahat na susundan niya lamang si Ezekiel sa labas at baka tutungo na rin sila sa terminal.

"Dheo, hayaan mo muna siya" pagpigil rin ni Maxi kay Dheo at iminuwestra na bumalik na lamang siya sa kaniyang pag-upo.

"P-pero Maxi, b-baka—"

"At sa tingin mo pakikinggan ka 'non? Hayaan mo muna siyang mag-isip"

"Kuya Maxi is right, Dheo. Just let him muna...maybe... He's still in pain" si Aleah na ngayon ay malungkot na nakangiti kay Dheo.

"Sure lang ba talaga kayo na wala akong sinabing masama? kinakabahan pa naman ako" nababahalang tanong ni Rica kay Reggie na nasa tabi nito ngayon.

"Wala, Ghorl! Huwag kang mag-alala, tinopak lang 'yun!" Reggie assured habang napapatingin na lamang sa nilabasang pinto nina Niño at Ezekiel.

 May mga bagay talaga na hinding-hindi basta makakalimutan, kahit taon man ang lumipas ay mariin parin itong nakatatak sa ating puso't isipan.

" Di kaya dahil 'yun sa Bulalo? Kaya siya umalis? Nako, sana binigay ko na lang 'yon sa kaniya. Baka nagtatampo 'yon kasi kinain ko" hindi parin mapakali si Rica, dahilan para matawa na lamang si Reggie sa sinabi nito at tinapik na lamang ang balikat ni Rica.

"Diba aalis kayo mamaya, Rica? Ako na lang maghahanda na mga lulutuin" Boluntaryo pa ni Maxi habang ipinapakita pa nito ang ginawang listahan at mga gagawin sa kaniyang cellphone.

"Tutulong na ako Kuya, gusto kong malaman paano rin 'yan lutuin" si Aleah habang itinataas pa nito ang kamay niya.

"Sige! Baka matagalan din ako roon, may emergency kasi raw" si Rica.

"Ano? Sama na lang kami ni Dheo, para makatulong kami sayo roon" suhestiyon pa ni Reggie na siyang sinangayunan naman ni Rica.

"Ano, Dheo? Game?" Tanong ni Reggie sa katabi na tipid lamang ngumiti at tumango bilang pagsangayon.

"Sige! Tara na!" masiglang sambit ni Rica habang inilagay sa kaniyang balikat and dalang bag bago tumulak ang tatlo patungong Grace Field.

END OF CHAPTER

NXS||NEXXUS

To more adventures to come! see you in the next chapter

Our Broken StringsWhere stories live. Discover now