"You really are a good cook, Rica. Thanks for this!" Masiglang tugon ni Aleah habang iniinom pa ang natitirang sabaw ng Bulalo sa mangkok na nakahain sa kaniyang harapan. It was really a good Bulalo, it's probably one of her favorites already.
Nang matapos magluto sina Rica, Dheo, at Maxi ay agad silang naghain at tinawag ang ilan upang magsimula na silang mananghalian. Reggie was still resting together with Aleah in Rica's room when they woke those two up. Meanwhile, Ezekiel and Niño were already done discussing on their plan on retrieving their van from the terminal. In the end, they still had a good lunch together. Rica's special Bulalo was to root for, even Maxi was taking down notes on Rica's recipe.
"Walang aagaw sa butong 'yan ha, akin na 'yan" Pambabakod pa ni Dheo sa natitirang piraso ng bulalo with his arms spreading in the table, halting anyone who dares to take it.
"Anong sa'yo? It's mine. You ate four of those kanina, three nga lang 'yung akin, kaya it's mine" Protesta ni Aleah habang binibilang pa ang buto sa plato ni Dheo.
Inilapit naman ni Dheo ang mangkok na pinaglalagyan ng natitirang Bulalo malapit sa kaniya, takot na kunin iyon ni Aleah.
"Kung sinong unang makakakuha nito, sa kaniya na" hamon pa ni Dheo.
"No way!" sabay tayo ni Aleah at abot sa malaking mangkok na pinaglalagyan ng nagiisang buto na nasa kay Dheo na.
" Hoy! Hoy! Foul 'yan!"hindi nagpatinag si Dheo at tumayo rin ito at inilalayo pa ang mangkok kay Aleah.
"Hey! Put that back. Kakainin ko nga 'yan" reklamo ni Aleah kay Dheo.
"Sige ka, kung kakainin mo 'to tataba ka talaga niyan" panunuya naman ni Dheo.
"Excuse me?!" Aleah in an offended tone, with her left hand place on top of her chest. Hinila pa niya ang ilan sa mga buhok ni Dheo because of what he said, but she was desperate already to eat the last piece. "That's mine, Dheo. Put. It. Back" may diin niyang sabi.
"Hoy, Dheo. ibigay mo 'yan kay Aleah kung ayaw mong batukan kita riyan" Pagsingit pa ni Niño, sabay abot din nito sa kamay ni Dheo na nakahawak sa mangkok.
"Hep! Hep! Hep! Mabuti pa sa akin niyo nalang 'yan ibigay para walang gulo, mga batang 'to talaga oh" Pasimpleng sabi ni Reggie habang inilalahad pa nito ang plato para ilagay iyon doon.
"Kay Aleah nga 'to ate eh. Hindi ka kasali" Si Niño. Napahawak na lamang si Reggie sa kaniyang puso at paarteng nasaktan sa sinabi ng kapatid.
"O-M-G how dare you hurt your ate" Pag-d-drama pa ni Reggie sa sinabi ng kapatid.
'Di naman napigilan ni Ezekiel na matawa sa naging reaksyon nito at pasimpleng pang kinuhanan ng litrato ang katabi.
"Akin na 'yan. Ako ang kakain" sabay tayo ni Reggie at lapit kay Dheo, di nagpatinag sa sinabi ng kapatid.
Dahil sa bigalang pagdumog ng mga gustong kumuha ng natitirang bulalo ay naisipan na lamang ni Dheo na tumakbo paikot sa mesa dala ang mangkok na pinaglalagyan ng natitirang piraso ng Bulalo habang inilalayo iyon kina Niño at Reggie na siyang humahabol sa kaniya.
Napailing na lamang si Ezekiel sa nadatanan at tinawanan lamang ang nangyayaring gulo sa hapag.
Biglang tumayo si Maxi at itinuro ang mga nagsisitakbuhan.
"Tumigil na nga kayong lahat! Para kayong mga bata! Upo!" Maxi commanded, dahilan upang mapaupo na lamang ang mga nagsitakbuhan at sabay pananahimik ng lahat.
"Wala parin talaga kayong pinagbago. Ganiyang-ganiyan parin kayo kahit noong mga bata pa tayo..." Maxi trailed off, habang seryosong nakatitig sa mga kaibigan na ngayon ay parang mga basang tutang nakatingin sa kaniya. Dheo was still holding the bowl containing the last piece, so Maxi pointed out to put it back on the table, na siyang sinunod naman ni Dheo sa maingat na paraan, takot na magalit si Maxi.
YOU ARE READING
Our Broken Strings
General Fiction🚐OUR BROKEN STRINGS🚐 There were hundreds of reasons for me to hold on to the promise I made my friends, but it was still smaller to that one excuse I made for myself to let go. Maybe it was true, I was that desperate to fix our broken strings, ye...
Chapter 11
Start from the beginning
