"Opo! Opo! Narito rin si kuya, pero wala siya ngayon rito sa bahay, ewan ko ba 'don! Sigurado akong nasa Grace Field na naman 'yon"

"G-ganon ba... pakisabi na lang na pumarito ako... sige, mauna na ako at baka makaistorbo pa ako sa mga bisita mo sa loob" Pagkasabi ng kaniyang ama 'non, ay agad din itong nagpaalam at nagsimula nang tahakin ang daan patungo sa ipinarada nitong sasakyan.

Nang makitang nakalayo na ang ama ay doon pa niya inilabas ang mabibigat na hininga kanina pa niya pinipigilan dahilan para mapahawak siya sa hamba ng kanilang pintuan. She wants to be casual to his father but seeing him in person and conversing with him again, only awakens the heavy feeling she buried a long time already.

Simula nang bumalik ang kanilang ama, tanging siya lang ang kayang pakitunguhan ito. Kuya always excuses himself every time our father is around, pero kahit may hinanakit parin akong nararamdaman dahil sa pagpapabaya niya sa aming magkakapatid, ay pinilit ko parin ang sarili kong pakitunguhan siya, maging ang bagong pamilya nito at ang bagong kinakasamang si Tita Alicia.

They were good people. They treat me like I, too, belong to their family. He even suggested living with them, but I neither agreed nor spoke, instead I just fakely smiled and lowered my gaze. Akala ni papa na okay lang sa akin iyon, but I still feel uncomfortable with it. I don't want to ruin their family kaya mas pinili ko na lamang manahimik at maging kaswal sa kanila, but kuya, he still holds his grudges on our father at ayaw ko naman din siyang pilitin dahil alam ko ang nararamdaman niya.

"You idiots, stop eavesdropping" pagsita ni Ezekiel sa dalawa nitong katabi.

Nang makapasok ng tuluyan si Rica sa loob ng bahay ay kaniyang nadatnan ang biglaang pagayos ng upo nina Dheo at ngayon katabi na nitong si Niño, na ngayon ay inosenteng nakatitig pareho sa kay Rica.

"Chismoso nitong si Dheo" panlalaglag ni Niño.

"Nakinig ka naman din" si Dheo.

"Tumigil na kayong dalawa, nakakahiya kay Rica ang pinaggagawa niyo" pagpapagitna ni Maxi habang nasa baywang ang dalawang mga kamay at pinandidilatan ng mata ang dalawang nakaupo na ngayon sa duluhan ng sofa.

"I apologize for their behavior, Rica" Paghingi ng paumanhin ni Ezekiel kay Rica na ngayon ay nakatayo sa harap nito habang nakatingin sa kaniya.

"Ha?... ah... eh ano ka ba! wala lang 'yon. 'Di naman 'yon importante, napadaan lang si tatang kaya nakikibalita lang din" nauutal-utal na tugon ni Rica. Ezekiel flashed his apologetic smile making Rica's heart melt in awe.

"Laking chismoso talaga 'yang dalawa, lalo na si Dheo, kaya pagpasensyahan mo na, Rica" Paghingi ulit ni Maxi ng paumanhin.

"Ha? Bakit ako? Ito nga si Niño ang stalker sa aming dalawa, pasok na 'yan sa pagiging chismoso no!" Pagrarason pa ni Dheo habang tinuturo pa nito ang katabi.

"A-anong s-stalker!?" depensa ni Niño sa sarili.

" 'Di ka stalker? Mamatey?" panunya pa ni Dheo dahilan para magsimula na namang magbangayan ang dalawa kung sino nga ang mas chismoso sa kanila.

"Di bale na, maupo na muna kayo riyan at maghahanda ako ng pananghalian natin" singit ni Rica dahil nagsimula nang magbangayan ang dalawa.

"Puwede akong tumulong, marunong naman akong magluto" boluntaryo pa ni Dheo para lamang makatakas sa kanilang bangayan ni Niño dahil natatalo na siya.

"Tutulong na rin ako" Si Maxi.

"Sige! Mas mabuti iyon para makakain tayo agad. Alam niyo may specialty pa naman ako, 'yun lulutuin natin ha!" Masiglang sambit ni Rica kasama sina Maxi at Dheo na parehong excited sa lulutuin nila.

Our Broken StringsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant