Buwan lamang ang lumipas ng dumating sa punto na tuluyan na kaming pinalayas sa tinutuluyan naming kapitbahay, dahil pabigat lang daw kami at wala ni isang sentimong iniwan ang nanay namin sa kanila. Nais man naming bumalik na lamang sa aming bahay ay hindi na maaari. Matagal na palang isinangla ni mama ang bahay namin noon kaya hindi na kami puwedeng makabalik pa roon dahil wala naman kaming perang panubos.
Sa oras na iyon ay gusto ko na lamang maging mahina, gusto kong maging mahina kahit sa araw lang na iyon, at iiyak ang lahat ng sakit na matagal ko nang kinikimkim.
Nakakapagod.
Nakakalito.
Napakasakit.
Mas nanaisin ko na lamang na lunurin ang sarili ko sa luhang umaagos sa pagod kong mga mata.
"K-kuya, hindi ko na kaya...pagod na ako...ayaw ko na nito" Tears were pooling in my eyes as I plead to my brother to stop the pain I'm feeling even if it seems impossible. I was still nine at that time. So lost and in pain.
"P-pagod na rin ako, Rica! Pagod na pagod na ako! pero kailangan nating makahanap ng paraan. Paano na lang si Aren, ha! N-nangako tayo na 'di m-magiging ganito ang b-buhay niya, Rica" Kuya was shaking my shoulder to wake my senses while crying helplessly.
"Punta nalang tayo sa bahay baka nandoon na sina mama at papa, kuya—"
"Wala na sila, Rica! Pinabayaan na nila tayo! Kaya huwag ka nang umasa na babalik pa sila dahil iniwan na nila tayo... iniwan na nila tayo... wala na silang pakealam sa atin, Rica... pinabayaan na nga nila tayo d-diba?!" si Kuya na napasalampak na lamang ng upo sa konretong daan habang walang humpay na humahagulgol.
"Kuya, huwag ka nang umiyak, please" napaupo na lamang din ako kaharap ni kuya, trying to wipe his tears away habang nasa bisig ang nakababatang kapatid.
"Ayaw ko na rin nito, Rica... ayaw ko na..."
Naging mahirap sa amin ni Kuya ang itaguyod ang sarili habang palipat-lipat ng tinitirhan sa kalsada, hanggang isang araw ay napagdisisyunan na lamang namin na humingi ng tulong kay Sister Dory dahilan upang ipasok niya kami sa Grace Field. Doon ko na lamang naranasan ang totoong pakiramdam kung paano magkaroon ng pamilya. It was probably the best decision that we made that day. I saw hope, I felt loved, and I never been that happy.
"P-pasok ka ho, Pa. May mga bisita nga pala ako sa loob. Magluluto na rin ako ng tanghalian." Anyaya niya sa amang nakatitig lamang sa kaniya.
"H-hindi na, Rica, Anak" Parang nangririndi ang tenga ni Rica sa sinabi ng ama ngunit mas pinili nalamang niya ritong ngumiti.
"Ano ba naman kayo, Pa! Dito na ho kayo kumain" masigla niyang anyaya sa ama pero tumanggi parin ito.
"Hindi naman din ako magtatagal. Narito lang ako para kumpirmahing umuwi ka nga... nabalitaan ko kasi kay Teddie na umuwi ka na" ang kaniyang ama.
"Bumilis yata signal ni Aleng Teddie ngayon, 'di po ba?"
"Pagpasensyahan mo na 'yon, ganoon lang talaga si Teddie" sabay lahad ng kaniyang ama ng isang tipid na ngiting namutawi sa kulubot nitong labi.
"Di bale, bibisita na lang ako rito sa susunod na araw, kundi... bumisita ka na lang sa bahay namin ng tita mo, birthday niya sa makalawa. Gusto pa naman din niya kayong makita, maging ang mga kapatid mo" Masiglang anyaya naman ng kaniyang ama sa kaniya.
"Titignan ko ho, di naman din kasi ako magtatagal dito, pati na rin yata si kuya" si Rica
"N-nandito rin ang kuya m-mo?" her father stuttered, yet there was a glint of amusement in his hoarse voice.
ESTÁS LEYENDO
Our Broken Strings
Ficción General🚐OUR BROKEN STRINGS🚐 There were hundreds of reasons for me to hold on to the promise I made my friends, but it was still smaller to that one excuse I made for myself to let go. Maybe it was true, I was that desperate to fix our broken strings, ye...
Chapter 11
Comenzar desde el principio
