Chapter 17:Suspect/s

57 12 0
                                    

Bloomy's POV

Saktong commercial ang palabas sa tv nang sumulpot si Kuya Manolo.

"Eris si Ate Ara mo? Nasa labas na sina Gov. Uno." Sabi ni Kuya Manolo na nagmamadali.

"Hinilamusan si Princes, Kuya."

Nang marinig ang sagot ni Ate Eris iniwan na niya kami sa sala. Marahil pupuntahan na niya si Ate Ara upang ipaalam ang pagdating ni Gov. Uno.

"Ehem! Good evening!"

Napalingon kami ni Ate Eris sa tumikhim. Nakatayo ang kagalang-galang na gobernador ng Pampanga sa may hamba ng pinto. Wearing his signature killer smile.

"Ay! Pasok po kayo Gov. Uno." Anyaya ni Ate Eris dito at napatayo na rin ako.

"Maraming salamat po sa pagdating. Pagpasensyahan niyo na po ang aming bahay, maliit." Kumuha ng kutsara't tinidor at plato si Ate Eris. Inabot niya ang mga ito kina Gov. Uno.

"Kain na po muna kayo Gov. Uno. Ikaw din kuya, kuha ka na rin dito. Pasensya na ulit Gov. Uno ito lang nakayanan namin," paumanhin ni Ate Eris.

"Naku ayos lang iyon, ang dami na nga nito o! Kumain na ba kayo? Sabayan niyo ko," alok ng gobernador sa amin

"Tapos na po," magkasabay na sagot namin ni Ate Eris.

"Waaah! Idol! Hello po!" Nagmano ang bata pagkakita kay Gov. Uno at tumabi ulit sa kanyang mga magulang.

"Happy Birthday Teacher Ara!" bati ng gobernador.

"Maraming salamat sa pagdating Gov. Uno. Pakabusog po kayo. Ikaw din Kuya huwag kang mahiya. Ito Gov. Uno nagluto ako ng asadong baboy, paborito mo daw ito," alok ni Ate Ara.

Natuwa naman si Gov. Uno pagkakita sa paborito niyang ulam. Konti lang ang kinuha ng kasama niyang bodyguard. Diet siguro si Kuya!

Matapos kumain nina Gov. Uno ay bumaling ito sa amin ni Bunso.

"Parang kayo iyong nandoon kina Tatang Boy Baro kanina, tama? May bumangga pa sa akin noon kasi hinahabol kayo nung aso niya." Natatawa nitong kwento. "Ikaw! Ikaw iyong bumangga sa akin kung hindi ako nagkakamali. Don't worry hindi naman ako galit o nasaktan. Basta mag-ingat na lang kayo sa susunod. Okay?"

Tumango lang si Bunso sa kanya.

"Detective ba kayo?" tanong pa niya.

Natahimik kami at hindi naka-imik.

Natawa ito sa pagsawalang kibo namin. "Sinabi lang kasi sa akin ni Tatang Boy gusto niyo daw magtanong sa kanya. I just I assumed you girls gonna ask about his missing child. Napansin din kasi kayo ng cctv personnel namin na nagpupunta kayo sa mga bahay ng mga nawawala. By the way, I commanded the police force pampanga to install cctv on every single street in our province. We did that after the incident of the alarming 2nd missing batch."

"Maganda po iyan Gov. Uno. Para maiwasan maulit iyong pangyayari. Para malaman na rin kung may salarin nga ba sa biglaan nilang pagkawala," singit ni Kuya Manolo.

"Tama ka Manolo! That's are goal to make our province safe and to prevent the repetition of events. Sa katunayan may lead na kaming mga suspects. Kasalukuyan na naming silang pinaghahanap," sagot ni Gov. Uno.

"Magandang balita iyan Gov. Uno. Sana madakip na sila agad at malaman na kung saan nila dinala ang mga nawawala," komento ni Kuya Manolo.

"Pinagbubutihan ng kapulisan ang paghahanap sa mga salarin. Asahan niyong sa lalong madaling panahon maihahatid na namin sila sa kulungan. Doon ang tamang lugar para sa mga kriminal na kagaya nila." Determinado nitong pahayag.

#AríyaWhere stories live. Discover now