Chapter 16:Black Cat

62 11 1
                                    

Bloomy's POV

We woke up almost 10:00 am the next day. Among the 102 videos from the CCTV's in the mall, video in the hallway going to cr #3 and video in the area going to the control room are very significant to the case.

The video in the hallway going to the cr #3, we found out that the 5 missing person went in the area. What's bothering us is we never saw them leave the place.

Video in the area going to the control room is somewhat blurry. But thanks to the familiar uniform, we conclude that a janitor of the mall suspiciously went to the area. The man was covered with a face mask looking to his surrounding while heading his way to the control room.

We got teased by Princess the whole day. She kept on calling us 'Panda' because of our visible eye bags. That's why we decided to stay in the house the whole day. Bumawi na lang kami ni Bubbles ng tulog sa hapon at maagang natulog pag-sapit ng gabi.

Kinabukasan, maaga kaming nagising dahil medyo malayo daw ang aming mga sadya. Lima pang nawawala ang nais naming mapuntahan. Sinama namin si Princess dahil wala itong makakasama sa bahay. Maagang umalis sila Ate Ara at Kuya Manolo upang mamili ng mga rekado para sa mga putaheng lulutuin sa Palengke ng Bayan. Birthday daw bukas ni Ate Ara.

We're currently on our way to the place of our first target. Sa Sapang Uwak, Porac.

"Ate Blossom malapit kina Marie Sen iyong bagong bukas na Sandbox. May Giant Swing, Aerial Walk Challenge, Adventure Tower at iyong Avatar One," mungkahi ni Bunso.

"Ano iyong Avatar One bunso?" tanong ko.

"Bunso? Ate Blossom?" Kunot-noong sulyap sa amin ni Ate Eris habang nagmamaneho.

"Yes, Ate Eris bunso. I'm the bunso she's calling," Sagot sa kanya ni Bunso.

"Ganoon? May mahalaga bang kaganapan kahapon at bakit hindi ako updated?" Tanong nitong natawa.

"May naglambing kasi sa akin kagabi nung galing tayo sa mall. Pa-baby masyado." Natatawang tukso ko kay Bunso.

"I'm not! It's just because of my period that time," depensa naman nito.

"Oo na lang. Ano nga? Anong iyong Avatar One ba iyong binanggit mo kanina?" tanong ko sa kanya na nakatingin sa rearview mirror.

"Iyong Avatar One? Para siyang ano. How can I describe it? Ah! Sabi nila para siyang roller coaster zipline?" sabi niya na parang hindi pa sigurado.

"Maganda ba doon Ate Bubbles? Punta tayo!" yaya naman ni Princess.

"Yeah, super ganda raw! May mga theme kiddie playground din daw doon. Can we stop by later there Ate Eris? Ate Blossom?" Pakiusap sa amin ni Bunso na sinegundahan naman ng bata.

"Sa susunod na lang Bunso. Hindi natin alam kung matatagalan ba tayo sa bahay nina Marie o hindi," sabi ko.

"KJ talaga kahit kailan si Ate Bloomy! Hmp!" reklamo ng bata.

Natawa kami sa himutok ng bata. Bilhan na lang daw namin siya ng strawberry para bati na kami ulit.

Inabot ng isang oras nang makarating kami sa bahay nina Marie. Dumaan kami sa SCTEX para mabilis.

"Wow! Am I dreaming?" Manghang-mangha si Bunso sa mala-palasyong bahay sa aming harapan.

"Hey! Shut your mouth. Halika na, mag-doorbell na tayo." Tinungo ko ang pwesto ng doorbell at pinindot ang button. Maya-maya may robotic voice ang nagtanong ng aming sadya. Makalipas ng ilang minuto pinagbuksan kami ng isang maid.

(Conversation in kapampangan dialect)

"Pasok na kayo. Nasa sala si Señora Claudia hinihintay kayo," sabi nito.

#AríyaWhere stories live. Discover now