Chapter 12:Prediction

60 14 0
                                    

Bloomy's POV

"Ano iyon? That Apung Mamata they keep of mentioning somewhat predict that we will go here?" Tanong ni Bubbles na namangha. Kibit-balikat lang ang itinugon ko.

Habang tinatahak namin ang daan patungo sa bahay ni Apung Mamata. Patuloy lang sa pagkwento si Manong Fidel. Ayon sa kanya si Apung Mamata ay bulag at may kasamang binatilyo sa bahay. Ang kanyang apo ay pipe. Kilala daw itong baliw dito sa lugar nila. Sa Bacolor daw talaga ang maglola kaya lang napadpad sa Mexico matapos ang lahar. Ipinipilit daw niya sa mga tao dito na kaya maraming namatay noong pumatok ang Bulkang Pinatubo ay dahil walang naniwala sa kanyang babala.

"So she's a seer?"

"We will find out later. Let's see what she'll gonna say and weigh whether that would believable or not." Wala naman mawawala, baka makatulong pa sa amin si Apung Mamata.

Tumigil kami sa harap ng bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping mga yero. May payat na binatilyong nakatayo sa tapat habang kumakain ng saging.

"Juan buri miya sanang akasabi i apu mu." Tumango ang pipeng binatilyo kay Manong Fidel at pinapasok kami sa loob. Akala ko madumi ang dadatnan namin sa loob, hindi naman. Malinis ang loob ng munti nilang bahay. Nakaupo ang isang matandang babae sa isang silya. Kulubot ang balat nito at pumuti na ang mahaba nitong buhok. Nakapikit ang kanyang mga mata kaya hindi namin alam kung ito ba'y tulog o gising.

"Palwalan mo reng lalaki Juan. Lakwan mo kaku rening adwang dalaga."

"Labas daw kaming mga lalake at maiwan kayong dalawa dito." Paliwanag ni Kuya Buknoy na nag-aalangan kung ayos lang sa aming maiwan sa loob.

"Sige na po kuya." I can sense this old lady has something important to tell us. Kahit ayaw, napilitan din kaming iwanan ni Kuya Buknoy. Lumabas silang tatlong lalaki.

Pagbukas na mga mata ng matanda nagulat ako dahil wala itong kahit isang gatuldok na itim. Her eyeballs are literally all white! Napahawak si Bubbles sa kamay ko ng mahigpit.

"Lumapit kayo dito." Nilahad niya ang dalawang kamay sa aming direksyon. Nagtatagalog naman pala itong si Apung Mamata. Akala ko gagamit pa kami ng 'google translation'.

Lumapit naman kami, mga isang pulgada siguro ang layo mula sa kanyang mga kamay. Ngunit nagtaka kami ni Bubbles ng hindi man ito nagsalita o natinig sa kanyang pwesto.

"Maybe we need to hold her hands? You know, like those I've watch from tv. Kailangan hawakan ang kamay para mahulaan ang kapalaran. Something like that," paliwanag ni Bubbles sa maaring gusto ng matanda. Kaya hinawakan na nga namin ang mga kamay nito.

"Kayo nga!"

Nagkatinginan kami ni Bubbles. Kami? Ilang oras din kaming naghintay ng hindi pa rin dinugtungan ng matanda ang sinabi niya.

Kaya lakas loob na akong nagtanong. "Ano pong mayroon sa amin?"

"Ang inyong magiging ikatlong miyembro ang susi.  
...
May isang kaluluwa na unti-unti ng nawawalan ng pag-asa.  
...
Siya ang sagot sa inyong mga matagal na katanungan!"

"Oh! Hello, mga binibini." Biglang sulpot ng isang bakla na posturang-postura. Bigla tuloy naming nabitawan ang kamay ni Lola dahil sa pagkabigla. "May pinag-uusapan pa ba kayo ni Lola?"

Napatingin kami kay Apung Mamata at naghintay pa ng kanyang sasabihin.
Ngunit wala itong reaksyon bagkus nanatili lang itong nakaupo sa silya at nakapikit na.

"Wala na po. Ano po bang kailangan niyo?" Balik ko sa baklang busy sa pag-aayos ng lipstick sa labi.

"I'm Freda by the way! Galing ako sa Elderly Haven Institution. Isang lugar na pinagawa ni Governor Uno para sa mga paluboy na mga matatanda. Although hindi sila paluboy, may nagmagandang loob kasing nagturo sa kanya sa amin. That's why were here to fetch lola and his apo!" Maarteng paliwanag nito.

#AríyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon