Chapter 34:Different Locations

39 8 0
                                    

Bloomy's POV

Nagpupumilit na ang mga kasama ko na isuplong na namin ang nangyayari sa loob ng laboratoryo ni Dra. Samantha. Nagdadalawang isip pa rin kasi ako. Nandoon na kami na alam na naming naroon ang mga nawawala. Ngunit bakit may nagtutulak pa rin sa akin na puntahan ang dalawa pang natitirang laboratoryo?

Napapayag ko naman ang tatlo lalo na si Ate Eris. Maswerte raw kami dahil wala pang nakakahuli sa ginagawa namin. Ngunit paano na lang sa pagpunta pa namin sa Macabacle at Mesalipit? Pinaliwanag ko naman ang kutob ko.

Isang maikling, "Ikaw ang bahala," ang naging sagot niya.

"Paano mo pala nalaman sa Ate mo iyong tungkol sa may-ari ng Sapote Laboratory?" tanong ko kay Caela.

Kasalukuyan itong nagmamaneho. Papunta kami sa Macabacle, Bacolor ang lugar na kanina pa gustong puntahan ng kasama ko.

"Narinig ko lang na may kausap si Ate Nica. Gulat na gulat nga siya roon sa kausap niya. Inulit-ulit niya kasi iyong Sapote Laboratory. Parang kinukupirma niya roon sa kausapin niya kung tama ba siya ng dinig. Tinanong ko siya tungkol sa napag-usapan nila ng kanyang kausap. Sabi niya si Kuya Lucas iyong boyfriend niyang Canadian. Kailangan niya raw dumiretso sa Sapote Laboratory kapag tested na iyong gamot na natuklasan niya. Iyon lang sinabi niya. Limitado rin daw kasi iyong impormasyon na binigay roon sa boyfriend niya," mahabang paliwanag nito.

Tama lang pala ang desisyon kong magpatuloy pa kami. Mas lalong lumakas ang hinala ko na mayroon pa kaming matutuklasan sa lugar na iyon.

Nanahimik na lang ako pagkatapos.

Tirik na tirik ang araw. Tanghaling tapat ngunit heto kami naghahanap ng maaring naming ikapamahak. Napailing tuloy ako sa katigasan ng ulo ko.

Maya-maya lang isang kanta ang bumalot sa loob ng sasakyan. Napatingin ako sa cellphone ni Caela na nasa tapat ko. Nakita ko rito ang mga salitang "Ate Nica Calling..."

"Tumatawag ang Ate mo," sabi ko sa kanya.

"Hayaan mo siya. Itatanong lang niyan kung nakakain na ako. Kahit kailan talaga iyang si Ate lagi akong ginagawang bata." Nakangiting napailing ito.

Pinabayaan ko na lang din ito kahit ayaw tumgil sa pagtunog.

Malapit na kami sa Sapote Laboratory nang magsimulang tumunog muli ang kanyang cellphone. Sa pagkakataong ito ako na mismo ang sumagot.

"Hello? Si Bloomy po ito. Kaibigan ni Caela. Nagmamaneho po kasi siya," pagbibigay alam ko sa Ate niya.

"Ganoon ba? Sige! Sige! Mamaya na lang. Hindi pala. Text ko na lang sa kanya. Pakisabi sa kanya basahin niya kaagad ha? Importante lang kasi. Salamat Blommy!" sabi nito sa akin.

"Sige po. Makakarating po sa kanya," sagot ko naman.

"Tinanong niya ba?" tanong kaagad ni Caela.

"Hindi. May importante sanang sasabihin. Text niya na lang daw. Basta basahin mo raw agad," sabi ko sa kanya. Akmang ilalapag ko na ang cellphone niya sa tapat ko nang manginig ito. Kaya napatigil ako. "Mukhang nagtext na siya."

"Pakibasa naman para sa akin. Salamat!" pakiusap ni Caela.

Binuksan ko naman ito at tumambad sa akin ang isang impormasyong nagpayanig sa buong sistema ko.

"Anong sabi? May nangyari ba kina Lola?" tanong ni Caela.

Hindi naman ako nakasagot.

"Magsalita ka naman. Tinatakot mo ko. May nangyari bang masama sa kanila?" tanong ulit nito.

Napalunok ako. Pinagpawisan na rin ng malapot. Bakit? Bakit kasi niya ginawa ito sa mga inosenteng tao? Anong kasalanan nila sa kanya?

Napapunas muna ako ng pawis bago ko siya sinagot. "Nasa Sapote Laboratory raw ang sampung nawawala."

Nauntog ako sa salamin. Masama ang tingin na pinukol ko kay Caela na nanlaki ang mga mata.

Nakatingin ito sa akin at nakanganga pa.

Naiinis na hinimas ko ang nasaktang noo. Ang sakit! Bigla na lamang niyang hininto ang sasakyan.

"May hinala ako na ang natitirang iba pa ay nasa laboratoryo ni Dra. Samantha. Ngunit hindi lang iyon ang aking lubos na ikinagulat. Si Riza Mae Castillo. Ang kapitbahay nina Ate Eris sa Arayat naghihingalo na raw ayon sa text ng Ate mo," sabi ko.

"Ano! Bakit naman? Totoo ba ang mga sinasabi mo? Blommy magsalita ka!" Sigaw ni Ate Eris sa kabilang linya.

Napapitlag ako sa lakas ng sigaw niya. Ang sakit sa tenga.

"Oo. Nanghihina na raw siya Ate Eris. Nasa Sapote Laboratory siya," sagot ko.

Ilang sandali lang ay nakapasok na sila sa loob na sasakyan. Gulat kaming dalawa ni Caela sa bilis ng pangyayari. Umupo silang dalawa ni Bunso sa likod.

"Mabuti sigurong tawagan na natin si Kuya Kyle. Isa siyang Police Detective. He can make a move about this," mungkahi ni Bunso.

"Pero paano kung hindi siya magtagumpay? Alalahanin mo. Hawak sila sa leeg ni Gobernador Uno. Maaring may kasamahan siyang magsusumbong sa kanyang gagawing hakbang," kontra ko naman.

"Tama naman kayong dalawa. Ang tanong. Anong gagawin natin?" sabi naman ni Caela.

Bigla na lamang bumaba si Ate Eris. Nagkatinginan kaming tatlo. Naguguluhan sa biglaan niyang aksyon.

"Anong nangyari?" tanong ni Caela.

Walang nakasagot sa kanya. Pare-pareho lang kaming walang ideya.

Matapos nitong sumakay ng sasakyan ay pinaharurot niya ito palayo. Mas lalo akong nangamba sa kanyang gagawin. Ate Eris what are you doing? What's on your mind?

"Oh no! She fled! We must chase her!" Aligagang sabi ni Bunso at panay ang kontak kay Ate Eris. "Oh my! She destroy my invention. Hindi na natin siya makakausap nito."

"Sundan natin siya!" sabi ko kay Caela.

Nanginginig na pinaandar nito ang aming sasakyan at sinundan ang direksyong pinuntahan ni Ate Eris.

"Nasaan na siya?" tanong ni Caela.

"Just drive straight! I can see her. I already implant a chip on that car incase of emergency. How genius I am to foresee it! Pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari! Gosh! Be safe Ate Eris!" sabi ni Bunso.

Napatingin ako sa kanya at may kung ano siyang tinitingnan sa kanyang relo. Maya-maya lang pumikit ito at bumulong-bulong.

Marahil nagdarasal?

Bumalik naman ang tingin ko sa harapan. Saan ka pupunta Ate Eris? Anong balak mo? Ang dami ng tanong na nabubuo sa aking isipan. Sana nga maging ligtas siya.

Wait! What can you call this? A flood gate?

Tanaw ang isang daanan na hindi ko maipaliwanag. I think it's one way only. Saktong lang kasi yata ang sasakyan namin.

"It's a dike," Bunso informed us.

Napatango-tango ako. Ngunit kaagad ding nangunot ang noo ko. Bakit naman kami nandito?

"Bakit tayo pumunta rito? Anong gagawin ni Ate Eris dito?" tanong ko kay Bunso.

"I think she's going to Mesalipit?" hindi siguradong sagot niya.

Lalo akong naguluhan. Bakit naman? Anong plano niya?

#AríyaWhere stories live. Discover now