Chapter 35:Gun Shot

49 9 0
                                    

Bloomy's POV

Abot langit ang kaba ko pagdating namin sa isang tinatayong laboratoryo sa Mesalipit, Pampanga. Nakakatakot! Sinong tao ang nakaisip na itayo ang isang laboratoryo sa isang liblib na lugar?

Isa ang Mesalipit sa mga baranggay ng Bacolor na labis na napinsala noong rumagasa ang lahar sa probinsya.

Walang katao-tao. Talagang nilamon ng lahar ang buong lugar. Nag-iisa lamang nakatayo ito sa gitna ng baranggay. Mukhang nahinto ang konstruksyon nito. Malinis naman sa kanyang paligid ngunit napapalibutan ang lugar ng mga nagtataasang talahib. Malaki siya. Ngunit bakit dito pa sa lugar na ito?

"Ang creepy naman dito!" sabi ni Bunso.

"Mayroon ka pa ba riyan na bagay na pwede tayong hindi makita? Katulad nung tela na ginamit natin kanina?" tanong ko sa kanya.

"Sorry! Limited lang kasi iyong materials ko. Kaya iyon lang nagawa ko," sagot naman niya.

"Pumasok na tayo. Mukhang wala naman tao. Nakapasok nga si Ate Eris," mungkahi ni Caela.

"How sure are you?" bwelta naman ng isa.

"Kung wala riyan si Ate Eris. Nasaan siya? Nakaparada naman dito ang sasakyan na dinala niya," sabi naman ni Caela. Himalang hindi niya pinatulan ang isa.

"Anong pang dala mo na maaari nating maging proteksyon o panlaban man lamang kung may makakita man sa atin?" tanong ko ulit.

Inabot niya sa amin ni Caela ang dalawang baril. Hindi ko ito tinanggap.

"Bakit mayroon ka niyan?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Duh! You want protection, right? We can use them for our protection. Don't worry! These guns are not loaded with bullets. It was just a stun gun," paliwanag niya.

Napilatan na rin akong kunin ito. Akmang lalabas na ng kotse ang dalawa ng pigilan ko sila.

"Sandali! Magdasal muna tayo. Humingi tayo ng gabay at proteksyon.
Hindi lamang para sa kaligtasan ng bawat isa pati na rin kay Ate Eris," sabi ko.

Sumang-ayon naman sila. Ilang sandali kaming nagdasal para sa aming gagawin. Nawa'y hindi kami pabayaan ng Poong Maykapal.

Mukha ngang walang tao sa loob. Bumungad kasi sa amin ang nakakabinging katahimikan. Nakakunot ang noo kong bumaling sa taong todo ang kapit sa aking braso.

"Ate Bloomy just stay beside me please." Pakiusap ni Bunso na sinusuyod ang buong paligid.

Hindi ko siya sinagot. Tinahak ko ang pinakadulong kwarto. May naaaninag akong ilaw roon.

"Hey! Huwag mong sabihin pupunta tayo riyan? Huwag mo ring sabihin na may shabu ulit diyan? But I think there's someone behind that door," sabi ni Bunso. Rinig na rinig ang boses ni Bunso sa buong gusali.

"Huwag ka munang maingay Bubbles," saway naman ni Caela sa kanya.

Babatukan ko na sana si Bubbles dahil panay ang gaya niya kay Caela. Wala namang boses na lumalabas sa bibig niya. Ngunit hindi ko nagawa dahil may sumigaw ng "Tulong!"

Napatigil ako sa paglakad. Nagkatinginan kaming tatlo. Mabilis kong tinahak ang pinakadulong silid.

Sino kaya iyon?

Napalunok ako nang lumapat ang aking kamay sa hawakan ng pinto. Ang lamig nito. Napabuntong hininga ako at hinanda ang aking sarili sa kung anuman ang aming matutuklasan.  

Pagbukas ko ng pinto bumangad sa akin ang nakagapos na si Matteo. Nakaupo ito sa silya at nakatali ng kadena. Ang dungis na niyang tingnan. Siya ang tatay ni Michelle. Ang kakambal ni Marcelo na kanilang nakaharap kamakailan lamang. Kaagad na nilapitan ito ni Caela at tinulungang alisin ang mga nakatali sa kanya. Ginamitan niya ito ng hairpin. Nagtagumpay naman siya sa kanyang ginawa.

Biglang nagliwanag ang mukha Matteo. Mukhang masaya ito sa aming pagdating.

"Hindi muna ako magpapasalamat sa inyo. Kailangan na nating puntahan ang anak ko. Ang alam ko nasa itaas sila. Marahil kasama niya rin doon si Eight. Madalas ang pagdalaw rito ni Uno. Mapalad kayo dahil hindi pa siya napadaan dito ngayon. Ngunit kailangan na nating magmadali bago siya makapunta rito," Nagmamadaling sabi ni Matteo at sinubukang tumayo. Ngunit nabigo siya. Dahil napaupo ito.

Nilapitan ko ito at tinulungan namin makabangon ni Bunso.

Tinungo naman ni Caela ang pinto. Pagkatapos ay bumaling sa amin. "Halika na kayo. Habang tayo-tayo pa lang dito."

Inakay namin ni Bunso si Matteo patungong ikalawang palapag. Nanghihina ito. Mukhang pinahirapan din siya dahil sa mga natamo niyang mga sugat sa katawan. Kapansin-pansin ang mga hiwa niya sa palad. Sariwa pa ang dugo na tumutulo rito.

"Sino pong may gawa niyan?" tukoy sa kanyang palad na nagdurugo.

"Mga tauhan ni Uno. Huwag muna akong alalahanin. Ayos lang ito. Ang importante ang anak ko. Kailangan natin siyang iligtas at maalis sa lugar na ito," sabi niya.

Nahirapan kami sa pag-akyat ng hagdan. Masyado kasing mabigat si Matteo. Mabuti na lang tumulong na rin sa amin si Caela.

"Matanong ko lang. Bakit parang pambabae ang mga boses niyo? Lalaki naman ang mga itsura niyo. Mga bakla ba kayo?" Natatawang tanong niya sa amin.

Napangiwi naman ako. Nakalimutan namin na may hangganan ang inimbentong kendi ni Bunso. Dalawang oras lang ang kayang itagal nito para maiba ang boses ng isang tao.

"Parang ganoon na nga po," si Caela na ang sumagot.

"Sayang ang mga gandang lalaki niyo," komento naman ni Matteo sa amin.

Tinawanan na lang namin siya. Hindi na niya dapat malaman ang mga tunay naming pagkatao. Mas maganda na siguro iyon.

Ilang sandali lang ay narating namin ang isang kwarto. Si Caela na ang nagbukas ng pinto. Tumambad sa amin ang dalawang babae na nakahiga. Ang isa ay si Michelle. Pareho silang nakapikit. Marami namang aparatong nakakonekta sa katawan ni Eight.

Napailing ako. Nagsimula ng manubig ang aking mga mata. Nakakaawa ang kanyang kalagayan. Sobrang payat na nito. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pang manatili sa labas. Huwag lang masilayan ang kalagayan niya.

Inakay namin papalapit kay Michelle ang kanyang tatay. Rumaragasa ang luha sa mga mata ni Matteo. Niyakap niya ang kanyang anak at humagugol. Napatalikod ako sa eksenang iyon.

Umalingawngaw ang putok ng baril.

Sa aking pagtalikod bigla na lamang humarang sa aking harapan si Caela. Gulat na gulat ko siyang hinawakan. Pagtingin ko sa kanyang mukha isang ngiti ang nakapaskil. Tiningnan ko ang kanyang katawan. Mayroong dugong umaagos sa kanyang dibdib. Naninigas ako sa aking kinatatayuan. Para akong binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig.

Umalingawngaw muli ang isang putok. Mas lalo akong nanlumo sa aking nakita. Nakahandusay na sa sahig si Bunso. Pagkakita niya sa umaagos na dugo sa kanyang balikat ay nawalan ito ng malay.

Mabilis kong hinagilap ang presensya ni Matteo. Kumunot ang noo ko. Bakit naglaho ito? Gulong-gulo na ako. Hindi ko alam ang aking gagawin.

Nanginginig man ang aking mga tuhod ay naglakas-loob akong tahakin ang pinto. Bakit hindi ko nakita kung sino ang bumaril?

Sa aking paglabas may napansin akong isang bagay sa sahig. Nagtataka akong sinuri ito. Bakit mayroong ganito? Saan ito nanggaling? Umihip ang malakas na hangin at tinangay ang bagay na iyon.

#AríyaWhere stories live. Discover now