Chapter 08

1.2K 173 15
                                    

08 | Basement


“ANZA, COME HERE. I want to show you something.”

Mula sa nilalaro kong stuff toy, napaangat ako ng tingin kay Lola na nakaupo sa pang-isahang sofa na nasa tapat ko. When our eyes met, she smiled at me instantly.

I blinked twice. “Ano naman 'yon, Lola?”

She chuckled before pushing her already frail body up. “Sumama ka sa akin.”

Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang nagsimula siyang lumakad nang mabagal. She's already 97 years old. Despite her age, she can still stand properly but she couldn't walk faster than how she walks right now, though.

Binitawan ko na lang ang hawak kong laruan at saka mabilis na tumayo at tumakbo papalapit sa kaniya para sumama.

Every weekends, binibisita namin si Lola rito sa bahay niya sa village ng Grendan na ginawa for senior citizens. In here, they are taken care of every day. Mandatory na pinapatira ang mga senior citizens dito once umabot na silang 60 years old. So yeah, Lola's here for over two decades.

I tilted my head in confusion when I saw her open the door towards her backyard. Nang nabuksan niya na at bumungad sa amin ang sinag ng araw, bahagya akong napapikit para hindi masilaw.

Just like outside this village, bukod sa mga bahay na pare-pareho ang design ay wala ka nang makikitang iba. Siguro iyong mga bench at lamp post lang pala.

Nagpatuloy ako sa pagsunod kay Lola nang lumakad siya palabas. I just followed her until she stopped in front of a wooden box na kung yayakapin ko, hindi mag-aabot ang mga kamay ko.

Nandito ang gusto kong ipakita sa 'yo, Anza.”

Napaangat ako ng tingin kay Lola. Napaangat ang isang kilay ko. “This... old box? Ito ang gusto mong ipakita sa 'kin?”

Mahina siyang natawa. “Iyong nasa loob niyan ang tinutukoy ko.”

Bahagyang napaawang ang mga labi ko. Bumaba kaagad ang paningin ko sa box. It's so old and it has some dust or black sands in it making it look dirty.

“Can you pick up the box for me, Anza?”

Hindi ako nagsalita at kaagad na yumuko para buhatin ang box. Nailobo ko ang mga pisngi ko nang maramdaman ko kung gaano kabigat ang box para sa bata kong katawan. Narinig kong tumawa si Lola at napanguso na lang ako.

“I'm sorry, sweetie, pero hindi kasi ako makayuko para buhatin 'yan at mas lalong hindi ko 'yan mabubuhat.” She gave me an apologetic smile before placing her one hand on top of my head. “Now, place that box here in this table.”

Tinuro niya ang table na ilang hakbang ang layo sa amin. Tumango ako bago lumakad papunta ro'n. I inhaled deeply before placing the box on top of the table and let go of it with a loud exhale.

Beyond the Boundary | ✓ Where stories live. Discover now