Chapter 02

2.2K 182 15
                                    

02 | Door

“ANO ITONG nabalitaan ko kay Caes na nakatulog ka na naman daw sa klase?”

Nahinto ako sa pagnguya nang marinig ang sinabi ni Mama. Napasimangot ako. Sumbungera talaga ang isang 'yon.

Nakatalikod sa akin si Mama habang hinuhugasan ang mga plato. Si Maria, ang humanoid na maid namin, ang nagpupunas sa mga plato at naglalagay no'n sa lalagyan. Maria gave me a glance and smiled before she continued with her work.

Kung tao lang itong si Maria, siguro dalawampung taon ang tanda niya sa akin. She doesn't get old. She looked exactly the same as she was when I first saw her when I was six years old.

“Ano na naman ang pinagpuyatan mo kagabi? May d-in-issect ka na naman bang palaka para tingnan kung robot sila o totoo?” pagpatuloy ni Mama.

Napabuntunghininga ako. Nilapag ko ang kubyertos sa tabi ng plato bago ako tumayo.

“Bye, Ma. Mag-aaral pa ako para sa quiz namin bukas.” Lumakad na ako paakyat ng hagdan.

“Good luck sa quiz mo, Anzie!” pahabol ni Maria at napangiti na lang ako. I liked that nickname she made for me. Siya lang ang tumatawag no'n sa 'kin.

Pagkapasok ko sa aking kwarto, kaagad akong lumapit sa kama at hinugot mula sa ilalim no'n ang napakakapal na libro na ibinigay sa akin ni Lola Amelia noong ika-11th birthday ko. She said I needed to take care of this book since it would come in handy in the future. I didn't know what she meant by that, though.

Nag-indian sit ako sa kama at binuklat ang libro papunta sa pinaka-paborito kong pahina, ang pahina kung saan dinedescribe ang hitsura ng lupa ng mundo.

“Ang mga puno ang nagbibigay ng hangin sa mga tao. Ina-absorb nito ang carbon dioxide at naglalabas ng oxygen na tumulong para sa paghinga at sa buhay ng tao...” I whispered while pointing at the sentence I was reading.

Napaawang ang mga labi ko sa mangha. Trees serves as the machinery that gives oxygen to living things? There's no tree here in Grendan, or in any city in the Grand Ships. Ang nagbibigay sa amin ng oxygen ay ang napakalaking machine na nasa  likod ng barko, tanging mga authorized personnel lang ang pwede ro'n.

I flipped to the next page. Napatigil ako at hinaplos ang pahina nang makita ang colorized na flower field. Napakaganda ng flower field at sobrang lawak.

I flipped to the next page again. This time, it was a picture of a dog. Beside it was informations about that dog and its breed. I haven't seen a dog nor a cat here in Grendan. Siguro sa Grand Ship 1 or 2 meron. Only those elites and the government lived there.

I sighed. Maganda naman ang buhay sa lupa base sa nakikita ko rito sa libro. So bakit kailangan naming tumira sa mga barkong ito sa napakahabang panahon? Kapag tinatanong ko naman ang mga teachers namin sa school tungkol dito, kung hindi nila ako itataboy ay sasabihin naman nilang wala ako sa posisyon para alamin 'yon.

Napaigtad ako nang makarinig ako ng katok sa pinto. Nang marinig ko ang boses ni Maria, nagmamadaling tinago ko ang libro sa ilalim ng kama ko.

“Pasok!” sabi ko bago umayos sa pagkakaupo.

Bumukas ang pinto at pumasok ang nakangiting si Maria. May bitbit siyang baso ng gatas. She walked towards me and sat at the edge of the bed. She handed me the glass of milk.

Beyond the Boundary | ✓ Where stories live. Discover now