Chapter 26

806 128 16
                                    

26 | Escape

THIS WASN'T WHAT I expected. I had so many regrets in life, and this is one of them.

I kept pressing my hand on my stomach whenever it clenches at the sight of the primo eating a human. Ni isang beses sa buhay ko hindi ko ginustong makakakita ng cannibalism, at sa harap ko pa!

“Whoever breaks the agreement shall face the agreed punishment...”

Napabaling ako kay Kana na mukhang nahihirapan na rin. I could see in her eyes that she doesn't like the situation she's in. I could see her eyelids and lips tremble in fear.

Pinagmasdan ko ang primo na lumakad papalapit kay Kana ulit. He held her shoulder. It looked like he was gently caressing her small shoulder, but you could see his fingers dipping when he gripped them, making Kana bit her lips and clench her hands secretly.

May tinawag ang primo at saglit itong nagsalita. Makalipas ang isang minuto, nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin at halatang nagmamadali ang mga ito.

“What the heck?! Fucking let me go! You're disgusting!”

Napalingon kaagad ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Sakto ring nag-angat siya ng tingin kaya nagtagpo ang mga mata namin at namilog ang mga mata niya.

“Anza—” Hindi niya na natapos ang pagsasalita. He groaned when the guy holding his chains pushed him to kneel on the floor beside me. Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Anza! Where are the others?”

“Hindi ko rin alam!” sagot ko sa kaniya. “Hindi mo ba sila kasama?!”

Umiling siya. Mariin na lang akong napapikit.

May sinabi ulit ang primo dahilan para marahas na hawakan ng lalaking nagdala kay Reivohr dito ang chain na nakatali sa mga braso niya. He groaned whrn the guy gripped the chains tightly to make him stay in place.

“Sino ba ang mga 'to?!” bulong niya.

“I don't know either, but I think that big guy is their leader and that girl beside him... we can persuade her to help us.”

Napaigtad kaming pareho nang dumagundong ang boses ng primo kasabay ng isang malakas na hampas sa lamesa, dahilan para magsiliparan ang mga nakapatong doon.

“Vertabi gureya!”

Napakurap ako at bahagyang napaatras dahil pakiramdam ko nag-vibrate ang kaniyang boses sa buong katawan ko, dahilan para manginig nang kaunti dahil sa takot.

“Kuna behi pesto, humi legumi ferul,” sabi ng primo bago siya lumakad at kinaladlad pasabay sa kaniya si Kana.

Ano raw?!

Napasunod na lang ako ng tingin sa kanila. Nang tingnan ko si Kana, nag-iwas lang siya ng tingin.

“Pupugutan kayo,” mabilis na sabi ni Kana nang mapadaan sila sa gilid ko bago tuluyang nakaalis.

Namilog ang mga mata ko at napaawang ang mga labi. Bumilis ang tibok ng puso ko dahilan para bumagal ang paghinga ko.

Hindi ko pa naipoproseso nang maayos sa utak ko ang mga sinabi ni Kana nang may marahas na humawak sa mga braso ko at kinaladkad ako pasunod kina Kana, pati na si Reivohr.

“Anong sinabi no'ng bata sa 'yo?!” tanong ni Reivohr na nasa likuran ko lang.

I bit my lower lip. “Mamamatay na tayo.”

“Vertabi gure!” sigaw ng lalaking nakahawk kay Reivohr kaya natahimik na lang kami. I didn't know what he said, but I think he wanted us to shut up.

Beyond the Boundary | ✓ Where stories live. Discover now