Chapter 30

782 129 26
                                    

30 | Tell You

IT'S BEEN A WEEK but I heard nothing from any of my friends. Wala rin akong natatanggap na kahit isang message mula kay Caes, which is unusual because she'd always send me messages randomly on a daily basis. Naisip ko na baka kagaya ko rin sila na hindi na pinayagan umalis, or baka mas malala pa ro'n ang nangyari sa kanila.

Mama wanted me to go to college so she told me to review para kapag dadating na ang entrance exam, I'll be ready. Although malayo pa naman 'yon, ginawa ko na lang din dahil wala na akong ibang maisip na gagawin dahil hindi naman ako pwedeng lumabas.

I was inside my room one afternoon, reading the softcopy of a reviewer that Mama gave me in my phone, when a message popped out of nowhere. Nang tingnan ko kung kanino galing, kaagad akong napaayos ng upo sa kama.

“Come outside later at 8PM.” 'Yon ang nakasulat sa pinadalang message ni Zeig.

Napakurap naman ako. Zeig doesn't usually send messages unless it's necessary or if you talk to him first, kaya nakapagtataka and at the same time nakakagulat ang message niyang ito sa akin. I wonder why he wants me to go outside later?

“But I can't go out. I'm grounded,” I replied. In just ten seconds, I received his reply.

“Just sneak out secretly. You're an expert when it comes to that.”

Mahina akong natawa sa reply niya. Wala na akong ma-reply sa kaniya kaya ie-exit ko na sana ang message niya nang sinundan niya pa ang message niya.

“Just wanted to tell you something. You should really come or else...”

“Or else what?”

It took him almost two minutes to reply. I blinked when his message finally popped up.

“Nothing. Just come, okay.”

Hindi ko na siya ni-reply-an at bumalik na lang ako sa ginagawa ko bago pa siya nag-message. Pero pabalik-balik ako sa isang paragraph dahil hindi ako makapag-focus, iniisip ko kung ano ba ang gusto niyang sabihin at gusto niya pang suwayin ko ulit si Mama para lang marinig 'yon.

Nalipat ang atensyon ko sa pinto nang makarinig nang katok mula ro'n. Si Maria at ako lang naman ang nandito sa bahay, kaya inisip ko kaagad na siya 'yon.

“Bakit?”

“I asked your mom if she can let you come with me to the market today,” panimula ni Maria.

“Pumayag ba siya?”

“Yes.”

Mabilis kong isinara ang phone ko at pagtakbong bumaba ng kama. Nakalimutan ko nang suotin ang tsinelas ko. Sawa na ako rito sa loob ng bahay, 'buti naman at pinayagan ako ni Mama kahit mamalengke lang. Binuksan ko kaagad ang pinto at bumungad sa akin si Maria na nakangiti.

Sinabi niya sa akin na hindi ko na kailangang magbihis at magsuot na lang ng sapatos para sumama sa kaniya na ginawa ko naman agad.

I was smiling the whole time we were walking towards the market.

After ng halos isang oras na pamamalengke, pinuntahan naman namin ang shop na sinasabi ni Maria na pagbibilhan niya raw ng bagong tasa dahil may nabasag na isa kagabi. Tulog na siguro ako no'ng nangyari 'yon kasi hindi ko alam.

Maria was talking to the shop owner. Ako naman ay nilibot ang paningin sa paligid. Napako ang paningin ko sa dagat na kita pala sa bahaging ito ng shop.

I watched as the waves were slowly dancing, with the sun that serves as their spotlight.

Funny. Technology was supposed to be a tool to finding out the truth but in this place, it's a tool for keeping the truth instead.

Beyond the Boundary | ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon