Chapter 23

830 135 17
                                    

23 | Tell Me

TODAY WOULD BE our last day being quarantined here in the laboratory. Sawa na ako kakatingin sa mga humanoids at mga taong nagtatrabaho sa harapan namin, hindi ko naman naiintindihan ang mga ginagawa nila.

I wanted to ask Ave about what she said before she left when we first arrived here, but I haven't seen her after that. Gusto kong itanong sa kaniya kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang hindi lang siya.

“Do you think we can still go home?”

Napabaling ako ng tingin kay Caes na nakahiga sa katapat na kama. Nakatitig siya sa kisame. It looked like she was asking herself, but I chose to answer.

“Do you think we can still go home?” pabalik na tanong ko pero iba ang tono at gustong iparating.

Napabangon siya at sa akin naman napatitig. Humaba ang nguso niya at matalim akong tinitingnan. “This is all your fault!”

I chuckled. “We're all gonna die, anyway. At least let's die knowing what we want to know.”

Hindi siya nakasagot. Tinapunan niya ako ng isa pang matalim na tingin bago siya padabog na bumalik sa pagkakahiga.

Napabuga na lang ako ng hangin.

Reivohr was sleeping soundly on his bed. Habang si Zeig naman ay nakatayo sa tabi ng glass wall at taimtim na pinagmamasdan ang mga taong nagtatrabaho sa kabilang side ng glass wall. He looked like he was analyzing something.

I bit my lower lip before I went down from my bed. Marahan akong lumakad papunta kay Zeig at huminto ako sa tabi niya. Sinundan ko ang kaniyang paningin. He's looking at the large screen where the sonar was displayed.

“What are those red dots?” I asked.

“It can possibly be the volunteers that they sent,” sagot niya habang nakatitig pa rin do'n sa screen. “They might have installed a tracking device in those volunteers' bodies so they can track them.”

Marahan akong tumango nang maintindihan ko ang sinasabi niya. The red dots were moving rapidly, and then five of the red dots disappeared but it appeared again.

I was about to ask him something again when I heard the rapid but soft sound of the door sliding. Napabaling kaagad ako ng tingin sa direksyon ng pinto at nakita kong pumasok 'yong parehong babaeng naka-lab gown na nagdala sa amin dito.

“Good morning, kids!” she greeted with a smile. “Your time has finally come, huh.”

Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang lumakad siya papalapit kay Reivohr. “Rise and shine, 106570!” Tinapik niya nang malakas ang pwet ni Reivohr dahilan para mapaigtad at diretsong napabangon si Reivohr. The woman just chuckled.

“What the heck!” dinig kong bulong ni Caes na ngayon ay nakababa na rin ng kama.

The woman walked back to the door. Nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa likuran niya at ngumiti ulit siya sa amin. “Come with me.”

“Saan na naman tayo dadalhin?” tanong ni Reivohr nang nakalapit siya sa amin.

Hindi na namin siya nasagot. Sumunod na kaagad kami sa babae.

Beyond the Boundary | ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon