Chapter 07

1.3K 167 20
                                    

07 | Answer

"DO WE REALLY need to wear these?" maarteng tanong ni Reivohr habang marahang inaangat ang suot niyang brown na jacket.

Napairap na lang ako. "Of course, dummy! Kailangan natin ng disguise!" sabi ko naman habang inaayos ang pagkalagay ng kulay brown na wig sa ulo ko. "Remember, nagnakaw lang tayo ng permission slips mula sa daddy mo at pinepeke natin ang mga pangalan natin sa slips na 'yan. Ayaw mo naman sigurong itakwil ka ng daddy mo?"

Nang balingan ko siya ng tingin, kaagad siyang umiling bilang sagot. Tumango ako sa kaniya bago ako pumihit paharap sa kaniya. Humakbang ako papalapit sa kaniya at inabot ang suot niyang beanie.

Napakurap siya. "W-what are you doing?"

"Fixing your beanie," sagot ko. Nang naayos ko na, pinitik ko ang kaniyang noo. Napahawak kaagad siya sa kaniyang noo at saka tinapunan ako ng matalim na tingin. "Ayos na 'yan. Tara na."

Umikot ako at hinawi ang telang nakatabon sa dressing room. Pagkalabas namin ay sinalubong kaagad kami ng humanoid na saleslady. Yumuko siya sa amin sabay ngiti at pinapasalamatan kami dahil bumili kami sa store nila. Nag-welcome ako sa kaniya bago hinila si Reivohr.

Noong nasa labas na kami ng store, naramdaman kong nanginig at nanlamig ang mga kamay ni Reivohr kaya napaharap ako sa kaniya habang naglalakad pa rin.

"Bakit ka ba natatakot?" I asked with one brow arched. "Sa ating dalawa, ako nga dapat ang matakot dahil labag sa batas itong ginagawa natin, nadamay ka lang. At ang daddy mo ang Vice Mayor kaya sure akong makakalusot ka lang."

Napabuga siya ng hangin. He looked really scared. "Anza, you don't know my father."

I shrugged. "Not planning on further knowing who he is."

Huminto kami sa gilid ng daan para maghintay ng sasakyan na dadaan. Nang meron nga, kaagad ko iyong pinara. Sumakay na kaagad kami ni Reivohr at umupo kami sa hulihan ng bus kung saan walang masyadong tao. People were looking at us as if we were weird beings when we entered the bus. Well, wala na akong pakialam.

The bus started moving.

"So," bulong ni Reivohr sa akin. Nakatingin pa rin siya sa harapan. "Saan na tayo?"

I leaned a bit closer to his shoulder. "Syempre sa main office muna tayo para maipakita natin ang slips."

Nagsalubong ang mga kilay ko nang bigla siyang umigtad at umusog papalayo sa akin sabay harap at tingin sa akin na para bang nahihibang na ako.

"Are you serious? Sa main office?" he hissed. "Dad's there!"

Umikot ang eyeballs ko sa kakulangan ng kaalaman ni Reivohr. "Duh? Oo nga sa main office pero hindi tayo didiretso sa Mayor's Office, gagi! Sa may Waterworks tayo pupunta. Curious ako sa anong meron sa lugar kung saan nanggagaling ang tubig ng syudad."

Since that day, hindi na mawala sa utak ko ang nakita ko sa dulo ng bridge na 'yon. Mas lalo lang nadagdagan ang kagustuhan kong malaman ang lahat-lahat na nandoon. When you're hungry and you took a bite, you'll really get even hungrier. And I want to feed myself more.

Huminto ang bus sa tapat ng munisipyo. Kailangan ko pang hilain si Reivohr para makababa kami.

Nang lumakad na kami papasok sa munisipyo, may gaurd sa main door pero hindi siya nagd-doubt sa amin. Nginitian niya lang kami at binati ng magandang araw at ako lang ang bumati pabalik.

Lumiko ako sa pasilyo kung saan ang opisina ng namamahala sa Waterworks ng syudad. Ilang minuto lang, nasa tapat na kami ng sinabi kong opisina. Kumatok ako ng tatlong beses at ilang segundo lang, bumukas ang pinto.

Beyond the Boundary | ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon