Chapter 15

1.1K 144 11
                                    

15 | Arrested

“ANG AGA MO YATANG nagising ngayon, Anzie? Are you that excited?”

I struggled with tying my hair into a ponytail. Marahas akong napabuga ng hangin bago tiningnan si Maria sa salamin.

“Na-late ako last year. Hindi pwedeng ma-late ulit ako ngayon,” sagot ko. I continued tying my hair and finally, I did it perfectly.

Mahina siyang natawa. “Yeah. Zeigmund had to wake you up.” Sumandal siya sa pintuan sabay krus sa mga braso sa may dibdib. “Naalala ko pa 'yong hitsura niya noong pababa siya galing dito sa kwarto mo no'n. Why was he blushing that time? Did you do something?”

Natigilan ako at namilog ang mga mata. Nakalimutan ko na, eh! Bakit naman pinaalala? I turned around and glared at her. Tumawa naman siya.

“Okay, okay. Fine. I won't ask,” aniya sabay umayos sa pagtayo. “Ihahanda ko na lang ang agahan mo.”

Ngumuso ako. “Go! Alis na!”

She chuckled again before completely leaving my room. Nang nawala na siya, napabuga naman ako ng hangin. Tumayo ako at hinablot na ang sling bag ko kung saan ko nilagay ang phone ko at ang iba pang dadahlhin.

Finally, it's November 10th. It's my 18th birthday today. Ang tanging hiling ko lang para sa kaarawan kong ito ay sana magkaroon na ako ng sagot sa lahat ng gusto kong malaman.

Mama insisted na manatili na lang daw ako rito sa bahay at mag-celebrate kasama ang mga kaibigan ko dahil legal na adult na ako. Mabuti na lang at napilit ko siyang aalis ako ngayong araw.

Humakbang na ako palabas ng kwarto ko. Saktong pababa na ako ng hagdan ay narinig ko ang marahang beep ng phone ko. Habang naglalakad pa rin ay nilabas ko ang phone ko. Nang buksan ko, rumehistro kaagad ang citizen number at profile ni Caesonia. I answered her call.

“Nasaan na kayo?” I asked. Dumiretso muna ako sa dining para kumuha ng sandwich para may laman ang tiyan ko.

Pagkarating ko sa kusina, I quickly grabbed the sandwich na kakalapag lang ni Maria sa ibabaw ng iba pang sandwich na natapos niyang gawin.

“Papunta na kami r'yan sa inyo pero dadaanan muna namin si Zeig,” sagot niya. I guess she's inside Reivohr's car.

I was about to take a bite but I halted when I heard Zeig's name. “Sasama siya?”

Caesonia rolled her eyeballs. “Duh, of course! Sasama 'yon kung sasama ka.”

Tinuloy ko na ang pagkagat ko sa sandwich. Hindi ko na narinig ang sumunod na sinabi ni Caesonia dahil pinadadagan ko ng mayonnaise at bacon kay Maria ang sandwich ko.

“Hintayin ko na lang kayo rito,” sabi ko na lang habang ngumunguya. “I'll end the call now. See you later!”

Kaagad kong tinapos ang tawag at nagpatuloy na ako sa pagkain ng sandwich habang nakatayo pa rin.

“Aalis ka na?”

Habang ngumunguya ay napalingon ako kay Mama nang marinig ang boses niya. She's walking down the stairs while fixing her gray coat.

I nodded. “Yeah. Dadating na sina Caes mamaya.”

“Okay.” Pagkapasok niya sa dining, tumabi siya sa akin at kumuha ng sandwich at saka kinagat. “I'll also leave now. May gagawin pa ako.”

“Okay. Bye,” sabi ko na lang dahil busy pa ako sa pagkain ko.

Lately, Mom got a job at z nearby company. She's a mechanical engineer there. Ang sabi niya ay kailangan niya ng distraction from her thoughts kaya naisipan niyang magtrabaho ulit.

Beyond the Boundary | ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon