Chapter 2~a love letter~

241 83 36
                                    


Two years before he left.

Second year high school ako.
Kung nakakatunaw lang ang tingin naglaho na sana ang wall clock na nakasabit sa bandang side ng room namin at napansin din pala ni Jhyll na siyang katabi ko sa upuan sunod siya sa akin galing sa bintana, ako ang nasa dulo sa row ng upuan namin next to her is Meagan at ang dalawa pa naming friendship sina Lance at Abby.

"Hoy Aurry Keith, nahihilo na ang gilid ng mata ko. Kanina ka pa tingin ng tingin sa orasan." Mahinang sabi sa akin ng mataray na si Najella/Jhyll. But I choose to stay silent. Hindi nila alam na may nagpapakilig sa akin. At siya nga ang dahilan kung bakit nakadikit sa orasan ang mata ko.

Today is friday, half lang ang klase namin. Tinawagan ako ni Aeolus na magkikita kami sa treehouse na lagi naming pinupuntahan kaya excited ako at hindi na ako mapakali. He is my friend since grade school at magkaiba na ang school namin ngayong highschool pero lagi pa rin kami nagkikita at nagkukuwentuhan kung ano-anu. This day, he told me na kailangan naming magkita dahil may importante daw siyang sasabihin at curious naman ako kung ano yun.

"Look! You're smiling like an idiot." Pukaw sa akin ni Jhyll. Hindi ko pala siya pinansin kanina.

"Share naman diyan. Anong dahilan ng pagngiti mo ha? Aurry Keith?." Pangungulit pa ni Jhyll. Buti na lang nagpapakopya lang ang Teacher namin sa Social Studies kaya wala siya. Ang secretary ng chalkboard ang nagsusulat na naman. At sana huwag siya marinig nang tatlo ko pang kaibigan dahil hindi na naman nila ako titigilan.

11:30 A.m.

At last uwian na. "Guys! Una na ako sainyo ha.. kailangan ko kase umuwi ng maaga eh." Pagsisinungaling ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang pag-sang-ayon nila at lakad-takbo ako hanggang makalabas ng campus, sakay agad ng trysikel papunta sa lugar kung saan magkikita kami ni Aeolus. At maglalakad na lang kami papunta sa tree house nila. Minutes passed nasa di-kalayuan niya na ako at nakangiting itinaas niya ang isang kamay na may dala-dalang lunch namin. Kasabay naman ng paglapit ko sa kanya ang pagsara ng pintuan ng isang itim na Hi-ace at humarurot paalis. Gusto ko sana makita kung sino ang sakay noon pero huwag na lang. Baka magulang niya iyon, nakakakaba kapag ganoong sitwasyon. Hindi pa ako handa.

"Nagpahatid ka dito? Yaman ah." Sabay sinundan ko pa ng tingin ang papaalis na Hi-ace. Pero hindi siya umimik.

"You're late again Aurry." Blanko ang expression ng mukha niya pero alam kung hindi naman siya magagalit sa akin dahil kahit isang oras pa ako ma-late sa usapan namin ay ayos lang sa kanya.

"Eh ang tagal kase mapuno nung trike kaya natagalan ako." Paliwanag ko pa rin.

"No need to explain. Ayos lang basta ikaw. Tara na?! Gutom na ako eh." At naglakad na kami papasok sa bandang dulo na may mangilan-ngilang punong kahoy at sumuot sa nakaawang na bakod papunta sa  hacienda nila.

"Hindi ka pa kumakain?."

"Hindi pa. Sasabayan kita sa lunch para masaya." Isip batang sagot niya. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tree house. Nagkwentuhan, nagharutan at nag-asaran at  halos kalahating oras ang ginugol namin para kumain ng lunch. Ilang beses na kami nagbaon ng foods sa treehouse na iyon.

"Hoy Aeolus kanina ka pa tahimik diyan?." Napapansin ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin at ngiti lang ang sagot niya sa mga tanong ko kung bakit siya tahimik pagkatapos ng lunch namin. Maya-maya pa ay tumayo siya at nakita ko ang maliit na sobreng kulay pula na nahulog mula sa bulsa ng maong shorts niya na lagpas tuhod. At dali-dali kong kinuha dahil hindi niya napansin. Bumaba ako sa treehouse para tingnan kung ano yun, nagtaka naman siya kung bakit ako bumaba, tinanaw niya ako at iwinagayway ko ang nasa kamay ko nakita ko na may kinakapa siya sa bulsa niya then he realized na nasa akin ang hinahanap niya.

My Lost Romance CS2 ( Self-Published Under F&L MediaHub)Where stories live. Discover now