Chapter 19 ~hallucinating ~

83 60 10
                                    



On the last part of his song I find myself staring at him. I can't fight my feelings to ignore him. At kinabahan ako ng nakatitig rin siya sa akin while singing;

🎵Will our stars ever align?
Will two hearts beat in time?
These words you should always remember
To you, my heart I surrender
Chasing love that can never be mine
Maybe one day you'll realize
These words you should always remember
To you, my heart I surrender
My heart I surrender🎵

Umiiwas ako ng tingin pero bumalik pa rin ang mga titig ko sa kanya na para bang elastic band lang. Malungkot ang mga mata niya na parang humihingi ng tulong, I don't know what is it or baka nag hahallucinate lang ako. Tapos na siyang kumanta at pababa na sa stage. He's is walking slowly towards me. Pero nang malapit na siya ibang mukha ang nakita kong nakangiti sa akin.

"Hinahanap kita, baby! I'm glad you're here.!." Si Jarron kumakaway palapit sa akin. At nakita ko na lang na tumayo na ang babae sa kabilang couch at lumabas kasama ni Aeolus. Nakasunod na rin sina Damian at Fitz.

"Oh hi?!." Sabi ko kay Jarron na malawak ang ngiti na umupo sa tabi ko.

"Hindi ko akalain na lumalabas din pala kayo ng gabi. It's a coincidence dahil dito rin kami naglalagi ng mga tropa ko." Binati niya pa sila Melfeulle, Rumi at Kim na tahimik lang na nagmamasid sa akin. Okay na sana eh. Panira naman ang isang ito. Kung umasta baby niya talaga ko. I'm sure narinig iyon ni Aeolus kanina.

"Want some drinks? Sagot ko na." Offer niya.

"Talaga?! Sige ba?! It's our pleasure na pagbigyan ang offer mo." Nakakalokang sabi ni Melfeulle. At pumunta si Jarron sa counter. Pagbalik niya ay may dala siyang apat na wine glass. Isa-isa niyang binigay sa aming apat.

"Tequila for the girls!. Cheers! Ladies!."

"Wow naman! Social mo Jarron.!." Palatak ni Melfeulle na mukhang may amats na. Kahit si Kim ay susuray-suray na at si Rumi naman namumula na ang mukha.

Tumabi lang sa akin si Jarron at nagkukwento kung ano-anu na hindi ko maintindihan. Sinipat ko ang relo ko pero hindi ko na rin maaninag ang oras dahil umiikot na ang paningin ko. Huling lagok ko ng Tequila ng magsalita si Jarron.

"Another round, ladies?." Offer niya ulit.. abah balak niya ba kaming lasingin?.

"Yes sure!." Sigaw ni Melfeulle.

"No. Hindi na. Uuwi na kami. It's almost morning na, may gagawin pa kami bukas." Tanggi ko.

"One more pa!." Sigaw ulit ni Melfeulle. Lasing na ang babaeng ito. Likot-likot kasi. Hindi pa naman ako lasing pero umiikot na ang paningin ko kaya kailangan na naming umuwi baka saan kami pulutin.

"Rumi Let's go. Si Melfeulle baka makatulog na yan! Bigat pa naman ang bruhang yan."

"Saan kayo sasakay Keith?." Si Jarron na nakaupo pa rin habang nagsitayuan na kami.

"Tawag na lang kami ng Taxi malapit lang naman ang uuwian namin eh." Sagot ko.

"Tara na! Hatid ko na kayo may sasakyan akong dala."

"Talaga?? Yaman mo Jarron ah." Kahit nakayuko na si Melfeulle habang akay ko nagsasalita pa rin.

"It's not mine Mel, sa Dad ko yun." Pahumble ang lalaki.

"Wait lang hah. Papaalam lang ako sa mga kaibigan ko, baka hanapin ako." Tumalikod na si Jarron at siniko naman ako ni Rumi na akbay si Kim.

"Mabait naman pala ang mokong na iyon Keith." Bulong ni Rumi.

My Lost Romance CS2 ( Self-Published Under F&L MediaHub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon