40%

22 0 0
                                    

Itigil ko na daw 'yun pagpapanggap namin sabi ni Jane baka daw kasi mahulog sa 'kin 'tong si Summer, pero sa kinikilos niya ngayon, imposibleng mangyari 'yun. Katulad ng sabi ko, iba siya sa mga babaeng nakilala ko, hindi siya 'clingy', 'touchy' saka 'whiny', kasi kung ganoon siya sana noong nadapa siya lumapit siya sa 'kin at nagmaktol na kaso hindi, tumayo lang siya ulit saka nilagyan ng band aid 'yun sugat niya't nagpatuloy sa paglalakad.

At saka kapag magkasama kaming dalawa hindi siya lumilingkis sa 'kin katulad ng mga 'chx' ng barkada ko depende na lang kapag nakita namin 'yun ex niya sa daan, kasi sa harap nga ng ex niya dapat sweet kami, pero kapag nakatalikod na, ibang usapan na parang tropa ko na lang siya.

Kung hindi lang siguro siya nakabistida o palda lagi mapagkakamalan mo 'tong tomboy sa sobrang independent niya sa ibang mga bagay, kagaya din ngayon. Bitbit niya lahat ng gamit niya para sa 'photoshoot' na gagawin namin at ako ang model niya. Inalok ko siya na tulungan kaso ayaw niya kaya naupo na lang ako sa isang tabi at hinihintay siya matapos sa pag-set up.

Habang tinitignan ko siya pabalik-balik sa loob ng studio niya daw, hindi ko maiwasan na hindi mapansin na parang may iba sa kanya, sa halos araw-araw namin pagkikita sa school, madali ng mapansin kung may iba sa taong 'to na hindi ko napapansin dati. Maganda siya, as in maganda na parang manika dahil din sa bilugan niyang mata't mahabang buhok na may bangs na parang kay Dora.

Hindi ko nga alam bakit sa ganda niyang 'yan hindi siya napakilala sa 'kin nila Aris. E di sana hindi nangyari 'tong pagpapanggap na 'to. Sana napakitaan ko siya ng kagaspangan ng ugali ko at mainis siya sa 'kin. Kaso sa palagay ko, hindi ko din magagawa sa kanya 'yun mga ganoon kung nakilala ko man siya dati. Mabait kasi siya, may sense kausap, sa madaling salita kabaliktaran siya lahat ng babaeng kilala nila Aris. Nasa kanya na lahat ng gugustuhin ng lalaki sa isang babae, kaya nga hindi ko din maintindihan sa kanya kung bakit apektado pa din siya sa ex niya, kung hindi ako nagkakamali siya din naman ang nakipaghiwalay.

Nakokonsensya ba siya? May ginawa ba na kagaguhan 'yun ex niya para maapektuhan siya ng ganito? Sa palagay ko, wala, sa itsura noong lalaki, mukha naman siyang malusog at walang pinagdaanan na stress kasi kung meron man sana kamukha ko na siya ngayon kaso hindi. At saka may ibang gusto na 'yun ex niya ngayon, ayon sa balita ni Marco sa akin, kaya nga hindi ko makuha kung bakit kailangan niya pa ako sa pagpapanggap niya, kung wala na naman ng pakialam sa kanya 'yun taong niloloko namin.

Teka. baka nahuhulog na nga siya sa 'kin kaya patuloy pa din 'yun pagpapanggap namin? Ibig sabihin totoo sinasabi ni Jane? Ganoon ba ako katanga para hindi maramdaman 'yun? pero hindi ba imposible 'yun na mangyari kaya bakit nangyayari ngayon?

Kanina ay kumbinsido ako na malayong mangyari 'yun pero bakit ngayon nagiba na pananaw ko sa kanya kaya tinignan ko siya habang nakaupo siya doon sa harap ng computer. Epekto kaya ng mga napapansin ko sa kanya 'yun mga pagdududa ko?

Kung malalaman ko ba kung ano 'yun bago sa kanya ngayon mawawala na din 'to? Sana. Pero mukhang hindi kasi habang tinititigan ko siya may mga bagay na pumapasok sa isipan ko, mga bagay na hindi ko dapat iniisip, mga bagay na mas lalong nagpapagulo nh usapan, mga bagay na nagsisira ng magandang ugnayan namin, mga bagay na sa hinagap hindi ko ninais na maiisip ko.

"Chekil, halika dito papakita ko sayo 'yun gagawin ko sayo"

Imbes na lumapit ako sa kanya, umuwi ako. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng takot sa babae. Natakot akong lapitan siya. Natakot akong masaktan siya. Natakot ako sa mga naiisip ko. Natakot ako na magkatotoo 'yun sinabi ni Jane. Natakot ako na baka dahil sa kanya, makalimutan ko si Jia. At natatakot ako na mangyari 'yun kasi hindi tama, hindi dapat kasi nagmamagandang loob lang ako sa kanya, 'yun lang iyon at wala na dapat pa na iba.

Tangina. Dapat talaga itigil ko na 'yun pagpapanggap namin, ngayon din, hindi ko na yata kaya na tumagal pa 'yun lalo na't ganito na 'yun mga naiisip ko sa kanya.

Bakit ba kasi nagawa ko pa s'yan titigan? Bakit kasi imbes na maliwanagan ako lalo akong nagduda noong mahanap ko 'yun dapat magiging solusyon ko? Bakit ba kasi kakaiba siya sa lahat? Bakit ba kasi nagmagamdang loob pa ko sa kanya? Bakit ba kasi natuto pa siya na makipag-deal sa 'kin?.

Ang daming bakit, pero isa lang talaga ang tamang sagot, kung 'di ang tapusin na ang pagpapanggap namin, kaya kinuha ko 'yun cellphone ko at tinawagan siya.

Tinanong niya ko kung anong nangyari sa 'kin, syempre nagdahilan na lang ako pero hindi siya naniwala at pinababalik niya ako doon sa studio niya. Hindi ako pumayag at sinabi ko na din 'yun talagang pakay ko, kaya ko siya tinawagan. Hindi siya nakasagot agad at purong katahimikan lang ang naririnig ko sa kabilang linya, bigla na lang din naputol 'yun tawag na 'yun at noong tinatawagan ko siya ulit, hindi ko na siya makontak.

Nagpatiwakal kaya siya? Kapag ginawa niya 'yun ibig sabihin gusto nga niya ako. Pero bakit ba iniisip ko na naman siya? Nakokonsensya na naman ako. Tangina. Nakakasira ng karakter 'tong babae na 'to. Kaya naman kahit labag sa loob ko, bumalik ako sa studio niya.

Pagkabukas ko ng pinto, hindi ako makapaniwala sa mga ginawa ko. Nagalala at nakonsensya lang naman ako sa taong pinagtitripan lang pala ako. Alam niya na kapag ginawa niya 'yun babalikan ko siya. Kaya kung makaupo siya sa tapat ng pintuan, animo'y nagaabang na aso at kung makangiti sa 'kin, wagas. Alam niyang nagtagumpay siya sa plano niya.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa katabi niyang upuan. Tinatawan niya ako na may kasamang hampas sa balikat. Habang katabi ko siya, napapaisip na naman ako. Kung gusto nga talaga niya ako, sana noon pa man nagpakita na siya ng motibo. Kung gusto nga talaga niya ako, sana nagbago na siya ng pakikitungo sa 'kin, kaso hindi, ganoon pa din siya. Ganoon pa din siya kung paano kami sa likod ng ex niya, Tropa.

Siguro lahat noong mga naiisip ko kanina, hindi totoo 'yun. Baka nasobrahan lang ako sa pagiisip kaya nagiba 'yun pagkakaintindi ko sa kanya. Baka may iba din siyang dahilan kung bakit nagpapanggap pa din kami ngayon. Baka hindi niya alam na may iba ng gusto 'yun ex niya.

Baka nasa 'aftershock' stage na 'yun pagpapanggap namin at malapit ng matapos, panget nga naman kung bigla na lang namin tapusin dahil sa nalaman niyang wala na siyang chance, o baka naman kagaya ko siya, 'hopeful' pa din kaya patuloy lang sa pagasa, sa pagiging tanga.

"Sorry"

"Alam mo Chekil, puro ka sorry. Okay lang sa 'kin. Aayusan na din kita para matapos na 'yun photoshoot natin pati na din 'yun pagpapanggap natin."

Hindi na ako nakapagsalita noon sinabi niya na matatapos na ang pagpapanggap namin ngayong araw. Binigay niya kung anong gusto ko, pero kahit na gusto ko 'yun bakit hindi ko kayang magsaya. bakit puno na naman ng katanungan 'yun pagiisip ko? Nababaliw na naman ba ako?

Natapos ang shoot ng matiwasay, ilan beses niya lang naman ako binato ng magazine kasi lumilipad utak ko kakaisip sa mga bakit, kaya kinakausap niya ako para maiwasan na 'yun pagtakbo ng utak ko. Naikwento niya 'yun tungkol sa ex niya, alam na pala niya na may iba ng gusto 'yun ex niya at balak niya 'yon kausapin, bukas. Magle-let go na daw siya para sa ikakasaya nun ex niya. Alam niya na siya din naman ang may kasalanan ng lahat kaya tatapusin na niya 'yun drama sa buhay niya. Hindi na kasi tama. Hindi na din 'healthy' para sa kanya. Marami na din nadadamay. Kaya tatapusin na niya lahat bago pa mahuli ang lahat.

Natapos na ang shoot, tapos na din 'yun pagpapanggap namin. Nagpasalamat siya sa 'kin bago kami maghiwalay. Nagpaalam siya na akala mo'y hindi na kami magkikita pa sa eskwelahan, na parang wala kaming parehong klase. Nagpaalam siya at umalis na, iyon din ang huling beses na nakita ko siya.

Bumalik sa dati 'yun buhay ko, tahimik na ulit, wala ng mga tsismoso at tsismosa, wala na din nagkakantyawan, wala na din si Summer. Hindi ko siya nakikita sa mga pareho namin na klase. Hindi ko din naman tinatanong sa iba kung bakit at kung nasaan siya. Hindi ko na din siya tinatawagan. Hindi na din ako nabigla na ganito ang mangyayari, inaasahan ko naman na hindi kami magiging magkaibigan. Mas mabuti na 'yun kaysa maulit 'yun nangyari noong sa photoshoot. Ayoko na ulit maisip 'yun mga bagay na 'yun. Ayoko ng magpatintero 'yun pagiisip ko sa positibo at mga negatibong kaisipan. At mas ayaw ko ng maisip na kaya ko ng kalimutan si Jia dahil sa kanya.

Pursuing HappinessWhere stories live. Discover now