33%

12 0 0
                                    

Kung ano man ang nangyari noong gabing 'yun, binaon ko na sa limot. Kung saan man kami humantong, kinalimutan ko na din. Ganoon naman talaga, 'what happened in vegas, stays in vegas' ika nga sa palabas na hangover, tutal may hangover din naman ako, baka nga dinoroga pa ako noon babae na 'yun. Medyo malala kasi 'yun mga 'hallucination' ko. Masyadong makatotohanan. Muntik na nga akong mapaniwala na siya talaga 'yun kasama ko doon at hindi ibang tao. Pati kasi sa pagbangit niya ng pangalan ko parehong pareho sila. Uso na din ba 'yun sa mga ganoon lugar, lalasingin ka, babangagin ka para maisip mo 'yun taong mahal mo, para hindi ka makonsensya kung saan at ano man ang maabot niyo. Pero bakit habang iniisip ko 'to, parang napagtatanto ko na mali 'yun ginawa ko at nakokonsensya ako. Pamilyadong tao si Jia. May anak at may asawang utak ibon. Tapos may ganoon kaganapan na nangyari, Teka. kung tutuusin hindi ko pala dapat 'to isipin, Una, wala naman kasing mali doon kasi hindi naman talaga siya 'yun. Pangalawa, Hallucination ko lang 'yun. Pangatlo, Wala din naman kasing nangyari sa 'min 'foreplay' lang.

"Excuse me."

Gumilid ako para makadaan siya, kaso imbes na 'yun ang gawin niya, lumapit ulit siya sa 'kin. Hindi ako umiimik at tinitigan ko lang siya, para kasing nakita ko na siya, hindi ko lang maalala kung saan. Ah! baka isa siya sa mga napakilala nila, sa 'kin. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad, mahuhuli na din kasi ako sa klase ko kaso bago pa ako makahakbang palayo, hinila niya 'yun bag ko, muntik na kong bumaliktad sa ginawa niya. Kaya napatingin ako sa kanya, lamunin ko kaya siya ng buhay, ang aga aga niyang mangbuwisit, wala pa naman ako sa mood makipaggaguhan ngayon. Kaso imbes na matakot siya, hinila niya ako papasok. Mali, hinatak pala este kinaladkad. Hinihigit ko 'yun kamay ko paalis sa kanya kaso may lahing pusit yata 'to, mahigpit 'yun kapit niya, tapos ang bilis niya pa maglakad daig pa ostich. Palinga-linga din siya habang kinakaladkad niya ako, may pinagkakautangan ba siya kaya ganito kinikilos niya? Sana man lang nagabiso man lang siya sa 'kin para kung meron man lalapit sa 'min ngayon na maninigil, maibabato ko siya agad doon bago pa man niya ipasa sa 'kin 'yun utang niya. At saka bago niya din sana ako kinakaladkad ng ganito, nagpakilala man lang siya sana sa 'kin di ba?, Hindi naman ganoon halaga 'yun pangalan niya sa 'kin makakalimutan ko din naman 'yun pagnagtagal. Ang akin lang respeto lang sana bilang tao.

"Wow. Napaka-unusual na tandemn. Magkakilala pala kayo"

"Kilala? Sa totoo lang hindi. Sadyang makapal lang mukha niya at kinaladkad niya ako simula gate hanggang dito."

Binitawan din ako sa wakas noon pusit na ostrich na 'yun at saka umalis, wala man ang 'Thank you' o kaya 'Sorry'. Ang bait talaga niya. Sobra. Nakakatuwa siya. Ang sarap niya ibaon sa lupa.

Pagkaalis noon babae, kung anu-ano na sinabi ni Kei tungkol doon sa babae na 'yun. Pagpasensyahan ko na daw kasi may pinagtataguan daw 'yun dito sa school, 'yun EX niya na halos kasabayan ko lang daw lumipat dito. At kung anu-ano pa, hindi ko na lang inintindi, hindi ko din naman ikayayaman 'yun. Saka bagay lang sa kanya 'yin, lalo na't siya pala 'yun nakipaghiwalay doon sa lalaki. Karma na niya 'yun. Si Jia kaya, makakarma din dahil sa ginawa niya sa 'kin? Ano naman kaya 'yun karma niya? 'yun anak niya? kung karma man 'yun baka 'good karma' lalo na't maganda 'yun anak niya, kamukha niya. Paano ko nalaman na kamukha niya? Nakita ko sa 'facebook' noong binisita ko 'yun wall niya. Nakalagay kasi doon 'yun mga litrato nila noong binyag na pinalagpas ko dahil kay utak ibon. Teka. Mukhang alam ko na kung anong karma ni Jia, malamang 'yun asawa niya, panghabang-buhay niyang pakikisamahan 'yun gago na 'yun. Tangina. Bakit imbes na matuwa ako dahil siya 'yun karma niya, bakit parang mas naiinis ako?

"Jekyll. May naghahanap sayo"

Manananghalian na nga lang ako, may mangiistorbo pa, may maghahanap pa sa 'kin. Anak ng. Tumikim lang ako ng ibang babae, nagkanda-malas malas na ko. Ano, Jia, hanggang ngayon may bisa pa din 'yun sumpa mo? Wala man lang 'expiration date'? o kaya 'best before' man lang, unlimited lang? Gusto mo talaga ako magdusa. Gusto mo sayo lang talaga ako? Tangina. Hanggang ngayon, sayo pa din ako, ikaw lang 'tong may sapi na iniwanan ako't pinagpalit sa kanya. Isa 'to sa mga dahilan kung bakit ayoko uminom, ayoko magsaya, ayoko humanap ng iba. Sa t'wing gagawin ko man 'yun isa sa mga 'yan, minamalas ako kinabukasan, sinumpa ako ni Jia, bawal ako magsaya kahit saglit, ganoon niya ko kamahal. Syempre, biro lang 'yun. Hindi totoo ang sumpa, pakiramdam ko lang minamalas ako pero ang totoo, mas lutang lang 'yun isip ko dahil sa letseng 'hangover', kaya hindi ako nakapagiisip ng normal kahit hindi naman talaga ako normal. Lumabas na ko ng room nang hindi man lang pinuntahan 'yun naghahanap sa 'kin, malamang kasi si Aris lang 'yun, alam niyo naman kung gaano ako kamahal noon. Kahit magkaiba schedule namin gagawa 'yun ng paraan para magkasabay kami sa lunch.

"Aquila."

Sa pagkakaalam ko, ang huling tumawag sa 'kin ng ganyan, pinakain ko piranha. Katulad ni Aristotle, hindi din ako komportable sa pangalan ko na 'yan, tunog Agila. Alila. lahat ng hindi magandang salita na nagtatapos 'La' na naguumpisa sa 'A'. sa madaling salita, ayoko lang sa pangalan ko na 'yan tapos. Nilingon ko si Pusit na ostrich, Tama. Siya lang naman ang isusunod kong ipapakain sa piranha. Wala ng iba. Lumapit siya sa 'kin at sinabi 'yun mga salita na hindi niya nasabi kaninang umaga. Nagawa na din niya magpakilala sa 'kin. 'Its better than late than never' nga ika nila. Pero para sa 'kin 'It is worst being late than never'. Kasi kahit sabihin o gawin mo pa 'yun mga bagay na nakalimutan mo, wala ka ng magagawa kung nasaktan na 'yun tao dahil sa ginawa mo. Hindi man pisikal pero emosyonal o pisilohikal mo sila nasaktan. Sana nagpanggap ka na lang na hindi mo naalala kaysa, aaksyunan mo kinabukasan o kinalaunan tapos sasabihin mo 'yun mga nakaka-offend na salita na 'yun, na parang pinangalandakan mo na,

'Hindi ka mahalaga sa 'kin kaya nakalimutan ko'
'Sino ka ba para maalala ko 'yun mga bagay na yun'

Tapos magsasabi ka ng mga dahilan na hindi naman kapanipaniwala. Tapos sasabihin pa sayo na babawi sila. Tanong ko lang, may nagimbento na ba ng 'time machine' at pwede ng maglakbay sa nakaraan at bawiin 'yun mga salita na nasabi nila? Sa pagkakaalam ko ulit, wala pa. Kaya paano sila babawi? Manglilibre? Kagaya nitong si Pusitrich? Kalokohan 'yun. Kahit sino hindi papayag doon lalo na kung mahalaga sayo 'yun taong gumawa sayo noon. Pwera lang sa 'kin, kasi pumayag akong ilibre niya sa canteen, saka hindi din naman siya mahalaga sa 'kin, isipin ko na lang, isa siya sa mga pinakilala nila Marco.

"Ako na maghihintay doon sa pagkain, maghanap ka na lang ng uupuan natin."

Sumunod naman agad siya sa suwestyon ko, mabait din pala 'to kahit papaano. Siguro talagang gipit lang siya kanina kaya niya nagawa 'yun.

Pagkakuha ko noon pagkain namin, hinanap ko na siya. At sa hindi ko maintindihan na pangyayari, nandoon siya nakaupo sa may bandang pinto, may kasamang dalawang lalaki. 'Yun isa na mukhang alkansya 'yun mata, pamilyar, kaklase ko yata siya sa isang subject, 'yun isa naman, hindi. Hindi ko na din sasabihin itsura niya, hindi ko din kasi maipinta.

Pagkalapit ko sa kanila, pinakilala ako nitong nanglibre sa 'kin. Okay na sana kaso muntik niya pa ko ipakilala na 'Aquila' sa kanila, buti na nga lang kaklase ko 'yun si alkansya boy, Jekyll 'yun sinabi niya na pangalan ko at hindi ko din alam pero kilala din nila, sila Aris lalo na Marco.

"Bakit magkasama kayo ngayon?"

"Nilibre niya ko"

"Hindi. Ang kapal mo jagiya"

"Huh? Ano Jiraiya?"

"Grabe ka. Aki. Di ba 'yun tawagan natin"

"Kayo?"

Tumanggo siya sa tanong ni Alkansya. Tangina. May sapi ba 'tong babae na.'to? Aki? Jiraiya? Ano bang pinagsasabi nito? Tapos ngayon, kami daw. Kailan pa? Ang alam ko 'pursuing happiness' 'to hindi 'contract boyfriend'? Ginagago niya ba ako? Tangina. Parang hindi na dahil sa hangover 'tong nangyayari sa 'kin, parang minamalas nga talaga ako, hindi dahil kay Jia, kung 'di dahil dito sa 'Pusitrich na tag-araw' na 'to.

Pursuing HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon