36%

26 0 0
                                    

Hindi talaga ako naniniwala sa malas, pero parang sa mga nangyayari ngayon, maniniwala na ako. Mula kasi ng nakilala ko 'yun babae na 'yun gumulo na 'yun buhay ko. At ilang araw pa lang ang nakakalipas, ang laki na ng pinsalang ginawa niya. Para siyang bagyo, wala siyang pakialam sa mga pwedeng mangyari, wala siyang pakialam sa mga maaapektuhan, basta nagawa niya gusto niya, basta nagawa niya kung ano man sa palagay niya ang tama. Gagawin niya ng walang abiso at walang pakundangan. Katulad na lang noong sa canteen, sinabi niya doon sa mga kaibigan niya na may namamagitan sa amin. Tatanggi na sana ako kaso binusalan niya 'yun bunganga ko at tinitiggan ng masama. Wala akong magawa, kaya pinagbigyan ko siya sa gusto niya, kaso akala ko matatapos 'yun ng ganoon lang, hindi pala mas lumala 'yun mga sumunod na nangyari. Hindi sila naniniwala na kami, lalo na 'yun si Alkansya. Hindi niya naman daw ako nakikita na kasama si Summer, kaya huwag na daw kami magpanggap na kami. Aamin na sana ako kaso 'tong si babae, nagdahilan ng kung anu-ano, mayroon, busy daw kami sa pagaaral, saka nagkikita daw kami after class at 'late night date' lang daw ginagawa namin

Kaso kahit anong sabihin niya, hindi pa din mukhang kombinsado 'tong si alkansya, samantalang 'yun isa, hindi pa din maipinta 'yun mukha. Pakiramdam ko siya 'yun ex niya, kaya din ba ganito na lang siya magaksaya ng panahon para mapaniwala lang 'tong mga 'to. Kaya ba lahat ng paraan mapaniwala sila, sinasabi niya? Baka nga. Kasi kanina ko pa din napapansin na madalas siyang tumingin doon sa lalaki na 'yun.

Ginagamit niya ba ako para pagselosin 'yun ex niya? Kaya ba parang nagsusumamo din siya kung makatingin sa 'kin ngayon? Kaya ba niya sinisipa 'yun paa ko para gumawa ako ng paraan, para sakyan siya sa mga palabas niya? Naghihintay sila, naghihintay siya sa mga sasabihin ko, naghihintay sila kung paano ko papatunayan na kami, nagaabang siya at nagsusumamo pa din.

Anak ng pitong kalabaw. Nakakapiga ng utak

Hindi ko na alam kung anong sumapi sa 'kin at hinawakan ko 'yun mukha niya't hinalikan siya sa labi. Lahat sila natulala sa ginawa ko, kahit naman ako. Kaya bago pa lumala 'yun sitwasyon doon sa canteen, hinila ko na paalis 'tong pusitrich na 'to na tulala din. Kung sapakin ko kaya 'to, kasalanan niya kung bakit ko nagawa 'yun, kasalanan niya dahil tinignan niya ako na parang nagmamakaawang aso. Marupok pa naman 'yun kalooban ko sa ganoon. Mahabaging tao po ako, hindi lang halata.

"Thanks. Aki."

"Jekyll."

"Chekil?"

"Nevermind. Sorry kung hinalikan kita."

"No. It's okay. Alam kong ginawa mo lang 'yun dahil sa 'kin. Sorry din. Baka dahil doon magaway kayo ng boyfriend mo, si Aris."

Legal na ba pumatay ng tao? Makakapatay yata ako ngayon. Boyfriend? Si Aris? patawa ba 'tong babae na 'to, tinulungan ko na nga siya parang ininsulto niya pa ako. Tinawanan niya ako noong sinabi ko sa kanya na lalaki ako, akala niya nagbibiro lang ulit ako, akala niya nagpapanggap ako. Gusto ko magalit sa kanya kasi pinagkakamalan niya akong bakla, pero bakit nga ba ako magagalit kung hindi naman totoo 'yun. Kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang isipin, kahit anong pagpapaliwanag naman gawin ko, hindi din 'to maniniwala. Hindi din makikinig, kagaya ngayon kanina ko pa sinasabi na papasok na ako, kaso ayon, busy sa pagkalkal ng bag niya. Ilan beses ako nagpaalam sa kanya, saka niya lang ako pinansin at inabutan ng litrato na kuha niya daw 'yun sa Bagiuo noong bagong taon.

Matapos noon, umalis na siya. Hindi niya man lang pinaliwanag kung bakit niya binigay sa 'kin 'to. Ano naman kasing gagawin ko dito? Hindi ako mahilig sa litrato, lalo na kung may mukha niya. Ayoko din naman itapon, mamaya may pumulot at kulamin pa siya, konsensya ko pa 'yun kaya nga inipit ko na lang sa libro ko sa loob ng bag saka pumasok na sa susunod kong subject. Kaso parang pinagsisisihan ko na pumasok pa ko.

Lahat kasi sila nakatingin sa 'kin, lahat sila nakapalibot sa 'kin at kung anu-ano ang tinatanong tungkol doon sa eksena na nangyari sa canteen. Katulad ng dati hindi ko sila pinansin at nagpasak ako ng earphone saka nagpatugtog. Wala akong panahon para sagutin 'yun mga tanong nila. Sa pagkakaalam ko kasi hindi kami 'close' para kausapin ko sila at magkwento sa kanila ng mga nangyayari sa buhay ko. At saka kakausapin lang nila ako kapag may kailangan sila sa 'kin at kapag wala na iiwan na ulit nila ako, wala na kasi akong silbi sa buhay nila. Ganyan naman sila, kaya nga mapili ako sa kakaibiganin at papapasukin sa buhay ko, Kaya 'yun kay pusitrich, hindi na din ako umaasa na magiging magkaibigan pagkatapos niya ako gawing sangkapan sa pagpapaselos niya sa ex niya. Hindi ko din alam kung bakit ko siya pinapasok samantalang gagamitin niya lang naman ako. Ganoon ba ako nahabag sa kalagayan niya? Kasi alam ko kung gaano magpanggap ng 'okay' at 'masaya' sa harap ng taong minahal mo at mahal mo pa din? Kaya ko ba siya hayaan na gamitin ako kasi nakikita ko sa kanya 'yun sarili ko?

Siguro. Oo. Gusto ko siya tulungan. Sa unang pagkakataon, gusto ko tumulong sa kapwa kong naghihirap. Gusto ko siya ialis sa madilim na lugar na kinalalagyan namin ngayon. At kung magiging tagumpay man ang pagtulong ko sa kanya. Balang araw yayayain ko siya, magtatayo kami ng 'foundation' para sa mga sawi sa pagibig at nahihirapang bumangon muli. Tuturuan namin sila ng mga paraan kung paano makawala sa anino ng mga ex nila. Tuturuan namin sila kung paano maging masayang muli kahit sila na lang magisa. Pero bago nga namin ituro 'yun sa iba, gagawin muna namin sa sarili namin kaso mukhang matatagal pa 'yun, kasi kahit ako, hindi ko pa kaya. Mahina pa ako, kailangan ko pa na tatagan 'yun sarili ko. At kapag dumating na 'yun araw na 'yun, saka ko ipapakita kay Jia na nabuhay ako kahit wala siya. Ipangangalandakan ko kung ano ang sinayang niya. Nang manghinayang siya. Magsisi siya sa mga kasalanan niya sa 'kin. At siguro kapag nangyari 'yun doon ko masasabi sa sarili ko na masayang-masaya ako.

"Akila Chekil"

Isang tao lang may pananalita na ganoon at nakatayo siya sa harapan ko, hawak-hawak 'yun isang earphone ko na hinigit niya sa tenga ko. Nakangiti siya sa 'kin. At lahat ng mata ng tao sa loob ng klasrum, nakatingin sa amin dalawa.

"Bakit?"

Yumuko siya't nilapit 'yun bibig niya sa tenga ko. Naging dahilan naman 'yun ng paghihiyawan ng mga kaklase ko. Akala ko nanunuod ng 'koreanovela'. Ano bang meron kung bulungan ako nito ni pusitrich? Kung alam lang nila kung ano sinabi niya, ewan ko na lang kung magsipagtilian at asaran pa sila ng ganyan sa 'min.

Pumayag ako sa gusto niya, ililibre niya kasi ako mamaya dahil tinulungan ko daw kasi siya ulit at hinihingi niya 'cellphone number' ko. Bibigay ko naman 'yun sa kanya kaso pabulong lang din. Inulit niya 'yun mga sinabi ko para masiguradong tama. At noong tama nga lahat, umayos na ulit siya ng tayo, nakangiti sa 'kin. Nginitian ko din siya saka pinisil 'yun pisngi niya at umalis na siya. Akala ko matatapos na 'yun mga kaklase ko sa hiyawan, hindi pa pala, mas lumalala noong makaalis na siya.

May sumisigaw na 'PDA'. Paano naman naging 'public display of affection' iyon, wala naman kaming naramdaman para sa isa't isa, purong pagpapanggap lang namamagitan sa 'min. Kasi kung may 'affection' man kami sa isa't isa bakit kami agaw-atensyon kung magusap, bakit hindi kami nagrereact sa mga pangaasar nila, kasi nga wala lang sa 'min iyon mga 'yun. May iba siyang gusto, may iba akong gusto at parehong ex namin.

Pursuing HappinessWhere stories live. Discover now