22%

32 1 0
                                    

Balita ko hinahanap niya daw ako sa binyag ng anak niya, Bakit namimiss niya na ba ako? Babalik na ba siya sa 'kin? Handa naman akong akuin 'yun anak niya sa utak ibon na 'yun. Titigil ako ng pagaaral at maghahanap ng trabaho, para sa kinabukasan nila, namin. Hindi katulad noong asawa niya ilang taon na sa kolehiyo, nasa ikalawang taon pa din, puro basketball kasi inaatupag. Hindi naman nakakain 'yun bola na 'yon, i-laga mo man o i-prito. Ibang usapan na daw kapag sumikat, 'yun bola na 'yun ang magdaala ng yaman sa pamilya nila, kaso sa dami ng eskwelahan sa buong pilipinas, sa dami ng mga manglalaro ng bawat kupunan, iilan lang ang sisikat, ilan lang ang makakapasok sa 'professional league' at sa standing non utak ibon na 'yun sa kupunan niya, malabo. Wala siyang pagasa. Hindi siya sisikat sa mundo ng basketball kahit kailan.

Gusto ko sana siya tawagan para itanong kung bakit niya ako hinahanap, kaso may siraulong nagbura ng numero niya sa cellphone ko, at hindi ko kabisado 'yun. Hindi ako nagsisinungaling, hindi ko nga kabisado kaya sinulat ko sa papel, kaso 'yun papel, tinapon din noon siraulo na nagpupumilit tumira sa dorm ko.

"Kyl. Tubig"

"Sa banyo madami"

"Ha! Hindi ka talaga hospitable kahit kailan"

"Bakit Welcome ka ba dito?"

Natahimik siya, alam kasi niyang hindi. Paano ba naman puro gulo ang dinadala dito. Katulad noong isang araw, nilandi niya 'yun kaibigan babae noong taga-kabilang dorm, nagpalandi naman sa kanya. Ayon pala may boyfriend 'yun babae, napa-away pa kami ng wala sa oras, pati 'tong kapitbahay ko nagalit sa 'kin. Damay-damay daw. Ano naman pakialam ko doon? Kung magalit man siya sa 'kin, ayos lang. Hindi kami close, siya lang naman kumakausap sa 'kin kapag manghihiram ng pangbukas ng de lata at kung anu-anong sangkap na wala siya sa dorm niya, sa madaling salita, palengke niya ko. Pabor pa nga sa 'kin na idinamay niya ako sa galit niya kay Aris, makakatipid ako sa mga 'condiments' ko. Dahil napaguusapan na din 'yun condiments, makabili nga mamaya, bago ko umuwi. Kaso bago ko isipin 'yun gagawin ko paguwi, isipin ko muna kung paano ko palalayasin 'tong siraulo na 'to ng makaalis na ko, bago pa uminit 'yun ulo ng naghihintay sa 'kin at hindi pa ibigay 'yun kailangan ko sa kanya. Alam ko kasi na kapag sa kanya ko hiningi 'yun, hindi niya ako huhusgahan katulad ng iba, alam niya lahat ng paghihirap ko, paghihirap kong maglakad pasulong.

'Huwag mo kasi pilitin, hayaan mo lang. Kusa naman 'yan mawawala. At pagnawala na 'yan, doon mo mahahanap 'yun saya na hinahanap mo ngayon.'

Kaya nga, hinahayaan ko na lang, baka sakali na magkatotoo 'yun sinabi niya, baka nga dahil doon, matanggap ko ng pwede din ako sumaya kahit wala siya, matanggap ko na wala na talaga siya. Kaya sa ngayon magpapakatanga muna ako. At hayaan niyo lang akong masaktan hanggang sa mamanhid na ko at masanay na sa sakit at kirot. Ganoon naman talaga, kailangan maramdaman mo ang sakit para matuto ka. Matuto ka sa pagkakamali mo, para sa susunod na mangyari ulit ang katulad nito, alam mo na kung anong gagawin mo, tatawanan mo na lang 'yun ganito at okay ka na, hindi mo na kailangan paglalamayan pa.

"Sama ko sayo"

"May magagawa pa ba ako? Hindi mo din naman ako titigilan di ba?"

Sa lahat ng kaibigan ko, sa buong buhay ko, kakaunti lang naman sila nasa lima lang yata. Si Aris ang pinakamagulo, para siyang rubix cube. Kung anong kulay ang mabuo mo, 'yun ang ugali n'yang ipapakita niya sayo. Hindi ako marunong makisama o makihalubilo sa tao, pwera na lang noon kami pa ni Jia. Wala kasi akong nakakasundo kahit isa, para silang mga sirang plaka na paulit-ulit ng tanong, para silang 'yun mga babae na pinakikilala nila sa 'kin, mahilig magpapansin. At dahil sa napakagulong ugali ni Aris, natutunan ko 'yun. Unti-unti na kong nagbabago, ramdam ko naman. Gusto ko naman magbago, para sa sarili ko. Noong dati ayoko, pero noong nakilala ko sila parang ginusto ko na din, kasi nakikita kong gusto din nila akong baguhin, at sila lang ang mga taong naglaan ng panahon para sa 'kin, para maisip ko na okay lang kung hindi na ako 'yun dati, okay lang maging ako talaga, kung sino talaga ako, 'yun damdamin ko lang naman ang hindi nagbabago at mababago sa ngayon. Yoon dating lima kong kaibigan, naging walo at madami pang dadagdag. Iba nagagawa ng tunay na kaibigan sa isang tao, kahit 'yun imposible na inaakala mo pwedeng maging posible kasi alam mong may taong tatanggap sayo kahit ano ka pa, may taong maiintindihan ka kahit anong mangyari. Hindi ka nila iiwan magisa. Minsan nga pagtatawanan ka pa nila para mas lalo kang magmukhang tanga. Walang seryosong usupan kasi kahit mga payo nila may halong kagaguhan. Kaya maswerte ako, natagpuan ako ni Aris, ni Kei at ni Marco noong walang wala ako, minalas lang ako kasi nais yata nilang gawin akong babaero kahit na hindi bagay sa itsura ko.

"Akala ko nakalimutan mo na ko. Ang tagal mo kasi"

Nahiya ako bigla. Hindi naman kasi ako mahuhuli ng kalahating minuto kung wala 'tong sagabal na kasama ko na noong pinakilala ko siya kay Jane, umiral na naman 'yun pagiging gago kaso kahit anong gawin niya hindi 'yun tatalab kay Jane, mas lalaki pa nga 'to sa kakambal niya, Yes. may kakambal din siya, si Ken na mas matanda sa kanya ng apat na minuto. At dahil parehas kaming huli niluwa sa mundo, madami kaming pagkakaparehas at napagkakasunduan. Kung una ko lang siguro s'yang nakilala, baka siya 'yun niligawan ko hindi siya, baka hanggang ngayon kami pa din. Baka hindi din ako nagkakaganito. Kaso hindi, hindi 'yun ang nakatadhana sa 'kin. baka hindi din 'yun ang nakatadhana sa kanya.

"Ang daldal nun kasama mo, pwede ba h'wag mo na siya isama ulit"

Buti umalis si Aris, may nagtext daw sa kanya na chikababes, kaya nabinigay niya na sa 'kin 'yun kailangan ko at dali-dali ko 'yun sinave sa cellphone ko, kaso ibang pangalan nilagay ko para hindi na ulit burahin ng mga pakialamero. Naikwento niya sa akin na may bago ulit s'yan trabaho, naikwento niya din kung paano siya pinahihirapan ng mga inaalagaan niya. Naikwento niya din 'yun paglalasing ni Clyde noong nakaraan, pati na din 'yun tungkol doon sa babaeng hinahanap ng kakambal ko. Halata kong may alam siya, ayoko lang magtanong at ayoko din malaman, hindi ako marunong magtago ng sikreto kay Clyde at ayoko din maglihim sa kanya lalo na tungkol 'yun sa babaeng minahal niya, minamahal niya. Nilihis ko na yun usapan namin tungkol kay Clyde, kaya tinanong ko siya tungkol sa boyfriend niya, kaso tinawanan niya lang ako. Hindi ko naman alam na wala siyang boyfriend. Ngayon lang ako nagtanong ng ganyan sa kanya. At sa dami ng advice na sinasabi niya sa 'kin parang meron siya. Kaya akala ko meron nga, kaso wala daw puro 'one-sided love' lang. Hindi niya rin daw priority. Kaya tinigilan ko na din 'yun pagtatanong.

Tumagal pa 'yun usapan namin tungkol sa Kuya niya at sa buhay niya. Tinanong niya din ako ng mga bagay na hindi niya matanong kanina, alam niya kasing tutol sila sa pagiging tanga ko.

"Tanggap ko naman, wala na kami. Hindi ko lang kaya na wala siya."

"Kaya nga maghintay ka lang. Pahupain mo lang 'yun bagyo, dadating ka din sa dapat mo puntahan, sa nais mong kalabasan, sa pinili mong daan. Huwag ka magmadali, baka sa pagmamadali mo, mas lalo lang maging komplikado ang sitwasyon para sayo. Kaya kalma lang. Okay?"

Napagaan niya 'yun damdamin ko sa mga sinasabi niya, alam niya talaga 'yun mga karapatdapat na salita para bumuti 'yun pakiramdam at pagiisip ko, napakabuti niya talaga sa 'kin. Kung pwede ko lang siguro baguhin ang tadhana, baka pinilit kong pagtagpuin ang tadhana ko at ang tadhana niya para maging kami na lang ang nakatadhana sa isa't isa.

Pursuing HappinessWhere stories live. Discover now