28%

34 1 3
                                    

Pinaglalaruan yata talaga ako ng tadhana sa dami dami ng populasyon sa buong bansa, siya pa 'yun makakasalubong ko sa train station. Hindi sa ayoko ko siya makita kasi kinasusuklaman ko na makita siya. Sino ba naman matutuwa kung mukhang katawan na tinubuan ng ulo 'tong nasa harapan ko. Kung makaatsa pa sa 'kin akala mo naglalaro kami ng basketball.

"Buti hindi ka pumunta sa binyag ni Mia"

Babae anak nila. Sayang nga hindi 'Nasium' pinangalan nila. Kung 'yun sana pinangalan nila baka pumunta ako kaso hindi, kaya tinamad ako pero ang totoo, tinext ako ng utak ibon na 'to na h'wag na daw ako pumunta, h'wag na daw ako magpaka-martir kasi isang hamak lang daw akong magbabasura, pinulot ko lang daw 'yun basura na tinapon niya. Ibig sabihin ba noon magbabasura din siya? kasi kinalakal niya din 'yun basura na napulot ko? At kung basura man turing niya kay Jia, bakit niya pa inagaw sa 'kin? bakit niya pa hinablot? Saka kung basura nga si Jia para sa kanya, para sa 'kin siya ang buhay ko. Bakit hindi niya pa pinaubaya siya sa 'kin. Bakit nagpumilit pa siyang manghimasok sa buhay namin? Bakit?. Binantaan niya pa ako na babasagin mukha ko kapag pumunta ako doon sa binyag, gusto ko sana sabihin na matagal ng basag mukha ko kaso alam kong pikon na pikon 'to sa 'kin kahit presensya ko pa lang, nanggagalaiti na sa 'kin, inggit kasi siya sa utak ko, wala kasi siya noon. At saka para na rin kay Jia, ayoko sirain ng magaling niyang asawa 'yun binyag ng anak nila, kaya hindi na talaga ako pumunta. Gago pa naman siya kapag nagwala, walang sinasanto kahit siguro sa simbahan gagawin niya 'yun. Buti nga noon kasal-sakalan nila hindi ako napagintirisan. Nahiya siguro sa magulang niya, kaya hindi gumawa ng eksena.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka tinanong kung ano ginagawa ko dito. Gusto ko siya pagtawanan. Nakakabobo 'yun tanong niya. Ano nga ba kasing ginagawa istasyon ng tren? Baka magkakape ako sa gitna ng riles ng tren o baka magpapakamatay ako kasi nakita kita. Syempre hindi ko sinabi 'yun, sinagot ko pa din siya ng matino, pero sakto lang sa pangbobo niyang tanong. Tumahimik naman siya, masarap yata masupalpal ng kabobohan na siya mismo gumawa. Kaya naman umalis na ko doon sa harap niya at nagpakalayo sa kanya. Hindi kami magkaibigan para magkamustahan at magkwentuhan sa loob ng tren, ang alam ko kay Jia lang ako tanga hindi sa kanya kaya hindi ko siya pagaaksayahan pa ng laway. Tangina lang niya.

"Ang aga-aga salubong na kilay mo"

"Gago ka kasi. Bakit mo ba ko pinapunta dito?"

"Gago ka din. Araw ng bisita mo ngayon, para maglinis ng apartment ko."

Nuknukan talaga ng katamaran 'to. Magkamukha nga kami pero ang layo ng personalidad namin dalawa. Kung ako ang puno sa teatro, siya 'yun pwedeng gumanap na prinsepe ng napakarami prinsesa na sabay-sabay. In short, babaero. Siya nga bagay na maging tropa nila Aris e, pare-pareho sila. pero naging ganito lang naman siya dahil doon sa first love niya.

"Lumabas daw kayo ni Jane, Kayo na?"

"Asa ka naman na mangyayari 'yun"

"Sus. pakipot ka pa kasi, gusto mo naman siya ayaw mo pa aminin."

Ilan taon na ba nilang pinagpipilitan na may gusto ako kay Jane at 'vice versa'. Binibigyan kasi nila ng madaming kahulugan 'yun pagkakaibigan namin. Oo, sweet kami sa isa't isa, nagkukulitan pero hanggang doon lang 'yun, Nanggigigil lang ako sa kanya kung minsan kaya napapapisil ako sa pisngi niya pero walang malisya 'yun, siya lang kasi 'yun kaibigan ko na babae tapos ang lapit pa namin sa isa't isa kaya 'yun nagsipaglabasan 'yun mga konklusyon nila sa utak na 'facade' ko lang daw si Jia at pinagseselos ko lang daw si Jane tapos umaarte lang daw ako na 'di pa din maka-move on para may dahilan daw ako makita si Jane. Basta mga walang saysay na konklusyon. Tangina. Kung alam lang nila nararamdaman ko baka tinigilan na nila ko kaso tamad na ko magpaliwanag, nakakapangal na, paulit-ulit na lang din. Kaya hinayaan ko na lang sila, basta sa 'min ni Jane, alam namin kung ano ang totoo. Walang kami at hindi magiging kami.

"Tigilan mo nga ko Aeolus. May papagawa ka pa ba?"

"Ayaw mo pa kasi umamin Aquila Jekyll. Ako pa kasi lolokohin mo, kilalang kilala kita mula sa dulo ng buhok mo hanggang sa dulo-duluhan ng kuko mo. Kaya umamin ka na. Wala naman mawawala."

"Tigilan mo nga ko sa kakabuyo mo sa 'kin kay Jane. Tropa lang kami, at ang tropa hindi tinatalo kaya tantanan mo na ko, baka naman kasi ikaw ang may gusto kay Jane, kaya ka nagkakaganyan."

"Hah! Asa."

"Sus. Umamin ka na."

"Tangina. Hindi nga. Tigilan mo ko"

"See. Naiinis ka na. Ganyan din ako. Kaya tigilan mo na din ako."

"Oo na. Tara na nga lang. Uminom na lang tayo. Huwag na natin pagusapan 'yun si Jane. Hindi naman sya kagandahan para pagtalunan natin."

Binatukan ko nga, ang sama kasi ng tabas ng dila. Oo, alam namin na hindi nga maganda si Jane kumpara mo sa mga babae niya pero h'wag naman sana niya ipangalandakan pa 'yun. Maganda si Jane sa sarili niyang deskripsyon ng ganda o sa mga naniniwalang maganda siya at saka 'yun ganda niya nasa loob, maganda kalooban niya. sobra. Walang kapantay 'yun at alam naman natin na mas mahalaga pa ang kagandahan na 'yun kaysa sa panglabas na anyo. Aanin mo nga naman.kasi ang ganda kung wala ka naman utak o kaya ugaling basura ka naman, katulad nitong babae na nasa harapan ko ngayon. Kanina pa mura ng mura tapos kabastos bastos pa 'yun suot na damit. Hindi ko alam na marami palang club na malapit dito, kaya siguro inaaraw-araw din ni Clyde ang paginom at pagpalit ng babae.

"Ano ba ginagawa natin dito?"

"Huwag ka na magtanong. Magsaya ka na lang."

Magsaya? Katulad ng ginagawa niya na halos magpalitan na sila ng mukha noong babae na nasa harapan niya? At saka ano bang kasaya-saya sa lugar na 'to? 'yun alak ba? 'yun mga babae na nakakalong sa 'kin ngayon? 'yun mga babaeng nakahubad doon sa stage?. Kung talagang nakakasaya 'tong lugar na 'to, bakit may magsasapakan na doon sa gilid namin? Ganito ba magsaya dito? Nagsasapakan? Kung sapakin ko kaya 'tong nasa harapan ko na kanina pa hinihimas 'yun katawan ko, iisipin niya kaya na nasasayahan ako sa ginagawa niya? pero ang totoo niyan kanina pa ko naaasuwa sa pagmumukha niya kaya gusto ko siya sapakin, kaso hindi ako sanay manakit ng babae, kasi mas sanay ako na ako ang laging sinasaktan.

"Hey babe. Naiingit ako sa kanila"

Pagtingin ko doon sa babae, si Jia nakikita ko. si Jia na babaeng minahal ko. Kumalong siya sa 'kin paharap at hinalikan ako. 'Yun halik na katulad na katulad ng sa kanya. 'Yun halik na may pananabik. 'Yun halik na 'kala mo wala ng katapusan. Alam ko hindi totoo na siya 'tong nasarapan ko ngayon. Alam ko dala lang ng alak 'to kaya ko siya nakikita ngayon pero hinayaan ko pa din na lokohin ko 'yun sarili ko. At sa muling pagkakataon, nageenjoy ako sa ginagawa ko.

Pursuing HappinessWhere stories live. Discover now