1%

23 0 0
                                    

Siguro ka-buwanan na niya ngayon at baka tatlong buwan na din s'yang kasal doon sa utak ibon na 'yun. Ang bilis ng panahon. Tatlong buwan na pala noong huli ko s'yang nakita. Noong nagpakatanga ako at dumalo ako sa kasal-kasalan nila ni utak ibon na malaki pa katawan kaysa sa ulo na kung makatingin sa akin akala mo itutumba ako. Magarbo 'yun kasal-sakalan nila, halos lahat ng taga-basketball team ng eskwelahan namin nandoon pati din 'yun mga malalapit na kaibigan niya. Takang-taka nga sila kung bakit ako pumayag na 'best man', isang bagay lang naman ang dahilan noon, para ipamukha sa kanilang lahat ng ako ang literal na 'best man' para sa kanya, hindi 'yun utak ibon na iyon. Habang nagaganap 'yun kasal-sakalan nila, gusto ko siya hilain palabas at iwan namin ang lahat ng tao doon, kaso napagtanto ko na 'pag ginawa ko 'yun magiging kaawa-awa lang tingin nila sa 'kin, lalo na kung bigla syang bumitaw sa akin sa gitna ng simbahan. At baka pagbintangan pa nila ako na nasisiraan ng bait dahil sa biglaan kong inasal. Sa totoo lang, malapit nang maging ganoon. Lalo na noon sinabi niya na ninong daw ako ng magiging anak nila. Ngumiti na lang ako sa kanya, pero sa loob-loob ako, ako dapat ang ama ng magiging anak niya.

Tanga. Tanga-Tanga. Katangahan. Tan-g-a.

Tawag sa 'kin noon mga kaibigan niya na naging kaibigan ko na din na nagsipagdalo sa kasal-sakalan nila. Ang dami nilang tanong sa 'kin at kapag sinagot ko sila ng totoo, sisigawan nila ng isa, dalawa o lahat ng pagpipiliaan sa itaas. Kahit nga wala pa akong sinasabi, yaan na agad ang sinasambit nila. Ganoon ba ako ka-tanga? Alam ko 'pag tinanong ko sila niyan 'Oo' ang itutugon nila, kaya hindi na ko nagatubili na tanungin pa sila saka alam ko na rin naman 'yun ilang ulit na rin binulyaw sa 'kin iyan ng kakambal ko. Madami na rin s'yang naipayo sa 'kin at kahit isa man lang doon wala akong sinunod. Kasi nga tanga ako, nagpapakatanga ako sa pagibig na kahit kailan man hinding hindi na mapapa-sa 'kin.

"Mister Ehara."

Nahuli ako noong professor ko na lumilipad 'yun utak sa kawalan. Ano bang magagawa ko kung mas interesado pa ko sa buhay niya ngayon kaysa sa tinuturo nito.

"Baka gusto mo ibahagi sa 'min iyan gumugulo sa isipan mo?"

Pang-ilan pakialamero na ba nagtanong sa 'kin nito? sampu? o labing-isa? Bakit ba gusto nila lagi malaman 'yun nasa isip ko? Hindi ba nila alam ang salitang 'privacy'?

"Ah. Excuse me. Ma'am. Sa pagkakaalam ko po, Life of Rizal ang tinuturo niyo, hindi counseling. At hindi din po kami Psychology students para magkaroon ng subject na counseling"

Kung pwede ko lang kuhaan ng litrato 'yun itsura noong professor ko, baka ginawa ko na. Actually, lahat ng professor ko gusto ko kuhaan ng litrato dahil laging iisa ang reaksyon ng mga mukha nila. Akala kasi nila purket bagong lipat ako sa eskwelahan nila, mabait ako. Siguro kung kami pa, baka pwede pa kaso hindi na, matagal na. Kaya nga din lumipat ako ng eskwelahan kasi lagi nila akong pinapapunta ng counseling, lalo na kapag nakita nilang tulala ako. Sa mga ginagawa nila, gusto ko sila murahin kaso kapag ginawa ko 'yun sasabihin nila naghi-'hysterical' ako dala ng depresyon.

'Maam/Sir, nagpakasal lang po sa ibang lalaki 'yun 'EX-GIRLFRIEND' ko hindi siya namatay kaya bakit masyado niyo ko pinagtutuunan ng pansin?'

Napangal na ko kakasabi niyan sa kanila, kaso tinamaan nga sila ng magaling, ayaw nila maniwala sa 'kin at king anu-anong level pa ng depresyon at sinasabi nila sa 'kin. Kaya nagpagkasunduan namin noon kakambal ko na lumipat ng eskwelahan, sa magkaibang eskwelahan pati na rin ng tirahan. Ayaw niya pumayag noon una, kaso nagpumilit ako. Alam kong sobra na 'yun bagahe niya, ayoko ng dumagdag pa. Alam kong matagal na niyan hinahanap 'yun batang humahabol sa kanya noon mga bata pa kami hanggang highschool, 'yun first love niya, kaso magaling, daig pa si lupin kung magtago. Dito ko napagtanto na pati sa buhay pagibig, parehas na parehas kami. Nasa lahi yata namin ang pagiging tanga.

Iyon professor ko na napa-nganga ko kanina, lumayas na, nagmamadali pa nga, baka magsusumbong sa dean at wala akong pakialam kahit sa chairman pa s'ya magsumbong, sasamahan ko pa siya. Hindi ako natatakot, Asset kaya ako ng school na 'to. Maniniwala ba kayo na sumali ako sa varsity, chess nga lang.

"Ang lupet mo kanina, tameme si Miss Dayrit"

Kinakausap nila ko? Bakit sino ba sila? Sa pagkakatanda ko, wala akong kinakaibigan o maski kinakausap sa school na 'to, Bakit? simple lang ang sagot, Hindi na ako ang dating ako. Tinggalan ko na 'yun sarili ko ng karapatan sumaya dahil isang tao lang ang kaligayahan ko. Siya lang. Wala ng iba.

"Oy P're"

Nandito na naman siya. Bakit niya ba ako sinundan? Kailan ba siya titigil?

"Jekyll, pangalan mo di ba?"

Bobo ba 'to? Halata naman alam niya itatanong pa, at saka kaklase ko s'ya sa lahat ng subject ko at madalas din s'ya tumabi sa 'kin kaya malamang alam niya na 'yun nga pangalan ko.

"Ako pala si Styx as in S-ta-iks Aristotle as in A-ris-to-tel Welsh as in Weh-ch, Aris na lang itawag mo sa 'kin."

Ilang beses na din ba siya nagpakilala sa 'kin ng ganito? Sa t'wing magkikita kami 'yan lagi niya pangbungad, sa classroom, sa field, sa dome, sa gym, sa canteen, sa hallway pati sa C.R. bobo na lang siguro ang hindi makakapagkabisado ng mga sinasatsat niya. Kung wala lang lumalapit na babae dito kapag nangungulit s'ya sa 'kin matagal ko na talagang inisip na bakla 'to.

"Oy. magsalita ka naman katulad kanina."

Ayoko magaksaya ng oras at panahon para sa taong 'to, kaya binilisan ko na lang 'yun paglalakad ko pauwi doon sa dorm. Sinigaw niya pa 'yun pangalan ko noong makalayo na ako sa kanya.

Ano bang ginagawa ng tao na 'to sa dorm ko? Sa pagkakatanda ko hindi araw ngayon ng bisita niya. May kabalbalan na naman kayang ginawa 'to?

"Sino na naman pinaiyak mo?"

"Ganyan mo ba ako batiin? Hindi mo ba ako namiss?"

Lasing. Hininga pa lang sagap na sagap mo na ang katotohanan. At isang tao lang ang dahilan ng paginom nito, yun babaeng 'yun na naman.

"Tatawagan ko si Ken."

"Huwag. Dito ako matutulog."

"Hindi pwede."

"Ayoko. malungkot sa dorm, wala si Austin. busy si Ken. si Lynd, ayon iniwanan ko sa bar, lango. Natalo ko sa inuman"

Noong lumipat ako, akala ko mababawasan bagahe niya, bakit parang nagiba ikot ng mundo, 'yun bagahe ko 'yun nadagdagan. Mas lumala 'yun paginom niya. Nagaaral pa ba 'to? Bulakbol na yata inaatupag nito.

"Nasaan bar si Lyndon?"

"Procyon. 'yun bar sa kanto."

"Dito ka lang susunduin ko siya"

"Huwag. Dito ka lang. Hindi mo ba ko namiss? Saka tinawagan ko na si Austin, kaya busy 'yun ngayon kasi magpapaliwanag siya doon sa may-ari ng bar tungkol sa bill namin na napakalaki, kasi nilibre ko lahat ng umiinom doon ngayon."

Humalaklak siya. May sira na din ba ulo nito? Kailangan na ba namin magpapasok sa mental? Ano bang buhay 'to. Naawa ako sa magulang namin. Kahit isa sa mga anak niyang lalaki, walang tuwid ang utak na ang puno't dulo ay mga babae.

Pursuing HappinessWhere stories live. Discover now