49%

10 0 0
                                    

Ilang buwan na din ako nakabalik sa eskwelahan at wala pa din akong balita kay Summer. Wala din naman alam 'tong mga kaibigan ko na araw-araw may kakakbay na babae, pwera lang kay Kei sila na yata noon Nikki.

Noong tinanong ko naman sila, hindi sila umimik at nginitian lang ako. Akala ko nga niloloko lang nila ako, 'yun pala wala talaga silang balita sa tag-araw na 'yun. Okay lang sana nasa malayo lang siya, h'wag sana siya magpakamatay baka walang pumigil sa kanya at mawalan pa ako ng 'future business partner', pero sa tans'ya ko hindi naman siya ganoon, matalino kaya siya. Nagawa niya ngang i-'let go' iyong tao na pinakamamahal niya para sa kaligayahan nito kahit pa para sa kanya, delubyo 'yun. Matapang siyang tao, kaya dapat siguro tigilan ko na din ang pagiging maalalahanin pagdating sa kanya.

Naalala ko lang, tinanong ko si Marco dati kung ano ang rason bakit naghiwalay 'yun mga iyon dati. Kaso hindi niya alam, isa daw misteryo 'yun tanging si Summer lang daw at 'yun Kerwin ang nakakaalam. Kahit mga ka-banda nun lalaki, hindi din daw alam. Sabi na nga lang noong kaibigan ko, may sapak daw 'yun dalawa, 'perfect couple' na pero sinayang lang nila.

Gusto ko sana siya awayin, kasi wala naman perfect couple. Masyado lang tayo nadadala sa mga napapanuod at nababasa natin kaya natin nasasabi 'yun mga deskripsyon na 'yun. Ang totoo kasi niyan sa relasyon dalawa lang 'yan e,
'Functional relationship' saka 'Nonfunctional relationship'

Functional, sa opinyon ko lang ito, dito 'yun ang daming pagsubok na dumating kayo pa din ang magkasama, kaya niyong panghawakan 'yun pagmamahalan niyo kahit na salubungin man kayo ng delubyo. Pero paano mo sasalubungin ang delubyo ng buhay mo kung hindi kagaya ng functional relationship 'yun sayo? Kaya doon nagkakaroon ng 'its me not you', 'you deserve someone better', 'Youll be happy someday', sa madaling salita, hiwalayan. Kaya din nagkakaroon ng non-functional relationship, dahil isa o pareho silang kulang sa tiwala, kulang sa pagintindi at kulang sa pagiisip, minsan naman hindi talaga kayo para sa isa't isa.

Maraming matatawa kapag sinabi ko na naniniwala ako doon, hindi lang din halata.

May kaibigan ako noong high school, Kit pangalan niya at mas matanda siya sa 'kin ng ilang taon. Nakilala ko siya noon burol ng first love ko. Nagkausap kami, tungkol sa iba't ibang aspeto sa buhay. Naikwento niya sa 'kin 'yun tungkol sa destiny, sabi niya lahat daw tayo may nakatakdang tao para sa isa't isa, hindi mo pa lang nakikilala pero madalas mo ng makita. May 'probability' daw na makakasalubong mo na pala siya, kaso bigla kang yumuko at nagsintas ng sapatos mo. Minsan naman nandoon pala sa jeep na.dapat sasakyan mo kaso nagdalawang isip ka kung sasakay ka pa ba o hindi, ayun lumagpas, hindi ka nakasakay.

Tinanong ko siya, kung bakit ka maniniwala sa mga bagay na wala naman kasiguraduhan kung nag-e-exist nga ba sa mundo. At imbes na sagot ang ibigay niya sa 'kin, tinanong niya lang din ako ng mga bagay na hindi naman nageexist pero pinaniniwalaan pa din ng tao. At tama siya, ano ng bang mawawala kung maniwala ako sa mga bagay na hindi nage-exist? Wala naman mawawala kung maniwala ako sa mga bagay na imposible.

At dahil sa sobrang galing niya magpaliwanag, sinubukan ko. Sinubukan ko,  maniwala sa mga bagay na kahit sa sarili ko nagdududa ako. Sinubukan ko, hanggang sa tinatanong ko na din ang sarili ko. Sinubukan ko, hanggang nabuhay na ko ng sabay sa gitna ng pantasya at realidad. Ang lugar kung saan ang tanging hawak ko ay pagasa. Pagasa sa lahat ng bagay. Pagasa sa bandang huli s'yang sisira sayo.

"Sure ka ba na okay ka na?"

"Oo. Kumain ka lang dyan."
'Life changing' daw kapag nakaligtas ka sa pagkamatay ng isang beses. Marami kang mapagtatanto. Marami kang mga bagay na nanaisin mong sayo na lang. Marami kang gusto na hinihiling mo na mapasayo noong nagaagaw-buhay ka. Maraming Sana. Maraming panghihinayang.

Bakit ba kasi nasanay tayong mga tao na i-'take for granted' halos lahat ng bagay sa paligid natin? Bakit ba hindi natin makita ang halaga ng isang tao sa unang tingin lang? Bakit ba nagnanais tayo ng pwet ng baso kung dyamante na 'yun nasa harapan natin? Bakit ko din ba sinasabi 'tong mga 'to?

Isang bagay lang naman, marami lang ako napagtanto noong nasa ospital ako. May mga nakita ako na hindi ko nakita dati kasi bulag ako sa mga bagay na panandalian lang pala sa buhay ko.

Habang nakikita ko siya, doon lumalabas 'yun mga 'sana' na noon ko pa man naiisip. Mga panghihinayang habang nakikita kong umiiyak siya. Mga ninanais ko na gawin para sa kanya. Maraming bagay, maraming dahilan pero kahit na ganoon, natatakot pa din ako. Mamaya isa lang siya sa mga kamalian ko sa buhay. Mamaya 'tong mga realization ko, nadadala lang ng pakitang-tao niya. Sa madaling salita, natatakot lang ako magtiwalang muli, pero hindi ang magmahal muli.

Handa na kong hanapin 'yun ako at 'yun kaligayahan na ninanais ko. Siguro, kasabay ng pagtalsik ng katawan ko noon nagpakamatay ako, kasabay na noon lahat ng tungkol sa babaeng ginamit lang ako. At nagising din ako sa katanggahan ko. Tama nga sila. Hindi siya nararapat sa 'kin. At 'yun babae na matagal na nilang binubuyo sa 'kin, siya lang pala ang nararapat sa 'kin, siya lang pala ang matagal ko ng hinihintay.

"Sure ka busog ka na?"

"Aliza Jane Gomez. Busog na ko. Kumain ka lang."

Tatlong buwan ang nakalipas simula noong aksidente, bago ko siya niligawan. Natagalan bago ko ginawa, marami kasi akong inayos sa sarili ko bago sabihin sa kanya, marami pa akong 'unsettled feelings' noon tungkol kay Summer. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit sa tatlong buwan na 'yun lagi ko siya iniisip at bakit nagaalala ako sa kanya, hanggang ngayon naman kaso hindi kasing lala dati, hindi na kasi ako umaasa pa na magkikita kami ulit, ang akin lang basta buhay siya.

Isang buwan ko din siya niligawan, akala niya kasi nagbibiro lang ako. Kaya pinakita ko sa kanya na seryoso ako at hindi lang ako nabigla sa damdamin ko. Nasabi ko na 'to dati, kung una ko lang nga siyang nakilala baka, siya niligawan ko. At kung pwede ko lang din ipagtapat ang tadhana namin para sa isa't isa, ginawa ko. At nagawa ko nga, kaya pagkakainggatan ko na 'to, habambuhay? syempre hindi, karamihan na nagsasabi ng 'forever' ngayon naghihiwalay. Basta pangiingatan ko kung anong meron kami hanggat kaya ko, hanggat gusto namin, hanggat mahal namin ang isa't isa.

Natuto na din ako, hindi na ko aasa pa sa taong hindi na ko mahal. At kung ayaw na talaga niya sa 'kin, ako mismo ang magpapalaya sa kanya.

'Learn from your mistake and from other's mistake'

Pursuing HappinessWhere stories live. Discover now