Epilogue

869 17 7
                                    

Selene's POV


"Kainis ka White"Inis na sabi ko sakanya at nilagay na sa isang box ang isang sulat na binigay niya sakin, "You're so cute my love" he said and pinched my cheeks, kainis naman tong lalaking to! Oo na gwapo siya, at mahal ko siya.

"Samahan mo na ako! hatid na natin sakanya to" sabi ko nag nod naman siya at inakbayan ako, napangiti naman ako. White never left me alone, kahit sa pinaka madilim na moment ng buhay ko nandoon pa din siya at inilawan niya ako.


————


Inilapag ko ang box na yun sa lapida niya. Ilang years na ba simula noong umalis siya at hindi na bumalik? 6 years ago, mahal na mahal ko si Rain.

"Natatandaan mo pa ba noon Rain?" Noong third year tayo at iniwan mo ako ng walang pasabi? Sinusulatan pa nga kita noon diba? Natatandaan mo pa ba noong pinadalhan mo ako ng sulat at sinabing wag na akong sumulat pa sayo? Sobrang naiyak ako noon.


14 lang ako ng iparamdam mo sakin ang pagmamahal, Siguro nga bata pa tayo noon, at hindi ko pa talaga alam ang ibig sabihin ng pagmamahal. Noon kasi, ang pagmamahal sakina ay paghihintay, na kahit gaano pa katagal, hihintayin kita, pero alam mo ba? Ang love pala talaga walang meaning, nararamdaman lang siya, walang options, kung ano ang magpapaiyak at magpapasaya sayo, yun ang pagmamahal.


6 years ago, Lagi akong nag papadala ng sulat sayo. 6 years ago sinikap kong maniwala na babalik ka pa. 6 years ago, sinubukan kong wag mawalan ng pag asa, pero 6 years ago, sumuko ako dahil masakit ng maniwala na babalik ka pa. 6 years ago sumuko, dahil wala na naman diba? Sumuko ako dahil binigyan mo ako ng rason, binigyan mo ako ng reason para tuluyan na akong maka move on sayo.


Mahal na mahal kita noon, kahit hindi ko alam kung mahal mo pa ba ako. 14 tayo ng umalis ka ng hindi nagpapaalam, walang pasabi. Bata pa tayo noon, pero sinikap kong maghintay, oo nga bata pa tayo at siguro hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng pagmamahal.

Nakakatawa dahil kahit ilang taon na ang lumipas noon, mukha akong tangang naghihintay kahit hindi ko alam kung bakit ka umalis. Wag ka sanang magalit kung bakit hindi na ako nakakapagpadala ng sulat, natauhan na kasi ako. Masaya na ako Rain, sobrang saya sana masaya ka na rin.


Alam mo bang dahil sayo kung bakit ako masaya ngayon? Nagkaayos na kami ni mama dahil rin sayo, Masaya na kami ni Kuya ulit at ipinakilala mo ko sa taong mamahalin ko ng sobra. Ikaw pala ang nagutos kay Drops na tignan ako noon, ikaw din pala ang dahilan ng lahat. At yung zombie na lalaking sinabi ko noon sayo, ikaw din pala siya haha, kaya pala sobrang putla mo noon, kaya pala ganoon yung impact sakin. Yung simpleng letter mo noong birthday ko, ibinigay din sakin ni Drops, At yung mga librong hilig kong basahin, hindi ko alam na mangyayari din pala sila sakin. Hindi kasing accurate pero parang ganon na din.


Madaya ka talaga alam mo yun? Ni hindi mo sinabi sakin na may sakit ka at mamatay ka.


"Selene?" Tumingin ako sakanya at natawa, "Why are you laughing?"

"Wala may naalala lang ako" sabi ko at ngumiti sakanya, naguluhan naman sya, ang cute talaga ng lalaking to kapat nakakunot ang kilay nya. "Thank you Selene"


"For what?"


"For Letting me to prove my love for you and loving me in returned" sabi niya bago ako hinalikan. Siya ang lalaking umalalay sakin habang wala ka Rain, ang kapatid mong si White Villanueva.

Hindi dahil ikaw ang una kong minahal ibig sabihin, ikaw at tayo na habang buhay, Oo siguro nga totoo ang Forever pero hindi sa dalawang taong nagmamahalan. Some people believe na forever does exist, yes it does pero pagmamahal lang ni God sa atin. Lahat ng bagay nagbabago at nawawala, hindi porke mahal mo siya at mahal ka niya ibig sabihin may Forever, dahil para kang tanga na tatalon sa bangin thinking na may isang taong nag aabangan at sasaluhin. Oo siguro sa umpisa, mahihintay ka niya pero hindi ba't napapagod at mangangalay ka rin at tao lang din siya.




Hindi ibig sabihin na tapos na ang storyang to, tapos na din ang pagdudusa namin, Nag umpisa palang ang pagmaahalan namin, madami pang challenges ang haharapin namin, madami pang mangyayari at doon namin maipapakitang ang True love tumatagal hanggang sa kabilang buhay.

The End.

Dear Rain, (Completed)Where stories live. Discover now