Dear Rain, (8th Letter)

702 14 0
                                    

Selene's POV

"Hindi kaya stalker mo?" nagtatakang tanong sakin ni Cha, na kwento ko kasi sakanila yung nangyari last week, yung maputlang lalaki na "Di kaya Zombie?" sabi naman ni Nix, abot tuloy inabutan niya kay Mow 

"Nix naman, sa lahat ng pwedeng mong i conclude, zombie talaga?" Natatawang sabi ni Mow, nag pout naman si Nix. Ang tagal na naming di nagkakasamang apat so I decided to plan a get together - just the four of us. 

"Hindi ko siya kilala pero alam niyo ba yung familarity thingy? I felt it and that erratic bahavior of my heart, which is weird" nag nod naman sila at sabay sabay uminom ng coffee nila, bongga nila eh, sabay sabay talaga. We stayed silent and it lasts for a minute or two when Mow decided to talk.

"Baby, If I'm not mistaken you told me years ago when we first saw Rain, your heart reacted weird too , right?" she asked at tumango ako bilang sagot "Mow, don't tell me you're thingking what I'm thinking right now?" Cha asked and they all nodded at the same time

"Guys, kahit gusto kong umasa at isiping siya yun, ayoko pa rin. Paano kapag mali tayo? lalo lang akong masasaktan" I said trying my best to prevent my tears from falling. "lene, we understand you, at ano ba kayo! Drama eh! Para saan ba tong girls out natin?" nakangiting sabi ni mow kaya nagpasya kaming humayo na at magpakasaya.

---------------

"Nakauwi ka na pala" nakakatangang sabi ng Kuya kong panget, hindi ko na lang siya pinansin at tuloy tuloy pumunta sa kwarto ko. Hindi naman ako nagtatamo or kung ano man sakanila, masyado akong masaya para sirain ni kuya.

Pag pasok ko sa kwarto, umupo agad ako sa kama ko. Napatingin ulit ako sa buong kwarto ko. Noon kulay pink ito at puno ng mga stuffs toy at mga gamit na galing kay Rain ang tulugan ko puno ng pink na gamit at may design na Spongebob. Ngayon pina pinturahan na ni mama ng kulay light yellow at blue, wala na ring masyadong stuff toys, pero halos gamit galing kay Rain ang nandito. 

------------------------

Dear Rain,

  Hello, kamusta ka na? Kung nag alala ka man sakin, kung sakali lang naman eh. Ok lang ako Rain, ok na ok. Kamusta na si tita natin? paki sabi sakanya na miss ko na siya. Kapag umuwi kayo pakisabi kahit yung paborito kong pancake niya na lang ang pasalubong niya magiging masaya na ako! haha!

Alam mo baaaa Rain?! Girls out namin kanina, at sobrang saya ko! Ang tagal na kasi naming hindi nagkikita nila Mow, Nix at Cha diba? Kaya ayon. Andami naming pinuntahan, tulad ng dati nanood kami ng sine, naka 3 movies ata kami haha! Pagkatapos kumain kami sa Jollibee! Naka apat na large fries nga kami eh! Pagkatapos naming magpakabusog, pumunta naman kami sa Arcade at naglaro ng naglaro, tas nag shopping din kami.

Ang worth it ng araw na to, kahit wala yung mga boyfriends at si Drops. Nakayanan namin tho, na miss ko si Drops kasi naman yung baklang yun, 1 week ng hindi nagpapakita sakin! kainis nga eh! Na miss ko yung pag ka weird niya. Alam mo ba Rain? feeling ko Bestfriend ko na siya kaya lang wala naman akong alam tungkol sakanya! Ang weird at pa misterious kasi yung gungong na yun eh!

At alam mo ba, may nakita akong lalaki last week, sobrang putla niya tapos ang weird ng feeling ko sakanya, kasi naman ang bilis ng tibok ng puso ko nung mahawakan niya ako, tas yung electricity ba yun? Basta ang weird! Sabi nila mow baka ikaw daw yun, pero impossible, kung ikaw yun bakit hindi mo ako nilapitan diba? Also ang putla ng lalaking yun, alam ko malusog at sobrang healthy mo no! may tabs ka nga diba? haha 

Napapahaba na naman pag kwento ko sayo haha! Ingat ka lagi dyan Rain, Mahal na Mahal kita at lagi akong maghihintay sayo.  

    ps: Birthday mo na next week ♥

                                         -Selene.

------------------------------

"Nagugutom ako" chineck ko ang oras , 11 na pala, sabagay anong oras na rin ako nakauwi. Minsan lang kasi magkasamasama ang barkada kaya hindi namin napansin ang oras. Ang saya, kaya lang na miss ko si Drops kasi naman walang weird na maingay nalalaki kanina. Walang malisya kaibigan ko siya, at ilang taon na rin kaming magkasama diba? pero ang misteryoso nyang tao, dahil hanggang ngayon wala pa akong ibang alam tungkol sakanya.

Bumaba na muna ako, tulog na siguro silang lahat dahil nakapatay na ang mga ilaw. Dumiretso ako sa kitchen at naghanap ng pagkain. "pero ma, hindi ba parang masyado na nating binibigyan ng barrier si Selene?" 

ako? barriers? Si kuya yun ah? Kausap niya si mama at pinaguusapan nila ako. Hindi ko alam kung bakit pero nagtago ako sa ilalim ng mini bar namin, dun kasi malapit si kuya Helios eh. "Ma, pinadala na nga natin siya sa Canada para hindi sila magkita noong graduation niya. Hindi ba parang sobra na to? Ma! hayaan na lang natin si Selene!" hindi kami magkita, nino?

"Seriously ma? ayaw mo siyang masaktan? ayaw mo ba talaga? Ay oo nga pala wala kayo dito para makitang nagdudusa ang kapatid ko. Sobrang nasasaktan na siya pero pinipilit niyang kumapit, for a certain reason? you've got to be kidding me! Alam ko ang reason ma! and Selene has the right to know it too! Don't worry, I'll not tell her - yet, sorry ma pero sobra na kayo, bye"

What reason? bakit? nalilito na ako.

Dear Rain, (Completed)Where stories live. Discover now