Dear Rain, (7th Letter)

733 13 0
                                    

Dear Rain,

Hello! Kamusta ka na? Sorry ha, sabi ko baka 1 week lang pero inabot ng 2 years. Ang daming nangyari sa Canada Rain.

Alam mo bang kinuha lang ni Kuya Helios ang diploma ko? Minsan gusto kong isiping, sinadya nila to, at alam mo bang hindi nila ako binisita? feeling ko tuloy ayaw sakin nila mama, pero past is past. Masaya naman ako at nakabalik na ako! 2nd year college na ako! at syempre tulad ng pinangako natin noon, Kumuha ako ng Civil Engineering. Masakit nga lang hindi tayo sabay haha!

Alam mo ba? Nakakabigla, or baka sadyang mapagbiro ang tadhana. Nakabanggaan ko si Drops month after ng gruadtion. Nagkausap kami at sabi niya ang dami kong hindi alam sa mga nangyari sa mga kaibigan ko! Paano naman kasi si Nix at si Mickey yung maingay na sinkit na kaklase natin noon? naging sila, ang tagal na pala nilang nagliligawan non, at ang masaya Going strong pa din sila. Ganon din si Cha at Mac, si Mow naman may Pow na ako ♥ si Gelo na may Dimples, sila na kaya! hanggang ngayon Going Strong pa din sila. At yass! Part na ng barkada si Drops, kahit medyo nakakailang daw dahil babae kaming lahat, pero since may mga boyfriend na ang mga lukarit, ayon part na siya.

Ang saya nila, Ako at Ikaw na lang ang kulang Rain. Ay oo nga pala sabay din kaming umuwi ni Drops , at parehas pa kami ng course. Sabay kaming pumapasok sa Canada noon at hanggang ngayon, buti na lang kasi naman iba iba kinuha nila nix haha.

Ikaw Rain? tinupad mo pa rin ba ang promise natin dati? Ako pa rin ba? Mahal mo pa rin naman ako diba? Ilang years na ba simula ng iwanan mo kami? Ilang taon na pero hindi ko pa din alam ang dahilan. Minsan gusto ko ng sumuko, pero kahit masakit kumakapit pa rin ako. Sobrang sakit pala ng Magmahal ng hindi alam kung mahal ka pa rin ba ng Mahal mo. Wala lang sakin to, Kaya ko pa ring maghintay sayo Rain.

Mahal na mahal kita Rain, maghihintay ako sayo.

-Selene.

----------------------------

Tinupi ko ang sulat ko at nilagay na muna sa ilalim ng notebook ko. Tumingin ako sa buong paligid, na miss ko umupo dito, pagkakaiba nga lang hindi na ako highschool student.

Nagtitingin lang ako ng may makita akong lalaking nakatayo, hindi kalayuan sa inupuan ko. Kaya lumapit ako sakanya "Ah, Kuya ok lang po ba kayo?"

hindi humarap sakin yung lalaki, sobrang putla niya kasi! Hindi kaya zombie to? pero grabe naman! haha! ganun pa din siya nakayuko at nakatago ang mukha sa sumbrero niya, bakit ganon? ang familiar ng feeling malapit sakanya "Nagkita na ho ba tayo dati?" tanong ko ulit at susubukan sanang tanggalin ang cap niya ng tabigin niya ang kamay ko at tumakbo ng mabilis.

*DUG DUG DUG*

A-ano to

Dear Rain, (Completed)Where stories live. Discover now