Dear Rain, (Second Letter)

1.1K 22 3
                                    

Selene's POV

2 buwan na simula ng umalis siya ng walang pasabi, at heto pa rin ako parang tangang naghihintay sa sulat niya. Gaano ba kahirap ang sumulat sakanya? Kahit isang hi lang sana ok na eh, pero wala.

Ok naman ang buhay ko sa nakalipas na 2 buwan, ay hindi pala, dahil araw araw para akong masokista na pilit sinasaktan ang sarili ko. Dumadaan ako sa bahay nila araw araw, nagbabakasaling bumalik na siya, pero lagi naman akong bigo.

Linggo ngayon, at ito din ang araw simula ng pinangako niya ang walang hanggang pagmamahal. Oo dalawang buwan na sana ang relasyo namin, at heto ako nasa harap ng simbahan, wala naman siyang sinabing break na kami diba? Ay tanga Selene! Malamang wala, hindi nga siya nag 'goodbye' sayo diba? Oo na! Bitter na kung bitter! Naiinis pa din ako!

Pumasok na ako sa simbahan, ako lang mag isa dahil Forever alone ako at isa pa maganda ako kaya mag isa ako. Osya alam ko namang hindi nyo gets pero mag isa lang talaga ako, dapat kasi kasama ko si Rain.

Pag pasok ko ng simbahan, nabigla ako. Kasi nman si Rain nasa loob inaabangan ako, naka suot sya ng tuxedo. Nakakabigla man pero ang kaninang tahimik na simbahan ay... tahimik pa din. Joke lang, pero nakakabigla kasi

talaga, walang tao kanina pero ngayon andami na.

Andito rin si Mama at Papa pati ang kuya Helios kong panget andito rin sila, nakangiti sakin, so ano to? Kasal? 3rd year highschool pa lang ako! Nakangiti sila sakin na para bang pinaghandaan nila ang araw na to

"Aray!" Bigla na lang ako nagising sa pag day dream.ko! Kainis naman tong lalaking nakabangga sakin! "Sorry miss, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo" nakangiting sabi niya sakin, tinaas ko ang kilay ko. So porke guwapo siya at cute idadaan na lang niya ako dyan? GINISING NIYA AKO SA PAG DAY DREAM KO! BWISIT!

"Sorry din Mister ha? Alam mo naman palang hindi ako nakatingin sa daan edi sana lumiko ka na lang! Ang lapad ng daan ako pa ang binangga mo!" Naiinis at nakapamewang kong sabi kanya, natatawa naman siyang YUMUKO sakin, NAHIYA NAMAN KASI AKO! MAKAYUKO GRRR.

"Sorry, Ayaw lang kasi kitang makitang mabangga sa iba" sabi niya bago siya umalis at iniwan akong nagtataka.

So ano pinaparating niya? Kainis na lalaking yon oh! Ang gwapo! Pero nakakainis!  2nd monthsary namin ni Rain, dapat masaya ako! Pero hindi ko maiwasan! Nakakainis kasi ei!

Since nasa simbahan ako, tintry kong maging banal- which is sobrang hirap, kahit naman kasi sadyang banal na ako, mahirap pa rin lalo na kung marami kang problema at naiinis ka.

Nag dasal na lang ako kay papa God, pinagdasal ko ang nga batang pulubi na nakasalubong ko kanina na sana magkaroon sila ng magandang buhay, at marami pang iba, pinagdasal ko rin na sana mamatay na ang lalaking nakabunggo sakin kanina. Syempre joke lang, mabait ako no.

------

Dear Rain,

Oy mokong ka! Kamusta ka na? Ako ito naiinis na sayo! Wala ka bang naalala? Kahit simpleng happy 2nd monthary lang galing sayo magiging masaya na ako ei! Kainis ka namn!

2 buwan na tayo, ang tagal na pala since noong una akong sumulat sayo. Nakakainis kasi ang daming ginagawa, exams tapos mga projects! Nakakainis nga si Mrs. Soliona eh! Feeling major ba naman ang project? Nakakailan na kaming projects sakanya sa isang linggo palang!

Andaming nagbago simula ng umalis ka Rain, kasi naman bigla na lang naging mabait ang mga kaklase natin sakin, tas araw araw iba't ibang gifts ang nakikita ko sa locker ko, noong una nga akala ko nagkamali lang sila, kaya iniwan ko doon pero kinabukasan, yung favorite kong chocolate na madalas mong ibigay sakin ang nandoon. Minsan gusto kong isipin na ikaw yun, pero wala ka naman!

Rain, miss na miss na kita. Babalik ka pa ba? Babalik ka naman diba? Maghihintay ako sayo Rain. Ay oo nga pala baka ilang araw din akong hindi makasulat sayo, magiging busy na kasi sa school, exams tapos walang katapusang requirements, pero wag kang mag alala susulat pa din ako.

Happy 2nd monthsary Rain, I love you.

   
   Truly yours,
     Selene

Dear Rain, (Completed)Where stories live. Discover now