Dear Rain, (Fourth Letter)

808 14 1
                                    

Dear Rain,

  Ayoo! nabigla ka siguro no? wala pa mang 1 week pero nakasulat na agad ako sayo. Kung akala mo hindi na ako magpapadala, oh well. Hindi kita titigilan haha! 

Wala naman akong dapat ikwento sayo pero kasi masaya ako ngayong araw. Hindi ko pa rin alam pangalan ni Drops pero, ang saya niya kasama! Nag punta kami sa Ice cream parlor kanina. Nakakapagtaka nga kasi alam niya favorite flavor ko! Dinala niya rin ako sa Mall at bumili din kami ng Damit na parehas ang design. Ang cute nga tignan sakanya ei! Wag ka mag seselos ha? Kaibigan ko lang naman siya.

Nakakatawa nga kasi sumasama ako sakanya at nasasayahan akong kasama siya kahit na hindi ko naman siya kilala at malala pa don di ko alam pangalan niya. Ang gaan ng loob ko sakanya, at ang nakakatuwa pa, parang kasama na din kita kapag kasama siya. Ang sama ko siguro dahil ganito ang nararamdaman ko towards him pero kasi eh.

Sabi ni Kuya Helios wag daw ako mag alala sayo, pero hindi ko maiwasan. Kahit anong pilit kong wag mag alala, hindi ko kaya. Mahal na mahal kasi kita. Hindi naman ako nabigong iparamdam sayo ang pagmamahal na yon diba? 

Pasensya na din kung sobrang kulit ko, kahit hindi ako updated sayo. Sinusubukan kong maging updated ka sakin. May naalala ka ba ngayon? Rain, kahit simpleng Happy Birthday lang galing sayo magiging masaya na ako.

Syempre kahit hindi mo ako batiin masaya na ako. Mag ingat ka lagi dyan ha? Mahal na Mahal kita.

    Truly Yours,

     Selene.

-------------------

Helios' POV

"Kuya! ayan yung sulat ko ha? Thank you!" masayang sabi niya, kahit bakas sakanya na hindi siya nakakatulog ng maayos, at laging umiiyak, pinipilit niya pa rin maging ok at ngumiti. Hindi man halata pero malakas ang kapatid ko, sobrang lakas. 

"Happy birthday Selene" bulong ko at nilagay sa ilalim ng notebook ang sulat niya.

Dear Rain, (Completed)Where stories live. Discover now