Dear Rain, (Fifth Letter)

753 21 6
                                    

Last for today haha!

-------

Dear Rain, 

  Hello! Ang saya ko Rain! Na shock ako sa surprise ng mga kaibigan ko at nila mama sakin, akala ko noong una walang nakaalala sa birthday ko haha

Kahit ayaw mong malaman syempre i kwento ko pa rin sayo kung anong nangyari. Naghanda sila para sakin, sadya silang hindi bumati sakin, akala ko nga busy lahat sila eh. Tas lahat ng pagkain favorite ko! Ang saya talaga, kahit hindi man magarbo, sobrang napasaya nila ako. Yung thought lang na nag effort sila at sama sama kami, sobrang saya ko na.

Kilala mo si Drops diba? Yung lalaking lagi kong kinukwento sayo? ni regaluhan niya ako ng kwintas, nakakatawa nga kasi kamukhang kamukha pa ng sayo! Sobrang saya ko talaga ngayong araw! Hindi naman halata diba? Kanina ko pa binabanggit ang salitang masaya.

Rain, mas magiging masaya ako kung nandoon ka, na kumpleto tayo or kaya kahit isang bati lang mula sayo... magiging sobrang saya ako. Sabi ko masaya ako, pero Rain, feeling ko kasi kulang pa rin eh. Kulang ka, wala ka. Ni isang bati hindi mo nagawa. Sobrang kulang ng araw ko kaya ito ako, sumusulat na naman sayo.  

Mahal na Mahal kita, lagi mong tatandaan yan ha? Lagi akong maghihintay sayo Rain.

                     -Selene.

---------------------

Someone's POV 

tinupi ko ang sulat na napulot ko at binulsa, last year pa ang sulat na to, pero hindi ako nag abalang ibalik sakanya. Halata sa sumulat na malungkot siya at umiyak. Damang dama ko ang sakit na nararamdaman ni Selene. Matagal siyang naghihintay kay Rain, pero hanggang ngayon? Wala pa rin siya. Isang taon na, Isang taong na akong nasasaktan habang pinagmamasdan siyang umiiyak para sa iba.

Natutuwa ako kasi ngayon masigla na ulit siya, sobrang busy niya ngayon dahil na rin sa Graduating na siya. Sa pag kakaalam ko halos ilang buwan na din siyang hindi sumusulat. Nalulungkot ako tuwing naiisip kong umaasa siya sa wala.

Mahal na mahal ni Selene si Rain, ano nga lang ba ako sakanya diba?

Dear Rain, (Completed)Where stories live. Discover now