Dear Rain, (6th Letter + Unknown letter)

794 14 0
                                    

Selene's POV

"Dropsss!" tawag ko sakanya, tumingin naman siya sakin at ngumit, "Miss me already?" aba! aba! ang yabang ng lalaking to! Porke tinatawag lang at na excite na makita siya miss agad? Pigilan niyo ako! sisipain ko tong gwapong lalalki sa harap ko.

"Kapal mo!" sabi ko sakanya ng natatawa, ganon din naman siya sakin. 1 year na simula ng huling letter ko kay Rain, sinikap kong wag sumulat, baka sakaling ma miss niya ako. Habang nahihirapan ako, hindi naman tumigil tong si Drops sa pagpapasaya sakin! Actually alam ko na ang pangalan niya dahil sa Id namin, pero sabi niya tawagin ko na lang siyang Drops. Hindi ko naman nabanggit sakanya pero, nakakatawa kasi, yun na talaga ang tawag ko sakanya, diba?

"It's been almost a year since" He said dahilan upang mapatingin ako sakanya, I laughed sadly. Alam ni Drops ang tungkol kay Rain, ewan ko ba tas ang close niya sa Family ko at lalo na kay Kuya. "At hanggang ngayon, wala pa din siyang tugon sa mga sulat ko" sabi ko at umupo nama siya sa tabi ko. 

"Don't be sad, why don't you try writing again? Don't give up on him yet. I want you to stop, I don't want you to cry again, I want you to let go and love me instead, but he needs you more than I do. I'm begging you Selene, don't give up even if it's hard please don't stop." he said and I froze. Nakatingin pa din ako sakanya ng tumayo siya at ngumiti sakin bago umalis.

Sino ka ba talaga Drops? Sino ka ba? 

------------------

Dear Rain,

   Hi Rain, kamusta ka na? Kumakain ka ba ng maayos? Hindi mo naman siguro pinapabayaan ang sarili mo diba? Sigurado akong sobrang taba mo na ngayon, pero kahit maging baboy ka pa, mamahalin pa rin kita haha!

Halos mag iisang taon na ng huli akong sumulat. Malamang kasi mag 17 na ako next next week haha. Malapit na rin akong makapagtapos ng highschool Rain ganon ka rin naman diba? Kahit wala ka, masaya naman ako though minsan hindi ko maiwasang isipin ka, isipin kung meron pa bang 'tayo'. 

Ang hirap kasi Rain. Hindi ko alam kung may karapatan pa ba akong tawagin 'akin' ka. Kung may karapatan pa ba akong mag selos or kung ako pa rin ba. Pero kahit ganito, kahit ang hirap na wala na akong alam tungkol sayo. Kahit hindi na ako updated sayo, hindi pa rin nagbabago ang tingin at pagmamahal ko sayo.

Alam mo ba? Sabi ng teacher ko, kung lagi daw nababaliwala ang pagmamahal ng isang tao at habang tumatagal, unti unti ding naglalaho ang nararamdaman at pagmamahal. Guess what? na realized kong mali siya, kasi ako ito pa rin lunod na lunod pa rin sa pagmamahal para sayo. Ang dami din natulong sakin ni Drops. Sabi niya kahit masakit daw sana wag ako sumuko sayo, kahit daw na gusto niya na siya na lang ang mahalin ko.

Kaibigan ko siya Rain, kaya mas pinili ko pa ring sulatan ka, sana lang hindi magbago ang pagkakaibigan namin. Nagseselos na nga sila mommy Kriz, Nix at Cha sakanya eh! Mas madalas na daw kaming magkasama ni Drops. Kasi naman kapag kasama ko siya, ikaw ang nakikita ko, Alam mo ba kung bakit kinaya kong wag sulatan ka? Kasi feeling ko siya at ikaw iisa lang. Na para bang nasa tabi lang kita.

Rain, magpapaalam ako sayo ha? Baka hindi ako makasulat sayo ng ilang araw. Kailangan ko kasing pumunta ng Canada. Kailangan kong bantayan si Lolo at lola, wala doon si Kuya Helios eh. Sandali lang naman ako doon, baka nga wala pang 1 week pauwiin na rin ako nila mama haha!

Rain, lagi mong tatandaang mahal na mahal kita ha? Lagi akong maghihintay sayo. Rain, I love you. 

ps: 1 year na tayo noong isang buwan, ♥

                               -Selene ♥

Kahit na naguguluhan ako at nasasaktan, masaya kong inabot kay kuya ang letter na sinulat ko para kay Rain. Habang sinusulat ko yun, gusto kong magwala dahil ang dami kong na realize. Mahal na mahal ko pa rin siya, siya pa rin naman talaga. Na realize kong, ano nga lang ba ang oras? Kasi kahit gaano man kalupit ang tadhana sakin, pipilitin kong maghintay

"Are you sure?" tanong ni Kuya at nag nod naman ako. Bakit kasi ako pa ang kailangan pumunta sa Canada eh, Graduating na nga ako tas, nakoo! :3

----------------------

Nics' POV

Dear Selene,

I've been watching you for a year now, but you never noticed my presence. I'm always beside you, I'm always with you . Happy Birthday! Love you.

Kaloka, kanino galing tong sulat na to? Love letter ba para kay Selene? pero last year pa to eh! punit na kasi tas birthday pa? Ang nakakapagtaka, bakit nasa bag ni DROPS! Hindi ako magnanakaw ha? Kukunin ko lang talaga dapat yung Activity namin sa Trigo at kokopyahin, kaya lang di ko makita kaya kinalkal ko buong bag niya at nakita to.

Wala si Selene ngayon, nasa Canada. Mangiiwan siya eh! siguraduhin niya lang na may pasalubong siya sakin kung hindi, I'll kill her, syempre joke lang yon. "What's that?" narinig kong sabi ni Drops kaya humarap ako sakanya "letter, nakita ko sa bag mo" 

Akala niyo matatakot ako sakanya? No, no. Kailangan kong malaman kung bakit meron siya nito. "Saw that in a garbage a year ago" he calmly said at kinuha ang papel sakin, nakapamewang akong humarap sakanya "At bakit hindi mo binagay kay Selene? at kung bakit hanggang ngayon meron ka pa rin niyan?" 

"Why would I? I need to keep this letter for a certain reason. " sabi niya at umalis na. That boy is seriously weird.

Dear Rain, (Completed)Where stories live. Discover now